Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • today
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Abba', dude!
00:01Beto kay nang muk na roha!
00:04Ah, na!
00:05Isa-isang bumagsak sa tubig at mistulang papel
00:08na tinangay ng malakas na alon
00:09ang hindi bababa sa sampung bahay
00:11sa Bonggao, Tawi-Tawi, kaninang madaling araw.
00:14Ayon sa mga residente,
00:16agad nakalikas sa mga nakatira roon
00:18matapos silang abisuhan
00:20ng mga otoridad na agad ding nakiresponde.
00:23Nasa covered court na
00:24ang mga apektadong pamilya.
00:25Sa Lawag, Ilocos Norte, magkahihwalay na sinagip ang dalawang senior citizens na stranded sa Ilog.
00:34Kwento ng rescuers, malakas ang agos sa Ilog kaya di makatawid ang dalawa.
00:39Nasa maayos na silang kalagayan, pati ang mga nasagip ding nilang apat na alagang baka.
00:45Sa Nueva Vizcaya, limang oras na isinara ang Nueva Vizcaya-Benguet National Road sa mga motorista para sa clearing operations
00:53dahil nabalot ito ng putik, pinag-iingat ng mga otoridad ang publiko sa pagdaan sa lugar.
01:00Sa Santa Cruz, Laguna, mistulang dagat na ang National Highway sa taas ng tubig.
01:06Di yan alintana ng ilang motorista na sinuong pari ang baha.
01:11Ganyan din ang sitwasyon sa Taft Avenue sa Maynila kagabi.
01:15Stranded ang ilang commuter.
01:17Napaatras pa ang ilang motorista dahil sa taas ng tubig.
01:21Abot binti naman ang baha sa bahagi ng Pedro Hill.
01:24Bumaha rin sa Espanya Boulevard, kaya may mga sasakyang huminto muna sa gilid.
01:31Sa Barangay Ross District, Quezon City, gumamit na ng mga inflatable na bangka ang otoridad para mailikas ang mga residente.
01:38Sa tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council,
01:43tatlo ang naiulat na nasawi sa pinagsamang hagupit ng bagyong krising at habagat.
01:48Tatlo ang sukatan at tatlo ang nawawala.
01:52Patuloy pa rin binavalidate ang mga datos na ito para sa GMA Integrated News,
01:57JP Soriano, nakatutok 24 oras.

Recommended