Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • yesterday
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:0043 aso at 8 pusa ang apektado ng bahas sa loob ng isang bahay sa barangay San Miguel, sa Taguig City.
00:09Ayon kay U-Scooper Irene Pasaylo, pinili nilang manatili roon sa pangambang baka mas maging delikado para sa kanyang mga alaga kung ililikas sila.
00:19Bahagyan na raw humupa ang tubig.
00:21Nagmukhang ilog naman ang bahagi ng Marulas Valenzuela City kaninang alas 2 ng madaling araw.
00:27Pero bago mag alas 9 ng umaga, malinis at nadaraanan na ang ilang kalsada.
00:34Pinanghinaan naman ang loob ang U-Scooper na si Nick sa sinapit ng kanilang bahay sa Taytay Rezal, na dati naman daw ay hindi binabaha.
00:43Tingin ni Nick, naiipon ang bahadal walang maayos na drainage sa kanilang lugar.
00:49Inatasan ni Pangulong Bombong Marcos sa mga ahensya ng gobyerno na tugunan ang pangangailangan ng mga biktima ng kalamidad.
00:59Ayon sa Pangulo, nagbili na siya bago pa siya umalis pa Amerika noong linggo.
01:03Ang relief goods ay nakahanda na, idinideliver na doon sa mga area na nangangailangan.
01:16Yung mga medical team kasabay na rin ng ating mga relief goods.
01:21At tinitiyak natin na merong transportasyon, supply ng tubig, sapat na supply ng kuryente.
01:27At lahat ito ay para sa pangangailangan ng mga naging biktima.
01:36Nasa Amerika ang Pangulo para sa isang official visit.
01:41Ngayong araw, bumisita si Pangulong Marcos sa Pentagon, headquarters ng U.S. Defense Department,
01:46kung saan sinalubong siya ni Defense Secretary Pete Hegset.
01:50Ginawaran siya ng Enhanced Honor Cordon,
01:53seremonyang ibinibigay ng Defense Department sa mga bisitang senior officials bilang pagpapakita ng malaking respeto.
02:01Bukas naman, nakatakda magpulong si na Pangulong Marcos at U.S. President Donald Trump.
02:08Ipinalabas ng Bangsa Moro Government ang dokumentaryong The Transition,
02:12an inside look at the Bangsa Moro Peace Process.
02:16Tampok dito ang kasaysayan ng pagkakatatag sa BARMM noong 2019,
02:21mga pagsubok ng ilang dekadang gulo sa rehyon
02:24at mga dapat panggawin ng mga susunod na lider para sa kapayapaan at kaunlaran sa BARMM.
02:31Ayon sa Bangsa Moro Information Office,
02:33layo nilang ipalabas ang dokumentaryo sa iba pang lugar sa bansa
02:37para mas maunawaan ang kanilang kasaysayan at gobyerno.
02:40Nagliyab ang kaliwang makina ng eroplanong yan,
02:51habang lumilipad at pagkatapos mag-take off mula sa Los Angeles Airport sa Amerika.
02:57Patungo sa nang Atlanta ang eroplano na tagumpay namang nakapagsagawa ng emergency landing.
03:03Walang naiulat na nasaktan sa mga sakay na pasahero at crew.
03:06So, inaalam pa ang sanhi ng insidente.
03:11Inabutan ang panganak sa daan ng isang ginang sa Santa Teresita, Cagayan
03:15sa kasagsagan ng bagyong pising noong biyernes.
03:19Sakto naman nagpapatrolya malapit sa lugar ang mga pulis,
03:23kaya agad silang nakaresponde.
03:25Sa kabila ng pagragasan ng baha sa ilang kalsadang dinaanan nila,
03:29nadala ang ginang sa Municipal Health Center.
03:32Maayos na ang kanyang lagay, pati na ang bagong silang na sanggol.
03:41Salamat po sa inyong pagsaksi.
03:43Sa ngala ni PR Kanghel, ako po si Mariz Umali.
03:46Para sa mas malaking misyon at mas malawak na paglilingkod sa bayan.
03:51Mula sa GMA Integrated News, ang News Authority ng Pilipino.
03:55Hanggang bukas, sama-sama tayong magiging saksi!
04:02Mga kapuso, maging una sa saksi!
04:17Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.

Recommended