Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • yesterday
Pinangangambahan ngayon ang posibleng malawakang pagbaha sa Lubao, Pampanga kung tuluyang masira ang dike na unti-unting kinakain ng rumaragasang tubig.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sa Lubaw, Pampanga naman, pinangangambakan ngayon ang posibleng malawakang pagbaha kung tuluyang masira ang dike na unti-unting kinakain ng rumaragasang tubig.
00:09Kumustahin natin ang sitwasyon doon sa live na pagtutok ni Rafi Fima. Rafi!
00:17Emil, mahigpit niyo pagubantay ng mautoridad dito sa bahagi ng dike na gumuho malapit dito sa Santo Cristo Dam.
00:24Critical na rin kasi ang lagay nito dahil kalahati na ng dike ang kinain ng rumaragasang tubig mula sa dam.
00:34Ilang pulgada na lang babagsak na sa Porac River ang tindahan ito na nakatayo sa ibabaw ng Santo Cristo Dam Dike.
00:40Kinain na kasi ng malakas na ragasan ng tubig ang bahaging ito ng dike.
00:44Ilang araw na rin napapansin ng residenteng si Maribel ang unti-unting paghuhon ng dike sa tapat mismo ng kanyang bahay at tindahan.
00:51Kaya nag-evacuate na sila kahapon.
00:53Nung linggo, nag-umpisa na po yung ginawang daanan ng TDC dati, nung ginawa po nila yung dam.
01:02Tapos yun, unti-unti na po yun, nung lunes, ganun din po.
01:05Tapos martes ng gabi, malalaki na po yung bumabagsak na lupa.
01:11Tapos merkulis ng alas 2, ng madaling araw, bumagsak na po tuluyan yung kalsada.
01:20Walang retaining walang bahaging ito ng dike dahil dito noon dumadaan ang mga truck na gumawa ng dam.
01:25Kanina, binalikan ni Maribel ang ilan sa kanyang gamit.
01:28Sa kuwang ito ng kapitan ng barangay, makikita ang unti-unting paghuhon ng dike.
01:33Sinubukan pa rin nilang maglagay ng sandbag pero tinangay din ang agos ng tubig.
01:37Pangamba ng opisyal, kapag tuluyang nasira ang dike, tiyak na babahain sila.
01:42Aabot daw ng mahigit 30,000 pamilya ang pwedeng maapektuhan.
01:46Lahat kaming magkakataping barangay, gaya ng San Miguel, San Vicente, San Nicolas I, San Nicolas II, hanggang sa Jasa Road.
01:58Yung naka-apektado po yung mga nasa ilalim.
02:00Ang Philippine National Police, magtatalaga na raw ng pulis sa lugar para magbantay.
02:06Ipinag-utos na raw ng Provincial Government,
02:08ang lokal na DPWH dito na bilisan ng paglalagay ng sandbag, malalaking bato at lupa para hindi tuluyang mabutas ang dike.
02:15According sa napag-meeting, ayun muna po ang feasible ngayong as according sa DPWH.
02:21Ang ilang residente, buluntaryo namang tinatanggal ang mga naipong water lili sa dam.
02:26Nakaharang kasi ang mga ito sa daluyan ng tubig.
02:28Kapag hindi ito natanggal, posibleng maipon ang tubig at raragasa patungo sa direksyon ng nasirang dike.
02:38Sa ngayon ni Mila, ay nabawasan na raw yung lakas ng ragasan ng tubig mula doon sa dam.
02:43Pero hanggat hindi gumaganda yung panahon, naroon pa rin yung pangamba na maipon pa rin yung tubig doon sa dam
02:49at tuloy na itong mabutas itong nasirang dike.
02:53Kaya naman nakalerto pa rin ang mga otoridad dito sa lubaw.
02:56Yan pa rin ang latest mula dito sa Pampanga.
02:58Emil?
02:59Maraming salamat, Rafi Tima.

Recommended