Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
-PAGASA: Bagyong Emong, nagpapaulan sa Northern Luzon; Bagyong Dante, lumakas sa isang tropical storm

-Ilang lugar sa Luzon, isinailalim na sa state of calamity

-Ilang motorista at commuter, piniling suungin ang baha sa Felix Avenue, ilang motorsiklo, tumirik/Marikina LGU: umabot sa 23,000 ang evacuees kahapon

-Class at work suspension sa ilang probinsiya, idineklara ng Malacañang

-17 barangay, binaha; Marusay River, umapaw

-Pangasinan PDRRMO: Mahigit 132,000 pamilya o mahigit 428,000 residente sa buong Pangasinan, apektado ng masamang panahon

-INTVU: Prof. Mahar Lagmay

-Sangkaterbang basura, nakolekta sa ilang bahagi ng Metro Manila matapos ang pagbaha/MMDA, ininspeksyon ang Batasan Station ng MRT-7; Ilang basura, nahukay sa drainage system nito

-MRT-7 PMO, nilinaw na hindi ang konstruksiyon ng train line ang dahilan ng pagbaha sa Commonwealth Avenue nitong Lunes

-Water level sa Marikina RIver, balik na sa normal; Clearing operations sa mga inanod na putik at basura, sinimulan na


Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Mainit-init na balita, dalawa na po ang bagyo sa loob ng Philippine Area of Responsibility.
00:05Ang low-pressure area na nasa hilagang kanlurang bahagi ng Luzon ay tinatawag ng Bagyong Emong.
00:11Ito ang nagpapaulan sa Cordillera Administrative Region, Ilocos Provinces, Batanes, Cagayan at Isabela.
00:20Ang Bagyong Dante lumakas pa at isa ng tropical storm.
00:24Pinalalakas ng dalawang bagyo ang hanging habagat na nagpapaulan sa malaking bahagi ng bansa.
00:30Patuloy rin minomonitor ang LPA sa labas ng Philippine Area of Responsibility dahil mataas ang tsansa nito maging bagyo sa susunod na 24 oras.
00:39Batay sa datos ng Metro Weather, halos buong lasun pa rin ang ulanin sa mga susunod na oras.
00:45Ulanin din sa ilang panig ng Visayas at hilagang bahagi ng Mindanao.
00:50Mag-ingat po dahil posiblang moderate to intense rains na pwedeng magdulot ng landslide o magpalala sa bahag.
00:56Tutok lang po sa balitang hali para sa ilalabas na 11am bulletin ng pag-asa kaugnay sa dalawang bagyo.
01:05Nagdeklara na ng State of Calamity ang ilang local government unit dahil sa epekto ng bagyong krising at hanging habagat.
01:11Kabilang sa mga isinalalim dyan ang Quezon City, Malabon, Kalumpit-Bulacan, pati na po ang lalawigan ng Cavite.
01:20Dahil sa pagdeklara ng State of Calamity, magagamit na ng mga lokal na pamahalaan ang kanilang calamity funds.
01:26May patutupad din ang price free sa mga pangunahing bilihin.
01:30Inaasahan na rin magdeklara ng State of Calamity ang Lungsod ng Maynila at Dagupan, Pangasinan,
01:36matapos itong irekomenda ng kanilang City Disaster Risk Reduction and Management Office.
01:42Sa nakalipas na walong araw, mahigit 1,400,000 Pilipino na ang apektado ng masamang panahon.
01:49Base po yan sa datos ng NDRRMC mula sa pinagsamang hagupit ng bagyong krising,
01:54hanging habagat at low pressure area sa loob ng bansa.
01:58Pinakamarami ang nasa lanta sa Central Luzon, Negros Island Region at Ilocos Region.
02:05Sa mga apektado, mahigit 77,000 ang lumika sa evacuation centers.
02:09Sa ngayon, dalawa na ang kumpirmadong nasawi ayon sa NDRRMC.
02:13Isa sa Lano del Norte at isa sa Surigao del Norte na parehong namatay dahil sa mga bumagsak na puno.
