Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 3 days ago
Hanggang lampas-taong baha naman ang namerwisyo sa bahagi ng Bulacan. Habang sa ibang probinsya, malakas na hangin o pagguho ng lupa ang naranasan.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Hanggang lampas taong baha naman ang namerwisyo sa bahagi ng Bulacan.
00:05Habang sa ibang probinsya, malakas na hangin o pagguho ng lupa ang naranasan.
00:11Nakatutok si Joseph Moro.
00:15Sa kasagsagan ng malakas na ulan, kanina halos pasukin na ng baha ang bahay na ito sa kainta.
00:21Pagdungaw sa labas, mistulang ilog na pala ang kalsada.
00:24Ang bahay naman ito sa giginto Bulacan, tuluyan ang pinasok ng tubig.
00:34Sinabayan daw kasi ng high tide ng malakas na ulan kahapon.
00:37Lahat ng gamit namin nakataas na po sa higaan namin.
00:40Kami po halos wala nang matulugan dahil nakataas po lahat ng gamit.
00:45Ganito rin ang sitwasyon sa ilan pang parte ng giginto,
00:48kung saan ang ilan gumagamit na ng balsa para makatawid sa abot hitang baha.
00:52Ganito naman ang sitwasyon sa bayan ng Kalumpit.
00:55Ang mga salit-aralan, pinasok na rin ng baha.
00:58Ang mga kalalakiyang ito, bangkana, ang ginagamit bilang transportasyon.
01:02Ayon sa mga residente, may ilang lugar na roong lampas dibdib at ang iba'y lampas tao na.
01:07Sa amin pa, pagpasok pa lang sa amin, lampas tao na eh.
01:10Bago pa lang bumahan, nagsimula na kami mag-akyat.
01:12Wala rin pinag-ibayan sa sitwasyon sa bayan ng Balagtas na abot hanggang bindi ang baha.
01:17Pahirapan din ang pagdaan ng mga maliliit na sasakyan.
01:20Abot ng tubig maski ang mga nasa loob na ng tricycle.
01:24Sa bayan ng Bulacan, halos isan lang ang pamilya ng inilikas
01:27at kasalukuyang tumutuloy sa mga eskwelahan at simbahan.
01:33Sa kabila niya ng ilang kabataang ito, tuloy sa paliligo sa ilog kahit manakas ang agos.
01:38May mga bahay na rin sa malolos na pinasok na ng abot binting baha.
01:42Mistulang ilog na rin ang mga kalsada.
01:44Kita naman sa drone video na ito ang lawak ng bahang pumerwiso sa mga residente ng Florida Blanca sa Pampanga.
01:52Abot baywang ang lalim niyan sa ilang mga kalsada.
01:55Meron ding umabot hanggang dibdib matapos bumigay ang ilang dike sa Porak River.
01:59Binahari ng ilang lugar sa bayan ng Makabebe.
02:02Pati nasa bayan ng Masantol kung saan napunta sa kalsada ang umapang na tubig mula palaisdaan.
02:08Ayon sa tala ng MDR-RMO, nasa 132 na barangay sa labing apat na LGUs sa Pampanga ang Lubog sa Baha.
02:15Ganyan din ang sitwasyon sa Calamba, Laguna kung saan ang ilang motorista umatras na lamang kesa mabalahaw.
02:21Hindi lamang baha ang namerwiso sa ibang probinsya.
02:24Sa South Cotabato, malakas na hangin na nagpadapa sa ilang bahay sa bayan ng Lake Cebu.
02:30Ayon sa LGU, maging ang ilang classroom at sagingan na apektuhan.
02:35Sa ilang probinsya naman, kabi-kabilang landslide ang naitalag.
02:38Gaya sa Longlong Tamawan Road, kunsa naglalaki ang mga bato na may kasamang putik mula sa bahagi ng bundok ang magsak sa kalsada.
02:45Wala namang nasaktahan sa insidente pero nagdulot ito ng matinding trapiko.
02:49Nakapagtalari ng pag-uho ng lupa sa ilang lugar sa Batanes, pati nasa Lebak, Sultan Kudarat.
02:54Para sa GMA Integrated News, Joseph Morong, nakatutok 24 oras.

Recommended