Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Nasa Amerika na si Pangulong Bongbong Marcos para sa pulong nila ni President Donald Trump.
00:05Ilan sa pag-uusapan nila mga isyo kaugnay sa depensa at seguridad, tarifa at immigration policy.
00:12Live mula sa Washington D.C. sa Amerika, may unang balita si Sandra Aguinaldo. Sandra!
00:20Yes, Marie, it's 2.48 a.m. oras dyan sa Pilipinas.
00:25Dabating dito si Pangulong Bongbong Marcos sa Washington D.C.
00:29At ngayon po ay nakikipagpulong siya sa ilang miyembro ng kanyang gabinete doon sa Blair House,
00:35kung saan pansamantala siyang nananatili.
00:38Bukas naman po magsisimula na yung pagpupulong niya sa ilang matataas na opisyal ng Amerika.
00:46Bukas nakatakdang makipagpulong si Pangulong Bongbong Marcos kay Defense Secretary Pete Hexeth
00:52at Secretary of State Marco Rubio sa Pentagon.
00:55Haharap din siya sa business leaders.
00:57Sa susunod na araw naman, ang pulong nila ni President Donald Trump sa White House.
01:03Gaya ng naunang napaulat, hindi kasama sa biyahe si First Lady Lisa Marcos
01:07na nasa official engagement naman sa Riyad, Saudi Arabia.
01:10Sa pagkikita ni Pangulong Marcos sa Trump,
01:13pag-uusapan ng dalawang leader ang defense and security issues,
01:17pati na ang West Philippine Sea, sa gitna ng mga agresibong hakbak ng China.
01:21It will be more on discussions on how we can continue to cooperate with the United States,
01:28our major ally.
01:30At the same time also, I think President Marcos would like to see how we can work with the United States
01:36and other countries that have the same mindset as far as the West Philippine Sea is concerned.
01:42Pag-uusapan din ang pinataw na 20% tariff ng Amerika sa mga produkto mula sa Pilipinas.
01:48Ayon kay Ambassador Romualdez, pag-uusapan din kung paano magbe-benepisyo ang dalawang bansa sa kalakalan
01:55habang pinoprotektahan ang kanikanilang interes.
01:58Hindi na pwede yung anong pwede natin makuha sa isang bayan.
02:02Kailangan ano yung tama para sa dalawa.
02:06Pero most important, yung anong mas mabuti para sa atin.
02:10Isa pang hamon sa relasyon ng dalawang bansa ang kontrobersyal na immigration policy
02:15na naghihigpit sa mga dayuwang iligal ang pananatili sa Amerika.
02:19Ayon sa embahada, batay sa ulat ng U.S. Immigration and Customs Enforcement,
02:24nasa 3,772 ang Pilipinong nasa sistema nila.
02:29Hindi raw sila nakakulong pero meron silang final order of removal o pwede nang ma-deport.
02:35Ang usaping ito, hindi kasama sa agenda ng pulong ni Marcos sa Amerika ayon kay Ramualdez.
02:45Samantala, the Philippines is not for sale ang sigaw ng ilang miyembro ng militanting grupo na nag-rally
02:51malapit sa Blair House kung saan mananatili ng ilang araw si Marcos.
02:55Malapit din ito sa White House.
02:57Binatikos na mga rallyista ang umunoy pagiging sunod-sunuran ng bansa
03:02sa economic at military interest ng Amerika.
03:05Wala pang komento ang Malacanang kaugnay dito.
03:13Maris, sa ngayon, ang sitwasyon dito sa aking kinatatayuan sa harapan ng White House,
03:18walking distance lamang mula dito yung Blair House.
03:22At diyan po ay masasabing very tight ang security.
03:25Merong ilang iskinita papunta doon, sarado na rin yan,
03:28at nababantayan po ng U.S. security personnel.
03:31Ganun pa man, Maris, dito sa aking likura, makikita nyo rin siguro na patuloy naman yung pagdating ng mga turista dito.
03:38Yan muna ang pinakahuling ulat mula po dito sa Washington D.C., Maris.
03:42Sandra, kailan mismo mapag-uusapan ni na Pangulong Marcos at U.S. President Donald Trump
03:47yung tungkol sa 20% reciprocal tariff na ipinataw ng Amerika sa Pilipinas?
