Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6 days ago
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Hindi na makatulog ang ilang residente sa Baguio City dahil sa takot na madamay ang kanilang bahay
00:05sakaling magkaroon muli ng landslide at rockfall sa gitna ng masama pa rin panahon.
00:10May unang balita live si E.J. Conn.
00:18Susan, walang tigil ang ulan dito sa magdamag at mas malakas pa yan
00:23kumpara kahapon may mga pagbahana sa kalsada at rockslide
00:27gaya na lang dito sa Kennon Road.
00:30Dito sa Baguio City, magdamag ang malakas na ulan.
00:38Bahana sa mga kalsada.
00:40Sa luwakan sa Kennon Road, humamba lang sa kalsada ang isang malaking puno.
00:44Sa unahan ng puno, may bato pang nalaglag mula sa bundok.
00:48Ilang sasakyan, ang muntik na itong madaanan dahil hindi gaanong makita
00:52kaninang madilim pa at malakas ang ulan.
00:55Sa pag-iikot natin kahapon dito sa kahabaan ng Kennon Road,
00:58malakas ang agos ng tubig mula sa bundok patungo sa kalsada.
01:03Nangangamba ang ilang residenteng malapit sa Kennon Road
01:06na baka magkaroon ulit ng pagguho ng lupa at bato
01:09at madamay ang kanilang mga tirahan.
01:11Ilang araw na raw silang puyat dahil sa magdamag na pagbabantay.
01:16Palahatin na lang yung lupa niya.
01:21Kapag nahulog yun, yung puno, sigurado maraming batong mahulog na naman.
01:26Natatakot din kami.
01:27Hindi ka makatulog sa gabi kasi iniisip mo yung bato.
01:34Baka mamaya na naman, meron na namang malalaglag, lalo na dyan.
01:37Ayan o, nakalabas na dito yung ugat ng kahoy.
01:41At saka may bato dito na nasa ilalim.
01:46Kapag dinaanan ng tubig na naman yan, nang dire diretsyong bagyo,
01:50ayan na naman, baka gugulong na naman yan pababa.
01:54Susan, ilang metro lang ang layo mula doon sa in-report natin na humambalang na puno at bato
02:05ay meron muli dito sa kinatatayuan namin.
02:07At kita, parang may ilang bahagi pa ng puno sa itaas na parang babagsak na.
02:12Dito sa kalsada, meron na nagbagsakan ng mga maliliit na bato.
02:16At malakas yung agos ng tubig dito dahil pababa din yung kalsada.
02:19At ganyan yung kulay ng tubig dahil nang gagaling yan dito.
02:24Sa gilid.
02:25Mas malakas yung kanina, medyo humina ngayon.
02:28Tapos sa taas, merong bahay dyan, Susan.
02:32Ayan.
02:34Gusto lang din po natin ipaalam sa publiko na ito pong incidenting ito,
02:38pati yung nauna, ay itinawag na po natin sa Baguio City, LGU at CDRRMO.
02:44Para po makatulong din at maiwasan na po natin yung trahedya o disgrasya dito po sa kalsada.
02:51Yan po muna ang latest mula po rito sa Baguio City.
02:54EJ Gomez, para sa GMA Integrated News.

Recommended