Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 7/21/2025
DOH Asec. Albert Domingo, muling nagbabala ukol sa banta ng leptospirosis at mga sakit na maaring makuha ngayong tag-ulan

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Bago naman tayo wag patuloy sa ating talakayan, humingi muna tayo ng update kay Asik Albert mula sa Department of Health.
00:08So ang pag-usapan natin, Asik Albert, ay itong syempre nararanasan nating tag-ulan at baha.
00:14So kanina, papunta dito, galing Maynila, may napansin na naman kami mga kabataan na nagsiswimming sa baha.
00:21So pakipaalala lang sa ating mga kababayan yung banta ng leptospirosis.
00:28Yes, Asik Joey. Una sa lahat, yung ating, daan ko rin yan, nakita ko rin yan sa daan.
00:33Hindi po natin alam kung ano yung mga laman nung madilim, madumi na tubig na yun.
00:39Una, meron po tayong risk ng leptospirosis.
00:42Yung leptospirosis, sa simula po, iisipin natin, wala tayong nararamdaman.
00:46Pero kahit wala tayong sugat, pwedeng dumaan sa ating mata, pwede sa ating bibig, pwede sa ating ilong.
00:53Pumasok yung mikrobyo, yung leptospira, na nanggagaling mula sa ihi ng daga.
00:58Para na po tayong lumangoy sa inidoro kapag tayo po ay lumangoy sa baha.
01:02Huwag po natin gawin yun.
01:04Ikalawa, pwede po magkaroon ng tiratawag na trauma.
01:06Baka meron diyang bubog, baka meron diyang alambre, baka merong bakal na matulis na hindi natin nakikita.
01:12Pagpadyak natin ay baka nating masugatan ang ating katawan.
01:15At kung tayo po ay masugatan, asika Joey, sa lahat po ng mga nakikinig at nanonood,
01:20yung first aid po sa sugat, linisin po natin ng tubig na malinis at sabon.
01:26At gumamit po tayo ng ating gasa kung meron, kung wala, malinis na tela para mapigilan ng pagdugo.
01:32At dalhin po sa ating health center kung sakaling ito po ay malaki.
01:36O linisin po at lagyan ng band-aid o ng ating mga pantakip kung ito po ay kaya namang ayusin.
01:42Sa mga nasa evacuation center, mahalaga po maghugas lagi ng kamay dahil ang ating pagkain na tubig ayaw natin makontamina
01:50at maging sanhi ng sakit sa tiyan o sakit sa pagdudumi.
01:54At kung tayo po ay nasa paligid ng maraming tao, huwag na po tayong dumikit at umiwas tayo kung kaya,
02:00kung hindi naman po ay mag-face mask para huwag po tayo naghihingahan ng mga virus
02:05o anumang mga meron tayong makahawa sa iba.
02:08Sa ngayon, ASEC Albert, meron ba tayong datos kung gano'ng karami yung nagkaroon na ng leptospirosis?
02:15So far, dun sa ating monitoring, hindi ko po hawak yung exact na numbers.
02:19Pero sa trend, hindi pa naman siya tumataas.
02:21Pero ang warning po ng DOH, meron po tayong incubation period na pwedeng 2 weeks,
02:27pwedeng tumagal ng isang buwan, 4 weeks.
02:29So, birabantayan namin ang mga numero.
02:31In fact, kanina, kateks ko po ang director ng National Kidney and Transplant Institute.
02:36Sila po yung nagpapaalala kasi ayaw na nga po natin maipon yung mga nagda-dialysis.
02:41Huwag na hong mag-swimming, huwag na hong mag-backflip, huwag na hong tumalon sa tubig baha sa bahay nilang po tayo.
02:47Yung mga na-expose sa baha tapos nagkaroon ng sugat,
02:52hindi ko alam, parang meron ako nakikita sa social media na merong mga herbal
02:58o meron silang mga gamot na iniinom pangontra di umano dito sa leptospira.
03:05Interrogance ba yung bakterya o hindi?
03:08Aba, mas alam niya, Asik Joey, yung species niya.
03:10Hindi, tama naman, yung leptospira yun.
03:12Pero, Asik Joey, yung leptospira natin, minsan yung mga herbal, maaaring simptomatic yung kanilang paggamot.
03:20Baka nawuwala yung pananakit ng katawan o yung lagnat.
03:23Pero, yung tinatawag na antibiotic property, hindi ho tayo sigurado dyan.
03:27Mas sigurado ho tayo dun sa ating una, prophylaxis.
03:30Huwag na nating antayin magkaroon ng simptomas.
03:33Basta nagkaroon ho ng paglusong sa baha, ano man ang dahilan.
03:36Kumonsulta na ho dahil meron naman ho tayong sapat na gamot sa ating mga health centers.
03:41Bilang panghuli, siguro, Asik Albert, ano naman yung mga kailangan nating bantayang sakit ngayong tag-ulan,
03:49pabago-bago yung panahon, madalas umuulan, lalo na sa mga nababasa ng ulan.
03:56Kasi nung isang araw, papunta dito sa PTV, kahit malakas yung ulan, lumulusong yung mga rider, nakakapote, yung iba wala.
04:04So, ano yung mga dapat nating bantayang sakit ngayon?
04:07Asik Joey, kailangan bantayan natin yung ating malatrangkasong sakit, yung influenza-like illnesses.
04:13At ang payo po ng DOH, simple lang po, tamang pagkain, ehersisyo at pahinga, at disiplina sa katawan, TED.
04:21Bakit po? Yun po ang ating immune system, yung ating resistensya, yan po yung panlaban natin sa mga sakit na ito.
04:27Muli, tamang pagkain, prutas at gulay, ehersisyo at pahinga, at disiplina sa katawan.
04:33Huwag na po magsigarilo at mag-vape.
04:35Maraming salamat sa mga update na ibinahagi mo, Assistant Secretary Albert Domingo, ang tagapagsalita ng Department of Health.
04:43You're welcome, Asik Joey, as always.

Recommended