00:00Samantala sa ibang balita, mas pinabilis pa ang transaksyon sa pamahalaan sa pamagitan ng Bagong Pilipinas EGov PH Servicio Hub na ilununsad ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:10May ulat si Kenneth Pasyente.
00:13Mas pinadali at pinabilis na servisyo publiko.
00:17Iyan ang target ng pamahalaan sa paglulunsad ng Bagong Pilipinas EGov PH Servicio Hub sa San Juan City na pinangunahan mismo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:26Isa ito sa mga inisyatiba ng pamahalaan tungo sa mas pinaigting na paghahatid ng servisyo sa taong bayan.
00:32Lalot isa itong integrated platform na layuning pag-isahin ang mahalagang servisyo ng gobyerno upang mapasimple at maiparating ng direkta sa mga mamamayan ang tulong at servisyong kanilang kailangan.
00:44Batid daw kasi ng Pangulo ang hinaing ng taong bayan sa tuwing may kailangang asikasuhin sa isang ahensya ng gobyerno.
00:50Pagka kukuha ka ng permit, mag-renew ka ng license, magbabayad ka ng kung anong kailangan mong bayaran doon sa local government, doon sa national government,
01:03at ang pupunta, pupunta ka sa isang pisina, pipila ka ng dalawang oras.
01:08Pagpila mo, sasabihin na, o sige, okay na ito, pipirmahan na namin.
01:13Ngayon, kailangan mo ngayong pumunta doon sa kapila at pipila ka na naman ng dalawang oras at kukuha ka na naman ng pirma.
01:24Pagkating mo doon sa pangalawa, pupunta pa, sasabihin sa iyo, kulang pa ito ng clearance.
01:30Kailangan mo pang pumunta sa office na ganito-ganyan, pipila ka na naman ng katagal-tagal.
01:35Yan daw ang dahilan kaya nabuo ang inisyatiba ng BPESH na naisakatuparan sa pangunguna ng Presidential Communications Office o PCO.
01:43Alinsunod na rin ito sa pagtulak ng administrasyon para sa isang accountable at maaasahang pamamahala.
01:50Kabilang sa mga pangunahing serbisyo ay ang pag-grant ng medical financial assistance,
01:54libreng legal counseling at consultation, job matching opportunities,
01:58at iba pang government services gaya ng application para sa clearances at legal records at iba pa
02:04na hatid ng iba't ibang ahensya ng gobyerno.
02:06As I said, it's not only here in Luzon, Metro Manila.
02:10We will also do the same thing for all the local governments around the country.
02:16And I think that that is a very, very important development because we are trying to make things easier for our kababayans
02:29so that they can go about their business na hindi naman sila nahihirapan at kung ano-ano pangangailangan na nauubos ang oras nila.
02:40Sometimes it takes more than, to get a normal clearance, takes more than one day.
02:46Kaya malaking bagay ito para kay Jen na may aasikasuhin sana sa PCSO at DSWD.
02:51Malaking ginhawaan niya na sa iisang lugar na lang siya pupunta.
02:55Sobrang stressful yun kasi mag-cocommute ka pa po.
02:59Tapos pag iintindi mo pa yung pamasahin mo sa pupunta mo ng ganito, ganyan.
03:05Kaya ito lang is madali lang siya kasi isang puntahan lang po.
03:08Sa ngayon, Luzon ang target na maservisyohan nitong hub.
03:11Pero plano na rin ang pamahalaan na ma-extend pa ito sa Visayas at Mindanao.
03:16Kabilang din sa highlight ng hub ang EGov PH Super App
03:19na isang pahalagang component ng BPESH na inaasahang magpapadali
03:23sa pag-access ng mga digital na servisyong gobyerno.
03:26Giit ng punong ehekutibo, maaari itong gamitin ang hindi na lumalabas pa ng bahay.
03:31Kailangan lamang anya itong kabisahin dahil dinisenyo naman anya ito
03:34para mabilis na maintindihan ng gagamit.
03:37Ipinagmalaki rin niya na kinikilala na ng international community
03:40ang digital initiative na ito ng Pilipinas.
03:43Kasabay niyan ang direktiba para sa maayos na pagpapatupad
03:46ng Bagong Pilipinas Hub at EGov PH Super App.
03:50It's very intuitive and it is now that goes these two elements,
03:56the one-stop shop plus the EGov app,
04:00ay mapupunta na tayo doon sa amin.
04:02Ang aking instruction sa kanila,
04:05walang korupsyon, walang fixer, walang pila.
04:09Kenneth Pasyente, para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.