Binaha na naman ang Araneta Ave. sa Quezon City kasabay ng pagtaas ng tubig mula sa creek.
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Binahana naman ang Araneta Avenue sa Quezon City, kasabayan ng pagtasang tubig mula sa creek.
00:07Nakatutok doon live si Chino Gaston. Chino?
00:15Mel Perwisio, hindi lang sa mga motorista, kundi maging sa mga estudyante, pumasok pa ngayong araw ang mga pagbaha dito sa Quezon City, tulot ng malakas na buhos ng ulan.
00:25Tanghali ng datnan namin ang mga estudyantong ito na hindi makatawid sa lalim ng tubig sa bahaging ito ng Araneta Avenue.
00:37Nasa klase raw sila nang inanunsyong suspendido na ang pasok.
00:41Pero paano na lang daw sila uuwi dahil kahit jeep hindi na makadaan sa bahang kalsada?
00:46Hindi po makadaan ka si baha.
00:49Ah, saan ka ba uwi?
00:50Sa talong po.
00:51Hindi ka ba maglalakad na lang doon?
00:52Hindi po, may sulot po kami.
00:54Yung nagsuspended po kasi yun, nung ano na, pauwi na po kami.
00:58Last subject na po yun.
01:00Tapos doon na po, ano, nalaman namin na baha na rin dito.
01:04So paano ka makakauwi?
01:06Hindi ko po alam.
01:07Ang baha sa kalsada, kasabay ng pagtaas ng creek malapit dito na halos umapaw na sa tulay.
01:14Kalaunan, napilitang maglakad sa baha ang mga estudyante.
01:18Ang ilang kaanak, kinarga sa likod ang ganilang mga sinusundo.
01:21At kung maingat ang mga estudyante sa maruming tubig at naglulutangang basura,
01:26ang ilang mga bata, hindi alintana ang panganib at ginawang swimming pool ang kalsada.
01:33Nagdulot ng traffic sa mga katabing kalsada ang baha dahil hindi madaanan ang magkabilang lane ng isang bahagi ng Araneta Avenue.
01:41Pero may mga ilang sasakyang nagpumilit gaya ng puting van na ito.
01:45Sa isang bahagi naman ng Santo Domingo Street, mataas din ang baha at hindi makadaan ang mga sasakyan.
01:51Melsa ngayon ay patuloy na tumataas ang level ng tubig dito sa Araneta Avenue.
02:08At yung bad news dito, habang tumataas ito, nadamay na rin ng malalim na tubig itong E. Rodriguez Avenue,
02:15kung saan marami tayong nakikita ang mga kababayan natin dito sa panulukan ng Araneta at E. Rodriguez Avenue
02:21ang patuloy na naglalakad dahil abot tuhod na, o lagpas tuhod na nga yung tubig,
02:27dala nga ng pag-apaw ng creek dito sa lugar.
02:30Dito naman sa aking likuran, makikita natin na, Mel, may mga rescuers na dito sa Araneta Avenue
02:36na pinasok na ang kanilang mga rubber boats para tugunan itong mga kababayan natin
02:44nagpaparescue dito sa mas malalim na parte ng Araneta Avenue na ayon naman sa mga rescuers
02:51ay lagpas tao na ang lalim ng tubig. Mel?
02:54Kung kawawa naman ang mga kababayan natin dyan.