02:21Lima naman ang bina-validate pa.
02:23Isa naman ang kumpirmadong sugatan habang may dalawang nawawala.
02:27Pagdating sa infrastructure, mahigit kalahating bilyong piso na ang halaga ng pinsala.
02:32Mahigit 130 milyong piso ang halaga ng produktong agrikultural naman ang napinsala.
02:40Samantala humupa ng baha sa malaking bahagi ng Marikina,
02:42pero may ilan pa rin nananatili sa evacuation center.
02:46Sa katabing bahay naman ng Kainta sa Rizal,
02:48pahirapan ang biyahe ng ilang motorista at commuter.
02:51Ang mainit na balita hatin ni EJ Gomez.
02:56Dahil nakaranas ng malakas na ulan sa Kainta Rizal,
03:00abot binti pa rin ang baha sa Felix Avenue.
03:03Tanging malalaking truck na lang ang nakakadaanan dire-diretsyo.
03:07Pasado alas 3 ng madaling araw,
03:09baha pa rin dito sa kahabaan ng Felix Avenue sa Kainta
03:12ang talagang nakakadaanan dire-diretsyo ay yung mga malalaking truck.
03:16Yung mga kotse naman nagdadahan-dahan sa pagmamaneho.
03:19May ilang rider naman na pinili na lang patayin ang makina ng kanilang motosiklo
03:23para itulak na lang ito at hindi tumirik sa baha.
03:28Ilang sasakyan ang hindi nangahas na suungin ang baha.
03:31Nag-uter na lang.
03:33Pero ang ilan, sumugod pa rin.
03:35Masyadong mataas yung tubig po.
03:38Naalalayan ko lang yung makina para hindi masyado pasukan.
03:42Sobrang laking perwisyo kasi.
03:44Katulad yan, mag-uulan na naman.
03:46Di pa ako nakakapote tapos nagtaan ng baha.
03:49Ang ilang motosiklo tumirik na sa daan.
03:52Hindi naman nagpatinag sa baha ang ilang residente at commuter sa pagsuong sa baha.
03:57Bumili po ako ng pares.
03:59Kasi gutom na kami doon sa bahay.
04:02E gawa nga nang baha.
04:04E ako lang mag-isa lumusong.
04:05Tiisan lang.
04:06Sa bagay kasi ano eh.
04:08Sanaya na sa lugar na akong bahain, bahain.
04:11Mahirap po.
04:12Masala ko kayong chinelas.
04:14Apo, meron naman po.
04:15Nagyalin po akong work.
04:16Oo, tapos?
04:17Nagyalin po sa Quezon City.
04:20Wala po, madaanan eh.
04:21Walang option.
04:22Paano po yan? Basahan na ang paa.
04:24E yun na po.
04:24Walang magagawa.
04:25Kailangan talaga.
04:26Oo, tiisin na lang.
04:27Tiisin na lang.
04:28Sinamantala naman ito ng ilan para maghanap buhay.
04:31Gabal-abal po kami.
04:33Sasakay po ng mga tao para mayatid po sa pupuntaan nila.
04:37Para saan ba gagamitin ng pera?
04:39Para sa pamilya po.
04:41Sa H. Bautista Elementary School sa barangay Concepcion 1,
04:44ang may pinakamaraming bilang ng evacuees na umabot sa mahigit 3,000 individuals kahapon.
04:50Ngayong araw, nasa 651 na lang yan.
04:53Sa tala ng Marikina LGU, umabot sa lampas 23,000 ang kabuang bilang ng evacuees sa Marikina kahapon.
05:01Ang mga nananatidi raw ngayon sa evacuation center ay yung mga may pangamba na baka pasukin muli ng baha ang kanilang mga bahay.
05:08Sila medyo may kaba pa dahil nga may announcement ang pag-asa na may kasunod na bagyo.
05:16Tapos ngayon naranabdaman na natin na umuulan-ulan pa.
05:20May mga senior citizens pa tayo.
05:22Siyempre, mas sila yung ang hirap pag na doon sila abutin.
