Nilinaw ni Susan Africa ang tila naging urban legend nang sinabi diumano sa kanya ng magaling na American actress na si Meryl Streep.
Si Meryl ay itinuturing na isang magaling na Holywood actress base sa rami ng nakuha nitong nominasyon at panalo sa acting award-giving bodies sa US at iba pang bansa, katulad ng Oscars, Golden Globe, BAFTA, at Cannes filmfest.
Pinasinungalingan ni Susan ang kumalat noon na sinabihan daw siya ni Meryl ng "You are the greatest Filipina actress."