Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • today
Dahil pinalakas ng Bagyong Crising ang habagat,
inulan at binaha rin ang MIMAROPA Region na wala sa track ng bagyo.
Nagmarka naman sa iba't ibang lugar sa norte ang hagupit ng bagyo.
May report si JP Soriano.


State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Dahil pinalakas ng bagyong krising ang habagat, inulan at binaharin ng Mimaropa Region na wala sa track ng bagyo.
00:08Nagmarka naman sa iba't ibang lugar sa norte ang hagupit ng bagyo.
00:12May report si JP Soriano.
00:17Sinoong ng motorsiklong ito ang rumaragasang tubig sa baragay Poblasyon West, Uminggan, Pangasinan.
00:23Pero tinahay sila ng agos. Sinubukan pa silang habulin ng isang residente.
00:30Pinagtulungan na ng mga rescuer at residente ang pagsagip sa rider at kanyang angkas.
00:37Ang flash flood na nanalasa sa apat na iba pang barangay ay bunsot ng hindi na isaranggi ng irrigation canal
00:45at atrasadong pagmubukas ng Vanilla River Irrigation System.
00:49So lahat po ng buhos or flow ng tubig po natin ay going dito sa masel-sel na irrigation canals.
00:56And nabanggit din po kanina na yung track po niya or yung flow niya po is going po dito sa Poblasyon.
01:03Bumaba na ang tubig sa katsada ngayong araw sa maraming binahang bahay.
01:08Naglilimas ng tubig ang mga residente.
01:11Si Aling Belen, wala raw na isalbang gamit.
01:14Nalubog din ang kanilang kotse at mga motorsikla na mga pamangkin.
01:18Nalunod din ang kanilang mga tuta.
01:20Nandiyan na yung tubig, wala na, bigla-bigla na lang.
01:23Wala na, wala ka naman magawa naman eh kasi nandiyan na.
01:27Sa Lawag, Ilocos Norte, malakas ang buhos ng ulan mula hapon.
01:31Malalaki na rin ang mga alon sa dagat.
01:34Bawal pumalawot kaya ang ilang manging isda sa ilog muna manghuhuli.
01:38Minsan pang ulam lang mahuli namin.
01:41Pag makabenta kami naman, higit isang daan lang.
01:45Meron ding namimingwit ng pugaw na lumalapit na sa pampang.
01:49Tuloy rin ang hanap buhay ng ilang magsasaka.
01:52Malaking bagay raw sa pagtatanim ng palay ang ulan.
01:56Malayo sa sitwasyon sa tumawin ni Isabela,
01:59kung saan lubog sa tubig ang ilang maisan at palayan.
02:02Makapal na hamog naman ang gumalot sa Latrinidad Benguet.
02:06Umulan din sa Baguio City.
02:08Sa gitna ng masamang panahon, isang pick-up ang nahulog sa bangin.
02:13Sugatan ang 23 taong gulang na driver na ayon sa Baguio Police
02:17ay nawala ng kontrol sa sasakyan.
02:20Hindi man direkt ang apektado ng Baguio Crescine,
02:22inulan din ang maraming lugar sa Mimaropa.
02:25Sa San Jose Occidental, Mindoro, umabot hanggang hita ang tubig.
02:29Gumamit na ng lubid ang rescuers sa bayan ng kalintaan
02:32sa lakas ng ragasa ng bahag.
02:34May mga paralan ding pinasok ng tubig.
02:37Sa Palawan, bumaha rin sa Puerto Princesa City.
02:40Gayun din sa El Nido, isinakay na sa bangka
02:44ang mga residente ng isang barangay na natrap sa baha.
02:48May nalubog ding basketball court at kalsada sa Rojas, Palawan.
02:52Nagmistulang fish pond na ang mga palayan sa bayan ng Taytay.
02:55Ayon sa pag-asa, ang masamang panahon sa Mimaropa
02:59ay bunsod ng habagat na hinahata at pinalalakas ng bagyong kresig.
03:04JP Soriano, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
03:25Sitten in the background.

Recommended