05:26Tapos may mga PWDs.
05:28So may mga bata, mga sanggol.
05:30Nananatiling nakastandby ang tulong medikal para sa sinumang mga ngailangan.
05:34Pumila ang evacuees para sa relief packs.
05:37Dalawang araw na raw nagtitiis sa buhay evacuees ang pamilya ni Lenlin.
05:41Malamig daw, dikomportable at mga nagkakasakit na ang ilan.
05:46Sobrang hirap po kasi sa ganitong sitwasyon, siksikan sa room.
05:51Gusto na po namin umuwi kaso nangangamba po kami.
05:55Gawa ng ito po tag-ulan-ulan pa tapos may parating pa pong bagyo.
05:59Ganyan din daw ang dahilan ng senior citizen na si Nanay Lydia,
06:02nakasama ang anak na PWD.
06:05Kasi nangangamba po ako na pagkasi habagat ngayon eh, kaya maulan.
06:10Pag tumaas ang ilog, pag nag-first alarm, tapos nag-second yan,
06:16hirap kaming mag-evacuate.
06:18Kaya may parating pang bagyo.
06:22Kaya pag lumakas ang ulan, nangamba ako na abutin kami ng tubig sa bahay.
06:27E.J. Gomez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
06:33Suspendido ang pasok sa mga eskwelahan at opisina ng gobyerno ngayong araw dahil sa masamang panahon.
06:39Batay sa anunsyo ng Malacanang, walang pasok sa Metro Manila,
06:42Abra, Bataan, Batangas, Benguet, Bulacan, Cavite, Ifugao, Ilocos Norte at Ilocos Sur.
06:49Gayun din sa La Union, Laguna, Mountain Province, Nueva Ecija, Nueva Vizcaya, Pampanga, Pangasinan, Rizal, Tarlac, Quezon at sa Zambales.
07:01Kanselado rin ang pasok sa Aclan, Albay, Antique, Camarinesur, Capis, Catanduanes, Gimaras at sa Iloilo.
07:09Pati na po sa Marinduque, Masbate, Negros Occidental, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Palawan, Romblon at sa Sorsogon.
07:18Tutok lang po dito sa balitang hali para sa mga karagdagang class suspension.
07:22At mainit-init na balita, inanunsyo ng CAAP o Civil Aviation Authority of the Philippines na 50 biyahe
07:28ng iba't ibang airline ang kanselado ngayong araw dahil sa masamang panahon.
07:33Ito ang GMA Regional TV News
07:39Iba pang maiinit na balita sa Luzon, hatid ng GMA Regional TV.
07:45Kabilang po ang bayan ng Kalasyao sa mga binahang lugar sa Pangasinan dahil sa masamang panahon.
07:51Chris, gaano kataas yung naging baharoon?
07:56Raffi, halos umabot sa bubong na isang kainan sa bayan ang taas ng baha.
08:01Yero na lang ang nakita sa kainang yan sa barangay Lasip.
08:05May ilang bahay na rin ang pinasok ng baha.
08:07Nagparescue na ang ilang residente dahil sa taas ng tubig.
08:10May mga nasa evacuation center na rin.
08:13Sa kabuan, labing-pitong barangay ang apektado ng pagbaha kasunod ng pag-apaw ng Marusay River.
08:19Patuloy ang pag-iikot na maotoridad sa iba't ibang barangay para makita ang sitwasyon o kalagayan ng mga residente.
08:25Dito naman sa Dagupan City, kamustahin natin ang mga pamilyang inilikas dahil sa masamang panahon.
08:33Sa ulat on the spot ni CJ Torida ng GMA Regional TV.
08:38CJ?
08:38Chris, umabot na sa mayigit 780 na pamilya ang nasa evacuation centers sa iba't ibang lugar sa Pangasinan.
08:49Katumbas ito ng mayigit 2,400 na individual sa kabuan na sa mayigit 132,000 pamilya
08:59o katumbas ng mayigit 428,000 na individual sa buong Pangasinan ang apektado ng hagupit ng habagat.
