Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Apektado ang kabuhayan ng mga mangisda sa Ilocos Norte na hindi makapalaot dahil sa Bagyong Krising.
00:07At mula sa lawag Ilocos Norte, Saksila, si JP Soriano.
00:12JP?
00:15Pia, nasa pagod-pood pa tayo ng maranasan natin at makita yung malakas at walang patid na pag-uulan dito sa malaking bahagi ng probinsa.
00:23At bago nga mag-alas 7 ng gabi na mag-umpisang bumuhos ang tuloy-tuloy at walang patid na bagsat ng ulan na nagpapatuloy pa rin po Pia hanggang sa mga oras na ito.
00:35Nasa ilarim pa rin ng Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 ang Ilocos Norte habang lumalapit sa probinsa ang Bagyong Krising.
00:42Alas 8 ng gabi na mag-abiso ng Orange Rainfall Warning sa Ilocos Norte kung saan pinapaalala po sa mga nakatira rito sa mga flood-prone areas o yung madalas bahay na maging alerto.
00:53Ayon sa PDRRMC ng Ilocos Norte Pia, hindi bababa sa labing tatlong pamilya ang inilikas sa bayan ng Bana bilang bahagi ng preemptive evacuation o pag-iingat sa mga binabahang lugar.
01:09Bago pa ang malakas na buhos ng ulan sa malaking bahagi ng lawag Ilocos Norte na nagsimula bandang hapon.
01:15Malakas na ang hampas na mga naglalakihang alon sa baybayan ng Barangay Kauwakan.
01:24Ay bawal po sir, pinagbabawal po talaga namin kasi malakas po yung hatak ng alon po.
01:30Delikado?
01:31Delikado po.
01:32Pinaka-apektado ang mga residenteng nabubuhay sa panguhuli o pagbibenta ng isdang alat.
01:39Kaya ang ilang manging isda gaya ni 4D, sa kalapit na ilog muna, manghuhuli ng tilapya para may makain ang pamilya ngayong araw.
01:47Assistant niya ang alagang asong si Toki, nakasama niya parati sa pagpalaon.
01:53Minsan pag ulam lang mahuli namin, pag makabenta kami naman, higit sa daan lang.
02:02Ang ilan, para-paraan at namingwit na lang ng isdang Pugaw na lumalapid sa pampang para di na pumalaon.
02:10Wala mang storm surge, nag-iingat pa rin ang marami, lalot ilang istruktura ang sinira noong 2016 ng storm surge ng Bagyong Lawin.
02:19Sinuspin din na rin ng kapitolyo ang trabaho at klase sa pampubliko at pribadong sektor.
02:25Pinang-iingat din ang lahat sa posibleng pagbaha sa flood-thrown areas o yung mga madalas bahain gaya ng mga nakatira malapit sa Padsan River sa lawag.
02:41Atapiya sa mga oras na ito, malakas pa rin yung ulan.
02:44Napapansin natin sa ating nakikita rito, nasa gutter deep na yung tubig dahil sa sunod-sunod na pagulan.
02:51Medyo lumalakas din yung hangin pero napansin natin sa bagyong ito, mas maulan kaysa sa mas mahangin.
02:56At live mula rito sa lawag Ilocos Norte.
02:58Ako po si JP Soriano, ang inyong saksi.
03:01JP, linawin ko lang kung meron nga bang mga inihandang evacuation center.
03:06Kung sakasakali lang nakakailanganin.
03:08At kung sakali nga, kung sapat ba ang mga supply ng gamot, pagkain, tubig at iba pa dito.
03:14Sapat, Pia, kasi napaghandaan na nila ito ng mga nakaraang bagyo, gaya ng Bagyong Christine, Bagyong Egay.
03:22Nasilip din natin yung ilang evacuation center kanina.
03:24At least yung mga nakikita natin, meron silang sapat na contingency para po sa paghahanda sa bagyong ito, Pia.
03:31Alright, gaya ng sinabi natin kay James, mainam na yung laging handa.
03:34Maraming salamat sa iyo, JP Soriano.
03:37Mga kapuso, maging una sa saksi.
03:41Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.