00:00Ngaabod naman sa 200 pamilya sa Occidental Mindoro inilikas dahil sa banta pa rin ng Bagyong Dante, DSWD tiniyak din ng tulong sa mga pektadong manging isda sa pamamagitan ng Food for Work program.
00:14My report si Diane Gorembalem ng PIA Mimaropa.
00:21Nakabalik na sa kanila mga tahanan ang mga pamilyang lumikas dahil sa pananalasa ng Bagyong Krising at Habagat sa Occidental Mindoro.
00:30Ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office o PDRRMO, humupa na ang mga baha sa bayan ng Magsaysay, Sanose, Rizal at Kalintaan.
00:40Sa datos ng Regional DRRMC, halos 28,000 individual o 6,000 pamilya ang naapektuhan ng pagbaha nitong weekend.
00:49Samantala, mayroong 207 pamilya o 728 individual mula sa mga bayan ng Abradiilog at Mamburaw na lumikas ayon sa datos ng PDRRMO kaninong umaga,
01:01dulot ng patuloy na pagula na dala ng habagat na pinalakas ng Bagyong Dante.
01:06Patuloy naman ang pamimigay ng Family Food Packs ng DSWD para sa mga evacuees.
01:12Bukod dito, may isang daang kabang bigas at iba pang goods na nakahanda ang probinsya bilang pantulong sa mga munisipyo
01:18sakaling kailanganin ng karagdagang pagkain sa mga bayan.
01:21Sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan, naglaan din ng halos 6,000 family food packs ang DSWD
01:29para matulungan ang mga apektadong mangingisda sa mga bayan ng Kalintaan at Mamburaw sa pamamagitan ng Food for Work program.
01:36Naka-preposition na ang rubber boat sa Kalintaan at naka-standby rin ang mga evacuation centers sa buong probinsya ng Occidental Mindoro
01:43para sa epekto ng pinalakas na habagat dulot ng Bagyong Dante.
01:47Mula rito sa San Jose Occidental Mindoro para sa Integrated State Media,
01:53Diane Gorembalem ng Philippine Information Agency, Mimaropa.