Mahigit 300 pamilya naman ang inilikas sa Marikina dahil sa pagtaas ng lebel ng Marikina River. Kanina, itinaas na ang ikalawang alarma.
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Mahigit 300 pamilya naman ang inilikas sa Marikina dahil sa pagtaas ng level ng Marikina River.
00:06Kanina, itinaas na ang ikalawang alarma.
00:09Alamin natin kung tumaas pa yan sa live na pagtutok ni Maris Iba.
00:12Maris!
00:16Emile, halos buong maghapong tuloy-tuloy ang buhos ng ulan dito sa Marikina City.
00:21Kaya kung makikita ninyo sa aking likuran, ay talagang tumaas na ng husto
00:25yung level ng tubig dito sa Marikina River na as of 7.20pm ay umabot na sa 17.5 meters.
00:33Yan po ay nasa ikalawang alarma pa rin at pre-emptive ang evacuation.
00:38Ibig sabihin ay hinihikayat ang mga nasa low-lying areas na lumikas na.
00:42Pero pagtungtong ng 18 meters ay dedeklara na po ang ikatlong alarma na ibig sabihin
00:47ay sapilitan na po ang paglikas o mandatory evacuation.
00:55Pagka-deklara pa lang ng ikalawang alarma sa Marikina River kaninang 1.53pm,
01:01nagsilikas na ang mga residente sa tabing ilog at mabababang lugar sa Marikina.
01:05Umapaw na ang ilog sa katabing kalsada.
01:08Kabilang sa mga lumikas sa H. Bautista Elementary School,
01:11ang pamilyang ito, nabit-bit pa ang isang buwang gulang na sanggol.
01:14Nakaka-trauma po kasi pag may gano'n.
01:16Lalo na po ngayon, may mga anak na po kami, nakaka-ano po, bahala po yung baha.
01:21Si dati, lagpas tao po.
01:23Lumikas din ang 66-anyos na si Ermelina Silvano na bagong opera lang sa matres
01:28dahil ayaw nang maulit ang naranasan noong bagyong undoy.
01:31Ikaw opera lang, tradies pa lang, yung undoy.
01:36Naano kami doon, natrap sa loob na bahay.
01:39Ayaw ko nang maulit-ulit.
01:41Sa paralan, may nakalaang mga kwarto para sa mga senior citizen, lactating mother o nagpapasusong ina, at mga buntis.
01:49As of 4pm, nasa 1,637 na individual o 346 na pamilya na ang inilikas sa iba't ibang evacuation centers sa Marikina.
01:57Pre-emptive naman, as we've talked with the mga tao dito sa evacuation centers, wala pa naman baha sa kanila mga areas, pero gusto nilang mag-ingat at maghanda.
02:08Ginawa na ring soup kitchen ang isa sa mga kwarto para rito na iluto ang ipapakain sa mga inilikas.
02:13May pamamahagi ring kit na may banig at kumot para sa kanila.
02:17Dahil halos walang tigil ang ulan, mabilis ding umapaw ang ilang mga estero na nagdulot ng mga gutter deep na pagbaha sa ilang kalsada,
02:24gaya sa Mountain View Village sa Maya, Santa Elena, ang tinuturong sanhi sa katutak na basura.
02:30In-excavate natin yung mga nakukuha nating mga trash, mga debris.
02:35Ang totoo, ito ay dahil interconnected tayo.
02:38Yung creeks coming from upstream, ayan sa may Rizal part, dito dumadaloy, kaya nakikita natin yung mga basura talaga na iipon.
02:49Napupuno ang isang truck sa dami ng nakokolektang basura, bukod pa sa nakuha sa ibang mga estero.
02:55Suspendido na ang klase sa lungsod para sa araw na ito hanggang bukas.
02:58Emile, sa mga sandaling ito ay ambon na lang ayong nararanasan dito sa Marikina, pero pinag-iingat pa rin ang lahat.
03:10Maaari pong tumawag sa hotline 161 o di kaya ay magpadala na mensahe sa Marikina Facebook page para sa mga residenteng nangangailangan o mangangailangan ng tulong.
03:19At yan ang pinakasariwang balita mula pa rin dito sa Marikina. Balik sa'yo, Emile.