Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Tuloy ang State of the Nation Address ni Pangulong Bongbong Marcos kahit inaasahang magiging maulan pa rin sa lunes.
00:06May unang balita si Dano Tingcunco.
00:12Pag-asa na ang nagsabi, magpapatuloy ang sama ng panahon hanggang sa lunes sa araw ng State of the Nation Address o Sona ni Pangulong Bongbong Marcos.
00:20Pero sabi ni DILG Secretary John Vic Remulia, umulan man o bumagyo, liba na lang kung signal number 3 o may deluvio, tuloy na tuloy ang Sona ng Pangulo.
00:30Pero dahil sa pananalasan ng magkakasunod na bagyo, sabi ni House Speaker Martin Romualdez, gagawin daw itong mas simple.
00:44Partikular ang nakasanayang red carpet na hindi na anya magmimistulang fashion show.
00:50Sinisiguro rin ni Senate President Cheese Escudero na nakahanda ang pasilidad ng Senado para sa pagbubukas nila ng sesyon lunes ng umaga bago ang Sona sa hapon.
01:0022,000 polis naman na magbabantay sa paligid ng Batasan Complex sa lunes.
01:06Itong challenge nga yung ating weather condition, magbabago lang yung sa magiging uniform ng ating mga personnel.
01:13Pero so far as for other deployment and security preparations, the same pa rin po, wala pong pagbabago.
01:19Kumpara sa mga nakaraang Sona, walang kalsadang isasara maliban sa zipper lanes para sa mga kongresista at VIP.
01:27Magtitira ng tatlong bukas na lane para sa mga motoristang papuntang Fairview.
01:31Tatlong grupo naman ang binigyan ng permit na magpipon.
01:34Isa sa bandang St. Peter Church, isa sa bandang Commission on Audit at isa sa White Plains.
01:40Sakaling may magtangkang magrally ng walang permit o magmarcha.
01:43May mga negotiating team tayo, may mga grupo, may ground commanders.
01:49So sa mga ganitong pagkakataon, maapila tayo sa publiko na kung hanggat maari ay maging mahinahon.
01:57Ito ang unang balita, Dano Tingkungko para sa GMA Integrated News.
02:02Gusto mo bang mauna sa mga balita?
02:04Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube at tumutok sa unang balita.