Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Wala na ang Bagyong #CrisingPh pero maulan at mabahang Lunes pa rin ang sumalubong sa buong bansa. Nauwi ‘yan sa suspensyon ng klase pati ng trabaho sa mga tanggapan ng gobyerno sa ilang lugar. Nakataas ang orange rainfall warning sa buong Metro Manila at ilang karatig-probinsya hanggang 8PM ngayong gabi. 


Sabi rin ng PAGASA, hanggang Huwebes ang pag-ulan, kaya ang DILG, nagdeklara na ng walang klase bukas sa Metro Manila at ilan pang probinsya. Kanina, isang bata naman ang na-#HuliCam na nalagay sa peligro matapos tangayin ng baha at mahulog sa ginagawang drainage.


 24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:01Two low-pressure areas that are now in the Philippine Area of Responsibility.
00:08Not yet many people in the baggyong krising that is out of the Sabado.
00:13Almost all the way out of the bansan, the water of the kaulapang dala
00:18that is in many places in the area of responsibility.
00:24Magandang gabi po, Luzon, Visayas at Mindanao!
00:28Wala na ang baggyong krising pero maulan at mabahang lunes pa rin ang sumalubong sa buong bansa.
00:36Nauwi yan sa suspension ng klase, pati ng trabaho sa mga tanggapan ng gobyerno sa ilang lugar.
00:42Nakataas ang Orange Rainfall Warning sa buong Metro Manila at ilang karating probinsya hanggang alas otso ngayong gabi.
00:51Sabi rin ang pag-asa hanggang Webes ang mga pagulan.
00:53Kaya ang DILG nagdeklara na ng walang klase bukas sa Metro Manila at ilang pang probinsya.
00:59Kanina, isang bata naman ang nalagay sa peligro matapos tangayin ng baha at mahulog sa ginagawang drainage.
01:06Nahuli kami yan at nakatutok si Bernadette Reyes.
01:09Tumatakbo sa gilid ng kalsada ang batang ito sa Batasan Hills, Cassian City nang biglang anuri ng malakas na ragasa ng baha.
01:21Mabilis siyang lumusot sa malaking butas ng ginagawang kalsada at agad namang sinundan ng ama.
01:31Sa isang bahagi na ng ginagawang drainage na harang at naiangat ang bata, tila himala siyang nailigtas.
01:38Sabi ng bata yan!
01:45Abot-bewang na baha naman ang nilusong ng mga estudyante sa bahagi ng General Luis Novaliches sa kuhang ito ni Yus Cooper Gracel Borromeo Ginto.
01:55May mga sasakyan ding sumubok dumaan kahit mataas ang tubig.
01:59Sa Commonwealth Avenue naman, malakas na ulan at gutter deep na baha ang bumungad sa mga motorista.
02:06Nagdulot ito ng mabigat na daloy ng trapiko.
02:09Ang ilang magulang naman na aming nakausap na dismaya dahil sa late na pagsuspindi ng klase.
02:15Dapat, ano na eh, dinitla na na suspindi sa klase kanina pang umaga.
02:19Bawa na may mga naku.
02:20Sobrang hira po, dapat nga, kanina umaga po sila nag-cancel ng pasok eh.
02:24Ang mga kalsada nga, matubig na.
02:26Ang iba naman, hindi nalang pinapasok ang kanilang anak dahil sa mga pagbaha at ulan.
02:34Pero wisyo rin sa mga commuter ang gutter deep ding baha sa Taft Avenue.
02:38Partikular sa bahagi ng UN Avenue hanggang Padre Faura.
02:41Bumagal din kasi ang daloy ng trapiko sa lugar.
02:44Dahil sa matinding buhos ng ulan, sinuspindi ng palasyo kaninang alauna ng hapon
02:49ang pasok sa mga opisina ng gobyerno pati na ang klase sa lahat ng antas sa mga paaralan sa Metro Manila
02:54at ilang probinsya sa Calabarzon at Central Luzon.
02:58Ang ilang inabutan naming pauwi kanina na hirapang makasakay sa gitna ng masamang panahon.
03:04Muli namang nagpaalala ang Department of Health sa banta ng leptospirosis.
03:08Ngayon, tumataas raw ang kaso nito.
03:10Bota, kasi mag-prevent ng exposure, lalo na yung balat na may sugat.
03:14Kasi yun, dun pumapasok yung mikrobyong leptospira.
03:19Number two, kung maiiwasan talaga, kung hindi maiwasan, soap and water talaga.
03:24Immediately, pagkatapos mong ma-expose sa baha, magsabon at tubig.
03:28Kung hindi maiwasang lumungsong sa baha, magsuot daw ng bota at iwasang naka-expose ang sugat kung meron.
03:34Nagmumudmud nga ako sa mga ibang region nung prophylactic na antibiotic,
03:38lalo na sa ating mga rescue worker at saka mga na-expose.
03:42Sa mga pauwi pa lang, libre ang sakay sa LRT-1, LRT-2 at MRT-3 mula pa kaninang tanghali.
03:50May libreng sakay din gamit ang mga bus ng Department of Transportation,
03:54Philippine Coast Guard at Philippine Ports Authority.
03:57Para sa GMA Integrated News, Bernadette Reyes, Nakatutok 24 Oras.

Recommended