Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Arrestado ang isang babae matapos umunong tangayin ang placement fee ng ilang aplikante ng isang recruitment agency sa Paco, Maynila.
00:08Balita natin ni Jomera Presto.
00:13Pababa pa lang ng bus ang babaeng yan ng silbihan ng warrant of arrest na mga tauhan ng Barbosa Police Station sa Sampaloc, Maynila.
00:21Ang babae, nahaharap sa patong-patong na kaso ng qualified theft.
00:25Qualified theft, 21 counts ng nanilagdaan ni presiding judge Sarina Internation sa Monte Villanueva at Digital Trial Court, National Capital Judicial Region, Branch 36, Maynila.
00:43Ayon sa pulisya, isang informant ang nagturo sa kinaroroonan ng 32 anyos na akusado.
00:49Ito daw, nasa Apari, pauwi ng Maynila.
00:55So, yung sabi ng informant natin, sasakay sa lawag.
00:59Binigay sa amin yung number ng bus at yung pagkala ng bus.
01:04Inabangan na ng mga tropa sa Sampaloc.
01:06Sa investigasyon ng pulisya, dating tauhan sa isang recruitment agency sa Paco, Maynila, ang babae na kinilala sa alias na Reyna.
01:14Siya raw ang itinuturong tumangay sa placement fee ng ilang biktima na nangangarap makapagtrabaho sa ibang bansa.
01:22So, yung mga placement fee, pumapasok sa kanyang e-wallet.
01:27Tapos sabi niya, nahack daw yung kanyang e-wallet.
01:31Natanggal sa trabaho ang akusado at nagsimula ng magtago sa mga otoridad.
01:36Nakausap namin siya pero tumanggi siyang humarap sa kamera.
01:39Aniya, pawang mga magtatrabaho sana sa Saudi Arabia ang kanyang mga kliyente.
01:44Ang bayan sa placement fee, katumbas daw ng isang buwan na sasahurin sana ng mga aplikante sa oras na matanggap sila.
01:52Sinabi naman ng Manila Police District o MPD, bukas ang kanilang tanggapan para sa mga tao na posibleng na biktima rin ni alias Reyna.
02:00Mananatili muna sa Barbosa Police Station ang akusado habang hinihintay ang commitment order ng korte.
02:07Jomer Apresto nagbabalita para sa GMA Integrated News.