00:00Samantala, tiniyak po ng Office of Civil Defense na naka-alerto ang lahat ng ahensya ng gobyerno para tumugon sa banta ng dalawang bagyong nasa loob ng Philippine Area of Responsibility.
00:10Yan ang ulat ni Patrick De Jesus.
00:13Walang humpay pa rin ang pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa na dala ng hanging habagat.
00:19Kaya't pinangangambahan ngayon ang pagkakaroon ng mga insidente ng landslide dahil saturated na ang lupa.
00:25Sa Datos of Mines and Geosciences Bureau, aabot sa 3,000 barangay ang high-risk areas sa pagkakaroon ng pagguho ng lupa.
00:55At paano ma-issue itong early warning natin.
00:59At ang cooperation po ng ating mga LGUs doon sa mga high-risk areas na magkaroon ng preemptive evacuation ay napaka-importante.
01:08So everyday, ina-assess natin ito.
01:11Dagdag banta pa ngayon ang dalawang bagyo na nasa loob ng Philippine Area of Responsibility.
01:16Pero tiniyak ng Office of Civil Defense na mananatiling nakaalerto ang lahat ng ahensya ng gobyerno sa pamagitan ng Inter-Agency Coordinating Cell.
01:32Everyday, nag-me-meet yung mga decision makers at para tugunan kung ano man ang mga pending na kailangan aksyonan ng gobyerno.
01:41Umabot na sa kalahating milyong pamilya o 1.9 milyong individual ang apektado na nagpapatuloy na pagulan sa bansa dahil sa iba't-ibang weather disturbances na nararanasan ngayon.
01:53Higit 25,000 pamilya ang pansamantalang na inirahan ngayon sa Ligtas Evacuation Center sa buong bansa.
02:01Under validation ang pitong naiulat na namatay habang may walo ang naiulat na nawawala.
02:07Pumalo naman na sa 4 milyong piso ang halaga ng pinsala sa infrastruktura habang 217 milyon peso sa agrikultura na karamihan ay high-value crops.
02:19Welcome naman sa OCD ang pag-activate sa lahat ng sham na EDCA sites para mapalawak pa ang humanitarian assistance and disaster response o HADR operations na handa para sa relief operations at iba pang klase ng tulong.
02:34Marami naman tayong mga multiple sites na pwedeng gamitin lalo na kung mag-prolong pa itong ating operations.
02:43So we welcome this and these are all welcome facilities na pwede natin gamitin kaagad.
02:49In terms of the use of these EDCA sites, as multi-purpose nga itong sites na ito, they can be used for repacking of goods in coordination with DSWD.
03:02Pwede po siyang maging command and control hubs para din po sa ating mga aid that's gonna be coming in, even for international aid.
03:11So ito po as the purpose may be and depending po sa proximity niya dito sa iba't ibang mga affected na mga lugar, yun po ang magiging utilization ng ating mga EDCA sites.
03:23Patrick Dezos para sa Pambalsan TV sa Bagong Pilipinas.