03:52Kasi kapag nagharap ba sila mismo, marirace na yun sa harap mismo ng U.S. President?
03:58O, I understand kasi kasama rin yung ilan sa mga economic team.
04:01So, magiging separate ba yung pag-uusap tungkol doon sa reciprocal tariff na yan?
04:05Ang paliwanag sa atin ni Ambassador Romualdez ay ilang araw na nga raw na una na dito yung mga opisyal ng Pilipinas
04:17at patuloy daw yung pinag-uusapan.
04:19At ayon sa kanya ay basically, ito ay marirace sa pagitan din ni Pangulong Marcos at President Trump
04:26pero kumbaga eh, nailay na yung groundworks for that.
04:30Pero, ganun pa man, nung tanongin namin kung meron bang mapipirmahan
04:35o kumbaga meron na ba talagang malinaw na malinaw na magiging agreement
04:38base sa kanyang paliwanag sa ngayon ay ongoing pa yung pag-uusap sa pagitan ng dalawang panig, Marise?
04:45At may nabanggit ba sa inyo ang Filipina delegation kung magkano yung i-aapela nila
04:50o tuluyan ba nilang hihilingin na alisin na yung tarifa?
04:53Kasi before, in-announce na yung 17% tapos after ng pag-uusap, naging 20% pa.
05:00Marisa ngayon, wala pa silang maibigay na detalya tungkol dyan
05:07at kanina medyo maingat din sa pagbibigay ng detalya si Ambassador Rombualdez
05:12siguro ayaw din niyang pangunahan yung magaganap na pagpupulong
05:16pero yun nga, ang sabi niya ay patuloy yung pag-uusap
05:19at ito daw ay dadaan sa negosasyon
05:22pero tungkol doon sa solid na detalya kaugnay niyan
05:25ay wala pa siyang maibigay sa atin. Marise?
05:27Sa issue naman, Sandra, ng West Philippine Sea
05:30ano ba inaasahan matatalakay dyan?
05:32Kasi sa tuwing magkakaroon na lang ng ASEAN meeting o APEC
05:36parang laging nagkakaroon ng tila dead end
05:38pagdating sa Code of Conduct
05:39kaya hindi umuusan.
05:44O Marise, dito kasi ang tinanong nga namin
05:48yung mga specific talaga
05:50kung ano ba talaga pag-uusapan sa issue ng defense and security
05:53at nabanggit na nga ni Ambassador Romualdez
05:57na maaaring mapag-usapan ng West Philippine Sea
05:59pero ang konteksto niyan ay yung patuloy pa rin
06:02na paghahanap ng Pilipinas
06:03nung mga kaalyansa niya
06:05at makakatuwang niya dito sa cause
06:08na isinusulong ng Pilipinas
06:09kaugnay nga sa West Philippine Sea
06:12pero pag tinanong mo siya
06:13kaugnay doon sa mga agreements
06:15sa limbawa o kung meron ba mapapag-usapan
06:18kaugnay sa pag-procure natin ng military hardware
06:21wala pong iminibigay na detalye
06:23si Ambassador Romualdez
06:25ganun pa man sinabi niya
06:26na bilang matagal na magka-alyansa
06:29ay siguradong mapapag-usapan
06:31ang defense and security
06:33at Marise, meron din kasing pulong
06:35nahiwalay si President Marcos
06:38kasama itong si Defense Secretary Pete Hegset
06:41at magagana po yan sa Pentagon bukas
06:44at maaaring dyan lalabas
06:46yung mga mas detalyadong pag-uusap
06:48kaugnay sa West Philippine Sea
06:50Alright, tanong mo na rin si President Trump
06:53kung may pag-asa na dadalaw siya dito sa Pilipinas
06:56Maraming salamat sa iyo
06:57Sandra Aguinado
06:58live mula sa Washington D.C. sa Amerika
07:01Gusto mo bang mauna sa mga balita?
07:04Mag-subscribe na sa JMA Integrated News sa YouTube
07:07at tumutok sa unang balita
07:09Maraming salamat sa mga balita?
07:14Maraming salamat sa mga balita?
07:15Maraming salamat sa mga balita?

Recommended