Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • yesterday
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Ikinagulat at ikinabahala rin ng ilang taga-Malabon ang baha sa kanilang lugar na kulay puti.
00:06At nakatutok doon live si Jonathan Anday.
00:10Jonathan?
00:15Pia, kaninang umaga pa ito pero hanggang ngayon ay hindi pa rin umuhupa yung baha dito sa may palengke ng Malabon.
00:21Sa ngayon, umaambon ngayon dito, malakas ang ihip ng hangin at makulimilim ang kalangitan.
00:26Sa tala ng Malabon CDRRMO, sa 21 na barangay dito, 16 na barangay ang binaha ngayong araw.
00:3318 inches ang pinakamalalim.
00:35Yung isang barangay, kakaiba ang baha dahil kulay gatas.
00:43Nagulat ang mga tagasan Agustin Malabon dahil puti ang baha sa kanilang lugar.
00:49Nakunan pa ng CCTV ang unti-unting pagbabago ng kulay ng baha mag-aalas 9 kaninang umaga.
00:55Para pong may gluten, wala na pong maitim sa Malabon.
00:59As of now sir, wala po kami idea kung ano pong dahilan.
01:02Hindi naman po siya mamantika, wala rin naman po, as in wala namang amoy din.
01:06First time po talaga namin encounter, as in.
01:09Makalipas ng tatlong oras bandang tanghali, unti-unting nawala ang kulay puti sa baha.
01:14May mga factory kasi dyan, so paiimbestigahan po natin sa ating health department din
01:19para po malaman kung saan nagmula at kung delikado ba ito.
01:24Sa palengke naman ng Malabon, iniinda rin ang mga lumulusong sa baha ang pangangamoy nito.
01:29Ang baho po nung amoy nung baha ngayon, lagi po.
01:33Ganto po yung amoy, tas ganto din po kadumi yung tubig.
01:36Nagkalat din ang mga basura.
01:38Dahilan kaya raw tumirik ang tricycle na ito.
01:41Kung malasin ka din na, dahil sa baha, malalim masyado na sagi ko yung basura, nagasagasaan.
01:48Actually kahapon, almost 300 na sako ng basura ang nakuha namin.
01:54So medyo nagtataka nga kami bakit meron pa rin na iwan.
01:58So siguro babalikan namin yan para talagang maubos.
02:01And mananawagan na rin kami sa mga nandyan na sila maging disiplinado
02:06kasi sila rin naman yung unang naapektuhan kapag kung saan-saan lang sila nagtatapo ng basura.
02:11Bukod sa baha, binayo rin ang malabon ng malakas na hangin na may kasamang ulan.
02:16Pero marami pa rin ang lumabas dahil sa hanap buhay at para bumili ng pangangailangan.
02:21Medyo mababa ngayon kasi wala pang high tide.
02:24Hirap eh.
02:25Kaya ka, may edad na ako.
02:27Sa Ayaw Lumusong, may balsa si Kuya Jomel.
02:30Sampung piso kada pasahero.
02:32Sa Navotas naman, binahari ng ilang lugar tulad ng M. Naval Street.
02:36Pia, sa ngayon ay wala namang naitatalang evacuees dito sa Malabon.
02:43Huwag lang aapaw yung Tuliahan River na dinadaanan ng tubig mula sa Lamesa Dam.
02:48Yan muna ang latest mula rito sa Malabon. Balik sa iyo, Pia.
02:52Ingat at maraming salamat, Jonathan Andal.

Recommended