Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Inasahan pang lalaki ang pinsala sa sektor ng agrikultura dahil sa patuloy na masamang panahon.
00:09Sa pamilihan, nagmahal na ang presyo ng ilang gulay at isda.
00:13Balitang hatin ni Bernadette Reyes.
00:17Pa, ipigay mo yung mga saako tali. Doon mo na agad. Abang!
00:21Sa gitna ng malakas na ulan, nagkumahog na isalba ng mga magsasaka ang mga binahang tanim ng palay sa Abra de Ilog Occidental, Mindoro.
00:30Bigla, bigla talaga yung lakas na ulan. Grabe.
00:34Ganyan din ang sitwasyon sa bayan ng Santa Cruz dahil sa magkakasunod na sama ng panahon.
00:40Umabot na sa P323 million ang pinsala sa agrikultura ayon sa Department of Agriculture.
00:47Palay ang karamihan sa mahigit 10,000 metric tons ng produksyon na nasira na posibli pang madagdagan.
00:54Ang pinakamalaking danyos ay sa Mimaropa at 121 million.
01:01Susunod po ang Western Visayas at 70 million.
01:04At pangatlo po ay dito sa Central Mindanao.
01:08At ang pinakamalaki po in terms sa probinsya ay dito po sa Occidental Mindoro.
01:14More than 1.2 billion yung naka-standby natin na pondo para dito sa mga ongoing ngayon natin na calamities.
01:21Ramdam na ang epekto sa mga pamilihan.
01:24Sa balintawak market, kung hindi nagmahal, kakaunti ang supply ng gulay.
01:29Nung hindi pa po dumarating yung bagyo natin, eh mas mura po.
01:33Kisa sa ngayon po, doble po kasi yung presyo.
01:36Sitaw, lalo na sitaw. Ayan ako, konti. Mga maitim pa.
01:40Wala, eh. Ano nang ulan. Yung mga okra, dati 30 lang. Ngayon, 80, 90, 100.
01:48Dito sa Marikina Public Market, tumaas na ang presyo ng ilang isda.
01:52Bukod dyan, may mga isdang walang dumating na supply tulad ng lapu-lapu at alumahan.
01:57Walang ganong bumiyahe doon sa ano. Walang bumalawot ba dahil sa malakas yung alo.
02:05Sa bigas, sa gulay, marami tayong supply. Kung meron man mga pagtaas, hindi yan dapat aabot ng hanggang 10%.
02:13Tiniyak naman ang National Food Authority na sapat ang supply ng bigas.
02:18Otos din ang Pangulo na mas paitingin pa ang price monitoring upang maiwasan ang pag-abuso sa presyo,
02:25lalo na sa mga lugar na nasa ilalim ng state of calamity.
02:29Bernadette Reyes, Nababalita para sa GMA Integrated News.
02:33Bukod dyan, may mga.

Recommended