09:07Base yan sa pinakahuling tala ng PDRRMO.
09:11Sa Dagupan City, labing-apat na pamilya mula sa dalawang barangay ang inilikas sa People's Astrodome kahapon.
09:16May kanya-kanyang modular tent ang bawat pamilya.
09:20Iba pa ang mga evacuee sa iba't ibang barangay.
09:23Kabilang sa mga inilikas sa barangay maluod ang PWD na si Tatay Jesus Zabala.
09:29Inabot na raw ng baha ang kanyang higaan kaya binuhat siya ng mga opisyal ng barangay papunta sa evacuation center.
09:36May 6-month-old na sanggol din ang kasalukuyang na sa evacuation center kasama ang kanyang ina.
09:41Nakatotok naman ang lokal na pamahalaan sa mga pangangailangan ng mga evacuee.
09:46Kahit pa ang ilang paaralan na nagsisilbing evacuation center ay pinasok na rin ng baha.
09:54Chris, sa mga oras nito, wala tayong nararanasan niya pag-ulan pero unti-unting tumataas yung antas ng baha
10:01na nangganggaling naman sa mga umapaw na kailugan sa probinsya.
10:05Balik sa iyo, Chris.
10:06Maraming salamat, CJ Torida.
10:13Paulit-ulit na lang ang problema ng baha tuwing tag-ulan kung minsan inaabot pa ng ilang araw bago humupa.
10:20Talakayin natin yan kasama si UP Resilience Institute Executive Director at Geologist Dr. Mahar Lagmay.
10:25Magandang umaga at welcome po sa Balitang Hali.
10:28Hello, good morning. Thank you for inviting.
10:31Opo, Dr. Lagmay, ano po ba yung pinakaugat talaga ng problema sa pagbabaha?
10:34Lalo na po dito sa Metro Manila kung saan malaki na yung gastos sa mga flood control projects.
10:39Siyempre, unang-una dyan talagang yung ulan malakas, ano?
10:46Yung dating mga pag-ulan na minsan lamang nangyayari kada isang daang taon ay ngayon nagiging mas madalas na.
10:56So yung mga pag-ulan na malalaki, na bihira dati, eh ngayon paulit-ulit natin na nakikita.
11:03At magiging baka mas malalap pa yan kapag magtuloy yung ating pagpapainit ng mundo, yung tinatawag na global warming, na siyang nagpapabago ng ating klima.
11:17At ang mga predisyon ay mas lalala nga ang mga pag-ulan, yung mga bagyo lalakas, at syempre kasabay nito yung pagbaha na ito mga nakikita natin.
11:29Mas madalas na, kasi katulad nung Undoy, once every 100 years, 80 years yan, nagkaroon tayo ng habagat 2012, habagat 2013, habagat 2014, habagat 2018, nagkaroon tayo ng Ulysses.
11:42Last year, nagkaroon ulit tayo ng habagat dahil sa karina.
11:46Yon, mas madalas natin nakikita itong mga malakas na pag-ulan.
11:51At yan, nakikita natin may mga manifestasyon.
11:56At bukod doon, syempre pinalalala pa natin dahil ginawa na natin kongkreto, urban jungle na ang metromantila, masikip na rin, tatapon tayo ng katakot-takot na basura, hindi makadalo yung tubig,
12:10inaaspaltuhan natin, nilalagyan natin ng kalye yung mga sapa na doon ng Ulyo, pero pag umulan, ay tumataba, nag-overflow.
12:20So, gusto nung dumaan nung sapa na yun, yung tubig, papunta sa kabilang parte ng kakalye.
12:26At hindi yun mapipigilan.
12:28At hindi yun mapipigilan.
12:30Malaki ang tubig.
12:32So, saan sa dadaan?
12:33Di sa ibabaw ng kalye.
12:34At ang dami-daming kasong ganyan sa Metro Manila.
12:37And of course, yung basura na andyan pa.
12:39Yung mga engineering intervention po na ipinatutupad ng gobyerno, sinasabi nyo ba na hindi nakaka-cope dito sa nagbabagong klima natin ngayon?
