Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • yesterday
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Nasa mahigit 600 evacuees na lang ang nananatili sa H. Bautista Elementary School sa Maragay Concepcion 1 sa Marikina, matapos humupa ang baha.
00:10Abot binti naman ang baha sa ilang kalsada sa Cainta-Rizal at may unang balita si E.J. Gomez.
00:16E.J.
00:21Eva, narito tayo sa kahabaan ng Felix Avenue sa Cainta-Rizal.
00:25At sa mga oras na ito, dito sa ating kinatatayuan, nasa binti pa o abot binti ang baha.
00:31Pero may nakausap tayo ilang residente at rider nakababalik lang.
00:35Pagka daw diniretsyo, itong kalsada hanggang doon sa bandang gitna ay abot pa sa tuhod o sa ibabaw ng kanilang mga gulong yung baha.
00:43Ilang sasakyan at motorsiklo na yung tumirik na nakita natin na matapos nilang subukan na suungin itong baha.
00:49Kanina, nagikot-ikot naman tayo sa Marikina para i-check ang sitwasyon at marami ng evacuees ang nagsibalikan na sa kanilang mga tirahan.
01:01Sa H. Bautista Elementary School sa barangay Concepcion 1, ang may pinakamaraming bilang ng evacuees na umabot sa mahigit 3,000 individuals kahapon.
01:11Ngayong araw, nasa 651 na lang yan.
01:13Sa tala ng Marikina LGU, umabot sa lampas 23,000 ang kabuang bilang ng evacuees sa Marikina kahapon.
01:21Ang mga nananatidi raw ngayon sa evacuation center ay yung mga may pangamba na baka pasukin muli ng baha ang kanilang mga bahay.
01:29Sila medyo may kaba pa dahil niya may announcement ang pag-asa na may kasunod na bagyo.
01:36Tapos ngayon niya naranabdaman na natin na umuulan-ulan pa.
01:40May mga senior citizens pa tayo, syempre mas sila yung hirap pag nagdoon sila abutin.
01:46Tapos may mga PWDs, may mga bata, mga sanggol.
01:51Nananatiling nakastandby ang tulong medikal para sa sino mang mga ngailangan.
01:55Kaninang madaling araw, pumila ang evacuees para sa relief packs.
01:59Dalawang araw na raw nagtitiis sa buhay evacuees ang pamilya ni Lenlin.
02:03Malamig daw, di komportable at mga nagkakasakit na ang ilan.
02:08Sobrang hirap po kasi sa ganitong sitwasyon, siksikan sa room.
02:13Ang higaan namin is banig lang eh. Banig lang yung ano namin. Sinasapit na lang namin yung kumot.
02:20Ang ano, kasi hassle. Kasi may mga malilita kong anak eh.
02:25Natatakotin ako sa sobrang lamig ng simento.
02:28Gusto na po namin umuwi kaso nangangamba po kami.
02:31Gawa ng ito po tag-ulan-ulan pa tapos may parating pa pong bagyo.
02:36Ganyan din daw ang dahilan ng senior citizen na si Nanay Lydia, nakasama ang anak na PWD.
02:41Kasi nangangamba po ako na pagka, kasi habagat ngayon eh, kaya maulan.
02:47Pag tumaas ang ilog, pag nag-first alarm, tapos nag-second yan, hirap kaming mag-evacuate.
02:54Kaya may parating pang bagyo, kaya paglumakas ang ulan, nangamba ako na abutin kami ng tubig sa bahay.
03:05Dalawa lang kami sa bahay, tapos itong anak ko nga eh, mental patient to eh.
03:11Matandaan na rin ako, 71 na ako. Tapos nahihilo rin ako.
03:14So, nangihina na rin ako. Ang hirap, ang hirap kumilos.
03:18Pasado alas dos ng madaling araw, mas bumaba na sa 14.8 meters ang antas ng tubig sa Marikina River.
03:25Wala ng alarma sa lungsod.
03:33Ibaan yung nakikita ninyo, yan yung traffic build-up at ilan sa mga kapuso natin na stranded dito sa kahabaan ng Felix Avenue.
03:43Sila yung mga rider, pasahero na bukod sa inaantay na humupa yung bahay, talaga nagdesisyon na na huwag na munang tawirin itong bahanga na kalsada.
03:53Nakikita ninyo, yung iba talagang pinus na lang na daanan itong kalsada dahil may mga pupuntahan din naman talaga sila.
04:00Ang weather dito ngayon, talagang makulimlim. Yung ulan, panakanaka o pabalik-balik.
04:05Pero kung para kanina at saka lalo na kagabi, ay hindi na ganun kalakas.
04:09Pero kapag umulan ay talagang ilang minuto, tapos sobrang lakas naman.
04:15Ivanya ng latest mula rito sa Kainta sa Rizal.
04:17EJ Gomez, para sa GMA Integrated News.
04:21Kapuso, huwag magpapahuli sa latest news and updates.
04:25Mag-iuna ka sa balita at mag-subscribe sa YouTube channel ng GMA Integrated News.

Recommended