Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Samantala, nasira ng malalaking alon ng ilang kubo at bahagi ng kalsada sa tabing dagat sa San Antonio, Zambales.
00:06Kumustahin natin ang sitwasyon doon sa ulat on the spot ni Darlene Kai.
00:11Darlene?
00:14Rafi, sa mga oras na ito, maaliwalas yung panahon pero may at maya ipabugso-bugso pa rin yung malakas na ulan na sinasabay ng malakas sa hangin.
00:21At bukod dyan, yung nararanasan dito ay malalaki at manataas na alon tulad na lang nung nakikita nyo dito sa aking likuran na nararanasan namin sa baybayin ng Barangay San Miguel.
00:33Nakataas ngayon ang storm surge warning dito sa buong probinsya ng Zambales.
00:37Ayon sa pag-asa, maaaring umabot sa 1 to 2 meters ang daluyong.
00:42Kitang-kita yan dito nga sa kinatatayuan ko sa Barangay San Miguel.
00:45Sa katunayan, itong nakalipas na araw ay maraming kubo ang na-washout dito.
00:50Sinira ng mga alo na dala ng bagyong krising at bagyong dante ang anim na hilera ng mga kubo rito sa puroktubi sa Barangay San Miguel.
00:59Humigit kumulang yan na 30 kubo na pinarirentahan ng mga residente sa mga turistang dumarayo rito.
01:05Hirap tuloy yung mga residente na nawala ng kabuhayan at bukod dyan, bahagi rin ng coastal road dito sa barangay ang winasak ng malalaking alon.
01:15Pansamantala muna yung isinara sa mga motorista.
01:18Raffi, ayon doon sa San Antonio LGU, bawal na muna yung mangisda at bawal na rin yung tourism activities tulad na lang ng paliligo sa dagat
01:29at yung mga bangka na magsasakay ng mga turista dahil nga dito sa nararanasang taas ng alon at sama ng panahon.
01:36Yan yung latest mula rito sa San Antonio Zambales. Balik sa'yo, Raffi.
01:39Darlene, yung inyong ipinakita na nasirang retaining wall, ngayon lang ba yung nasira o nasira niyan before at lumala lang?
01:49Raffi, nakausap natin yung punong barangay ng barangay San Miguel.
01:53Actually, pangatlong beses na raw ito na nasira itong bahagi ng coastal road dito.
01:59Pero itong particular na damage ay nangyari noong nakaraang linggo pa, noong Bagyong Crising.
02:07Kaya ang nangyari dito ngayon, hindi madaanan yung bahagi ng coastal road.
02:12Temporarily closed yan para sa mga residente at sa mga motorista.
02:16At sabi ng punong barangay, nasa 30 meters daw yung bahagi ng kalsada na nasira.
02:22Pero kahapon yun.
02:24Kagabi, dahil napakalakas pa rin ang ulan at hangin na sinabayan ng matataas na alon,
02:29eh merong bagong damage. At yan yung for assessment pa ng local officials, Raffi.
02:35Darlene, may alternatibong dadaanan naman yung mga nakatera dyan sa lugar na yan?
02:43Yes, Raffi, may alternatibong dadaanan at may mga nakabantay na barangay officials
02:48at mga kawaninang barangay dito sa area para abisuhan yung mga motorista
02:53na dumaan muna sa ibang bahagi ng kalsada.
02:56Maraming salamat at ingat kayo dyan, Darlene Kai.