Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6 days ago
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Sa Agno, Pangasinan, unang nag-landfall kagabi ang Typhoon Emong.
00:04Problema ngayon sa ilang evacuation center doon,
00:07ang pagkakasakit at hawahan ng mga evacuee, lalo na ng mga bata.
00:12Live mula sa Dagupan City, may unang balita si CJ Torida ng GMA Regional TV.
00:18CJ!
00:21Igan, nakataas pa rin ang signal number 3 sa ilang lugar sa Pangasinan,
00:25kabilang ang Dagupan City dahil sa Bagyong Emong.
00:28Kaya posibleng madaragdagan pa ang bilang ng mga evacuee.
00:35Nasa 1,421 pamilya ang nasa iba't ibang evacuation center sa Pangasinan.
00:42Katumbas ito ng 5,172 individual.
00:46Sa barangay Maluud, Dagupan City, 103 pamilya katumbas ng 327 na individual
00:52ang nasa evacuation center.
00:55Ang ilan nasa stage ng covered court.
00:56Ayon sa ilang evacuee, nagkakasakit na ang kanilang mga anak,
01:01tulad ng 7 taong gulang nanak ni Jovi, na inuubo na.
01:04Gabi pa noong linggo, nang sila ilikas mula sa Zone 2.
01:08Nagkakawa na po yung mga bata po ng ubo, sipon.
01:12Labimpitong apo naman ni Nanay Juliet ang nasa evacuation center.
01:15Mula sila sa Kalyodos kung saan hanggang dibdib ang lalim ng baha.
01:19Ang ilan sa kanyang mga apo, matagal na raw tinamaan ng ubo, sipon.
01:2433 days na kami rito.
01:26Ayon sa Health Authority, sadyang humihina ang immune system ng mga bata tuwing masama ang panahon,
01:32lalo na kung naulanan, nababasa ang damit at hindi agad nagpapalit.
01:36Ang ginagawa po namin, araw-araw po kaming umiikot,
01:41sinecheck po namin yung mga vital signs nila,
01:44kung may lagnat, tapos kung ano yung mga complain nila, ubo, sipon.
01:48Sapat naman daw ang gamot mula sa barangay at city health office para sa mga evacuee.
01:53Tumataas pang baha sa evacuation center,
01:55kaya inakit na sa ikalawang palapag ang ilang evacuee.
01:59Galing tayo sa isang school building sa aking likuran na nagsisilbing evacuation center.
02:04At dahil sa patuloy na pagtaas ng antas ng baha,
02:09kinakailangan ng mga evacuee na sumakay sa rescue boat upang makalabas dyan
02:13at makabili ng kanilang mga pangangailangan.
02:18Nagpapatuloy ang rescue operation ng mga otoridad,
02:21kaya patuloy rin na nadaragdagan ang bilang ng mga evacuee.
02:24Samantala, Igan, ang ilang bahagi pa ng lalawigan ng Pangasinan
02:36ay nasa ilalim pa rin ng signal number 2.
02:40Patuloy pa rin na tumataas ang antas ng baha sa dagupan na city
02:44dahil sa pag-uulan at pag-apaw ng ilang kailugan.
02:47Samantala, sa mga oras na ito, Igan,
02:49ay nakararanas tayo ng panakanakang pagambon dito sa lungsod ng dagupan.
02:53Balik sa iyo, Igan.
02:55Maraming salamat, CJ Turida na GMA Regional TV. Ingat!

Recommended