12:47Nakafactoin ba talaga ito sa inyong pagkakaalam?
12:50Sa kanilang disenyo?
12:53Meron ako naisulat 10 years ago.
12:55Ang yung master plan na nakita ko, na actually, naging usapin ito 10 years ago.
13:03Parang yung tinututukan ay Marikina at San Juan River.
13:10Pero sa totoo lang, sanga-sanga ang mga ilog.
13:13Hindi lang naman Marikina at San Juan River sa gilid niyan ang may problema.
13:20Sanga-sanga yung mga sapa, yung mga river arteries, yung drainage network.
13:24Ay, kapag yung mga maliliit na sapa na yun, yung mga creeks, ay nag-overflow, nagkakaroon din tayo ng mga problema.
13:34Pag dumaan ito sa kalye, street flooding naman.
13:38At yun, ang mga nakikita natin ngayon na lumalabas sa social media.
13:42Sa inyo pong pagkakalam, Dr. Lagmay, wala bang general plan na talaga na-factory lahat na ito?
13:47Sinasabi nyo, kahit yung mga maliliit na creek, kahit na yung mga creek na natabunan na, hindi o ba?
13:51Hindi o ba nakaplano ito?
13:52Kung baga, walang general plan talaga para pag-isahin at talagang pagsamahin yung flood control project sa buong Metro Manila.
13:57Yung mga nakikita ko, actually sinulat ko, kakapost ko lang sa Facebook, nakikita ko nga, yung naisulat.
14:06Yung tumbok kasi ay Marikina River at San Juan River.
14:10Paano na lang yung mga ibang mga sanga-sanga na mga river arteries, yung mga maliliit na sapa?
14:17Kaya kapag nag-overflow yan, meron din mga taong na-apektuhan at marami din na na-apektuhan.
14:24So yun ang mga siguro dapat improve dun sa mga paggawa ng mga solusyon patungkol dito sa ating flood control na problem at saka mga problema sa pagbahan.
14:37Opo, in the meantime, talagang bahana po tayo.
14:39Kayo po sa UP, may flood hazard map po kayo eh sa UP Resilience Institute.
14:43Ito yung Nationwide Operational Assessment of Hazards.
14:45Very briefly, paano po kayo nakarating sa datos para malaman yung hazard level sa isang lugar?
14:51Bali, nag-invest ang gobyerno ng tinatawag na NOAA program.
14:57Merong mga 21, 22 projects dyan.
15:01Kasama dyan yung pagpapalipad ng satellite, yung diwata-1.
15:06Kasama dyan yung mga satellite dish.
15:08Kasama dyan yung pagpapalipad ng aeroplano para makuha natin yung hugis ng kalupaan in high detail.
15:14Para kapag mag-simulate tayo ng baha, ay nakikita natin barangay level yung baha, street level yung baha.
15:23So nakalabas lahat yan dyan sa mga mapang tinitignan nyo ngayon.
15:27Nakalabas dyan sa inyong screen.
15:30NOAA.UP.EDU.PH
15:33Magandang pinabasihan yan para makita kung saan yung mga lugar na mabababa, saan yung mga lugar na binabaha,
15:42nakatayong mga gusali, mga bahay doon sa mga lugar na maaaring bahain
15:47para sa ganung paraan, mailikas natin yung mga tao.
15:50Pero long term, long term, no?
15:53Yan ang isang basihan para planuhin yung komunidad.
15:56O, yan nga po.
15:58Pag iniwas natin yung mga tao dyan sa mga maaaring bahain na yan, yung mga doon sa pula,
16:04ay kahit magkaroon ng baha, wala tayong disaster na pag-uusapan.
16:09Dr. Laguna, ito pa ba yung real-time na nagbibigay ng babalat situation sa isang particular na lugar?
16:15O, yan pong mga mapa na yan ay hindi real-time.
16:18Prepared yan based doon sa ulan, sa historical record ng pag-asa.
16:23Tapos, stimulate natin, kumbaga pre-prepared yan.
