Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Abiso ng NLEX sa mga motorista, dahil sa baha ay hindi na madadaanan ng kahit anong sasakyan ang Balintawak Cloverleaf Southbound, Valenzuela Interchange Northbound at Southbound at Paso de Blas South Bound entry and exit. Habang class 3 vehicles lang ang nakakadaaan sa northbound ng Balintawak cloverleaf. Sa Calumpit, Bulacan naman lalong pinalala ng high tide ang bahang mahigit isang taon nang hindi humupa sa isang barangay.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Abiso ng NLEC sa mga motorista.
00:04Dahil sa baha, hindi na madadaanan ng kahit anong sasakyan
00:08ang Balintawa Cloverleaf Southbound,
00:11Valenzuela Interchange Northbound at Southbound,
00:15at Paseo de Blas Southbound Entry and Exit.
00:19Habang Class 3 vehicles lang
00:21ang nakakadaan sa Northbound ng Balintawa Cloverleaf.
00:26Sa Kalumpit, Bulacan naman, lalong pinalalak ng high tide
00:30ang bahang mahigit isang taon nang hindi humupa sa isang barangay.
00:35Nakatutok doon live si Rocky Kima.
00:42May antuloy pa rin yung mahina bagamat tuloy-tuloy na pagulan dito sa Kalumpit, Bulacan
00:46na hindi lang araw o linggo iniinda ang baha kundi buwan na
00:49at sa ilang lugar ay mahigit isang taon nang hindi humupa ang baha
00:53at habang tumataas itong Pampanga River na sinasabayan pa ng high tide,
00:57ang matagal ng problema sa baha ay lalo pang lumala.
01:04Ito na raw ang transportasyon ng mga taga-sityo na abong sa barangay Misulaw
01:07dahil matagal na hindi lumilitaw ang kanilang kalsada.
01:10Pag tumuntong po yung December,
01:13natutuyo na po yun unti-unti.
01:15Tapos summer, tuyong-tuyo na po pati kalsada.
01:18Pero ngayon po, hindi na po natuyo.
01:21Last year po, hindi na po natuyo.
01:24Catch basin kasi ang bahagi ito.
01:26O dito naiipon ang tubig galing sa mas matataas na bahagi ng Bulacan.
01:29Kapag high tide, hindi na makagos ang tubig muna rito patungo sa Pampanga River
01:33kaya naiipon.
01:34Ang gobyerno po natin, sana po eh,
01:37mapansin po ito at magawa ng paraan.
01:40Kahit papano eh, yung mabawasan man lang ho yung tubig,
01:44masaya na ho kami doon.
01:46Ayon sa administrador ng barangay May Sulaw,
01:48gumagana naman ang May Sulaw sa papamping station.
01:51Pero dahil wala rin mapuntahan ng tubig,
01:53minsan, hindi na nila ito pinapagana.
01:56Bagaman sanay na sa baha,
01:57ramdam pa rin daw ng ila ng perwisyo,
01:59lalo na sa mga ganitong panahon at kung may bagyo.
02:03Si Mang Jory,
02:04sa katabing barangay na San Miguel na ipinanganak at lumaki,
02:06ang kanilang bahay malapit sa Pampanga River.
02:09Isang linggo na raw ang bahas sa kanilang lugar,
02:11pero kamakay na lang siya lumikas
02:13dahil sa noong ipaparating na bagyong krising.
02:15Kailan ho kayo lumikas?
02:17Nang isang araw pa po.
02:20Kasi may parating na bagyo,
02:22hindi na namin hihintayin pang abutin kami ng paglaki ng tubig.
02:26Sa loob mo ng bahay niyo hanggang sana yung tubig?
02:28Hanggang hita po sa loob ng bahay.
02:31Obserbasyon ng mga residente rito,
02:33pataas na ng pataas ang bahas sa kanilang lugar.
02:36Hindi na raw nila mahabol ang unti-unting pangtaas
02:38ang reversal deposit kaya kundi-unti nang lumulubog ang kanilang mga bahay.
02:43Nagpapalala rito ang tina taon-taon daw na pagtaas ng high tide.
02:464.6 po bukas, mag-umpisa ng mga around 5.
02:50Palaki ng palaki pero dati pagka-high tide lang,
02:54hindi ho lumalaki, may halong tubig nang gagaling ng itaas.
02:58Tulad ng problema ng karamihan,
03:01kawalan ng sariling lupa at kapulangan sa pondo ang kanila daw problema.
03:05Kaya patuloy silang nagtsatsaga sa lugar na ito,
03:08kahit bahagi ng kanilang buhay ang baha.
03:15Mel, sa gitna nga ng paglala ng problema sa baha rito,
03:17yung mga piniling manantili rito ay umaasa pa rin na magkaroon ng engineering solution sa kanilang problema.
03:22Yan ang latest mula dito sa Kalumpit Bulacan. Mel?
03:25Maraming salamat sa iyo, Rafi Tima.
03:28Maraming salamat sa iyo.

Recommended