16:27Kapag sinabing ngayon na ganito ang ulan, eh merong katumbas na mapa yun.
16:32At dahil nga malalakas yung mga ulan, ang mga katumbas na mapa ay katulad yan.
16:38At yan ang mga binabaha, di ba?
16:40In any case, meron naman pong datos pala na ganito.
16:43Nagagamit po ba ito ng mga LGUs sa kanilang pagpaplano?
16:46At so, pag-approve nila ng mga proyekto sa kanilang mga lokalidad?
16:52Ayon doon sa UN report, 60% ng LGUs ang gumagamit ng NOA.
16:59Okay, marami po.
17:00Pero kung gusto pa po nila ng mas malaki na tulong galing sa UPRI,
17:07meron pong mga mayor, meron mga gobernador na pumupunta sa amin at humihingi ng tulong.
17:13At tinutulungan po namin, ina-assist namin sila sa pag-craft ng kanilang mga local government plans,
17:21yung kanilang mga development plans, climate and disaster adaptation plans, etc.
17:31Marami po mga plano yan.
17:32Tumutulong po kami sa mga LGUs kung sila ay gustong magpatulong.
17:37Ang mahalagang tandaan po, itong mga ganitong problema tulad ng pagbaha.
17:40Malawakan bahabaan po yung solusyon dito.
17:43Talagang pagpaplano dapat yung ginagawa.
17:46Maraming salamat po sa oras na binahagi niyo sa Balitang Hali.
17:49Maraming salamat din po.
17:51UP Resilience Institute Executive Director Dr. Mahar Lagmay.
17:56Sang katerbang basura ang nakolekta sa paghupa ng bahas sa ilang lugar sa Metro Manila.
18:01May ulat on the spot si Joseph Morong.
18:04Joseph?
18:07Raffi mga pagbaha naman ang tinututukan ng Metro Manila Development Authority o MMDA,
18:13lalo pat na patuloy pa rin tayo nakakaranas ng pagulan.
18:17At kung nagugulat daw ang publiko sa mga bigla ang pagbaha sa mga kalsada at iba pang mga lugar ay mas magulat daw tayo sa dami ng mga basura na kukulekta na dahilan ng mga pagbaha.
18:30Sa Tripad de Galina Pumping Station na sa Pasay, Raffi, ay sari-sari mga basura ang nasa sala doon, mga sofa, pinto ng refrigerator at iba pa.
18:41Na mga posibleng bumara at sumira sa mga makina ng pumping station na siya naman naglalabas ng tubig mula sa Pasay at iba pa mga bahagi ng Metro Manila palabas ng Manila Bay.
18:52Ayon kay MMDA Chairman Romando Artes, nitong nakaraang apat na araw lamang ay nakakulekta na sila ng lampas 30 track ng masura sa isang pumping station pa lamang.
19:03Raffi, mayroong lampas 70 na mga pumping station ng MMDA pero nahihirapan ng mga ito sa dami ng basura ang bumabara sa mga ito.
19:11Pusunod na pinuntahan ng MMDA ang Batasan Station ng MRT 7 dito sa Commonwealth sa Quezon City.
19:17Bumaha dito na nitong mga nakaraang araw na ayon sa MMDA, posibleng dahil sa mga bagong istruktura na itanayo para sa MRT 7.
19:26Sari-sari mga basura rin ang nahukay ng MMDA sa ilalim ng drainage system kasama na yung mga pira-pira sa mga plywood.
19:33Ayon sa MMDA, posibleng nababarahan ng ilang poste ng MRT ang drainage.
19:38Tugo naman ng SMC Infrastructure ay aayusin nila ito.
19:42Narito ang pahayag ni MMDA, sir ang Normando Artes at ng kontraktor ng SMC Infrastructure.
19:49Kung makikita nyo, mataas doon eh, pababa.
19:53Pababa dito, on too big.
19:56So kailangan i-intercept para makalabas papunta doon sa creek doon.
19:59Ang commitment ng SMC, whether or not silang nakaharang tutulong sila sa paggawa.
20:04Kasi nasabi nila, we are the one to source, yung plugging doon.
20:08Kaya lang, we need to check first.
20:14Rafi, sa ilang mga kalsada sa Metro Monero tulad na nasaksayan natin kahapon doon sa may Ross Boulevard,
20:19banwal na yung ginagawa ng MMDA.
20:22Ibig sabihin, nagpapadala nila sila ng kanila mga tao para bantayan yung mga drainage ng mga kalsada.
20:27Na siya namang nagtatanggal ng mga basura na bumabara doon para doon mas mabilis yung paghupa ng baha sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila, Rafi.
20:36Joseph, yung mga lalaking bagay na nasala doon sa pumping station,
20:39ang assumption ba rito, matagal lang nasa mga ilog yung mga yun at inanod na lang nung nagkaroon ng malalakas na pagulan
20:45at hindi yung nakuha sa mga drainage operation ng MMDA?
20:52Hindi, ngayon lang yan. Yung mga past four days, yan yung collection nila.
20:54So, yung sinasabi ni Chairman Artes, sa halip na ipakolekta doon sa mga waste management system ng mga LGU,
21:03yung kanilang mga basura, ay mas minipili nung ilan natin mga kababayan na itapo na lang sa ilog.
21:07Kaya pagka halimbawa na lumakas yung tubig ulan, ay syempre lalakas ang agos ng tubig ng mga ilog,
21:15ay yan na yung madadala doon sa mga pumping station.
21:17So, yan yung mga koleksyon. Diyan pa lamang yan, doon sa Tripadigalina Pumping Station, dyan sa Maypasay.
21:23Eh, hinintay pa din natin yung datos kung ilang track doon sa lahat ng 71 na mga pumping stations ng MMDA.
21:31Yung na-collect nila so far. Kasi yan yung isa sa mga itinuturong dahilan kung bakit tayo bigla ang mga may pagbaha sa Metro Malint tuwing may umuulan.
21:39So, mga bagong basura pala ito, Joseph. Bagay na pwedeng mapigilan kung ang ating mga kababayan lamang ay may disiplina.
21:45At sa pagtatapo ng basura, maraming salamat sa iyo, Joseph Morong.
21:51Bilinaw ng Project Management Office ng MRT 7 na hindi konstruksyon ng train line ang dahilan ng pagbaha sa Commonwealth Avenue sa Quezon City nitong lunes.
21:59Partikular daw yan sa kanilang pasilidad malapit sa Batasan Station.
22:02Ayon sa pamunuan, ginawa lahat ng istruktura ng MRT kabilang ang columns at footings sa labas ng drainage lines para hindi maapektuhan ang agos ng tubig doon.
22:12Itinayurao ang mga istruktura na isinaisip ang drainage layout at alinsunod sa inaproba ang engineering plans.
22:19Wala rin daw katotohanan na nakaapekto sa pagbaha ang manhole sa kahabaan ng drainage line.
22:25March 3 pa raw na kumpleto at naisaayos ang mga bahagi ng drainage na naapektuhan ng proyekto.
22:30Inihikahitin daw nila ang MDPWH at MMDA na magsumitin ng dokumento kung may nasira man sila dahil sa proyekto.
22:38Sa ngayon, wala pa silang natatanggap ng dokumento ukol dito.
22:44Sinimulan na ang clearing operation sa Marikina River matapos ang pagtas ng tubig doon dahil sa masamang panahon.
22:50Ang mainit na balita hatid ni Tina Panganiban Perez.
22:54Mataas pa rin yung tubig sa Marikina River kahit normal na ang antas nito sa ngayon.
22:59Kaya hindi pa makapagsagawa ng dredging ang Marikina City LGU.
23:04Pero tuloy-tuloy naman yung clearing operations.
23:08Kung makita ninyo, tinatanggal nila yung mga putik at basura na inanod dito sa gilid.
23:14Mula rito sa Marikina City ako po si Tina Panganiban Perez para sa GMA Integrated News.
23:20Mula rin yung

Recommended