Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • yesterday
Narito ang mga nangungunang balita ngayong July 18, 2025


- Pabugso-bugsong ulan, nararanasan sa ilang lugar sa Cagayan dahil sa Bagyong Crising; Forced evacuation, ipinatutupad sa coastal municipalities | Ilang residente, naglagay ng mga pabigat na bubong ng kanilang bahay; mga bangka, iginilid


- Ilang residente ng ilang lungsod sa Cebu Province, inilikas dahil sa baha


- Sen. JV Ejercito: hindi bababa sa 13 senador, suportado si Sen. Chiz Escudero para manatiling Senate president | Pagtawid ng impeachment trial ni VP Sara Duterte sa 20th Congress, kukuwestyunin ni Sen. Bato dela Rosa | Sen. Joel Villanueva: Impeachment trial ni VP Duterte, target simulan sa August 4


- Ilang lugar sa Negros Oriental, binaha


- Shuvee Etrata, malapit nang maipatayo ang dream house dahil daw sa PBB at kabi-kabilang projects | Kapuso housemates, ikinuwento ang life-changing experiences sa kanilang PBB journey


- Probinsiya ng Ilocos Norte, naghahanda na sa posibleng epekto ng Bagyong Crising


- Ilang lugar sa Antique, binaha dahil sa malakas na ulan; isang bahay, nasira dahil sa landslide | Hanging bridge sa Brgy. Bitas, naputol; antas ng tubig sa 10 ilog, mino-monitor | Ilang bahagi ng Negros Occidental, binaha dahil sa malakas na ulan; ilang residente, ni-rescue


- Pulse Asia Survey: Kalusugan at trabaho, nanguna sa mga personal na inaalala ng mga Pinoy


- Ilang pasahero sa PITX, nangangambang maantala ang biyahe dahil sa Bagyong Crising / PITX: Wala pang suspendidong biyahe at walang stranded na mga pasahero sa terminal


- PH Sports Commission: Rizal Memorial Coliseum, isa sa mga magiging venue para sa NCAA Season 101


- Iba't ibang pagkain at drinks, tampok sa Kapuso food fair


- Ilang probinsiya sa Mindanao, nakaranas ng baha at landslide dahil sa ulang hatid ng hanging Habagat


- Nunong Imaw, may love advice online segment para sa Encantadiks | Terra, may new power sa "Encantadia Chronicles: Sang'gre" | "Encantadia Chronicles: Sang'gre," may 800m views na sa social media platforms | "Encantadia Chronicles: Sang'gre," may fan meet sa July 20, 10AM-5PM


- 3-time Grammy winner Megan Thee Stallion, kinumpirmang nasa dating stage sila ni NBA player Klay Thompson


- Ruru Madrid at Jeff Moses, kabilang sa celebrities at content creators na inimbitahan sa regional content trip ng isang fragrance brand


Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).


For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.

Category

📺
TV
Transcript
00:30Sa Togigaraw, Cagayan, may unang balita si James Agustin.
00:34James?
00:39Igang good morning, pabugsubugsong pagulan yung nararanasan ngayong umaga dito sa Togigaraw City sa Cagayan.
00:47Simula kagabi hanggang kaninang madaling araw ay nakaranas na ng pagulan dito sa lalawigan pero mahina hanggang sa katamtaman pa lang ang lakas nito.
00:55Wala pa namang naitatalang pagbaha sa iba't ibang bayan.
00:58Kahapon, itinaas ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ang red alert status.
01:04Ipinatutupad ang force evacuation sa coastal municipalities.
01:08Pinag-iingat ang mga residente sa banta ng storm surge o daluyong na posibleng umabot ng isa hanggang dalawang metro.
01:15May ikpit pa rin pinagbabawal ang paglalayag, pangingisda at paglangoy sa dagat.
01:20Naka-standby na rin sa pitong quick response stations ang mga gagamitin search and rescue equipment gaya ng mga rubber boats, life vests at life ring.
01:28Minomonitor ang antas ng tubig sa Cagayan River at mga tributaris nito.
01:33Sa bayan ng Peña Blanca, may ilang residente na naglagay ng mga pabigat na bato at kahoy sa bubong ng kanilang mga bahay kahapon.
01:40Iginilid na rin ang mga bangka na karaniwang sinasakyan ng mga turista para makatawid sa Pinakanawan River papunta sa tourist attraction na Calao Cape.
01:50Pinagbabaklas maging ang mga kubo na nagsisilbing cottage.
01:54Samantala, igan sa mga oras na ito ay nagpapatuloy pabugsong-bugsong pagulan na nararanasan dito sa Togigaraw City.
02:00Minsan po ay mahina yan at minsan din naman ay lumalakas.
02:04Kaya may apilad din naman ang PDRMO sa mga residente, lalong-lalong na yung mga nakatira sa coastal municipalities na may banta ng storm surge na sila'y sumama na sa mga otoridad.
02:15Kung sila'y pinalilikas, lalong-lalong na yung mga nakatira sa tabing dagat.
02:19Yan muna ilitas mula rito sa Cagayan.
02:20Ako po si James Agustin para sa Gemma Integrated News.
02:26Inilikas ang ilang residente ng ilang lungsod sa Cebu Province dahil sa pagbaha.
02:30Sa Barangay Mabolo, sa Cebu City, umabot hanggang dibdib ang taas ng tubig.
02:35Nalubog pa ang ilang sasakyan na nakaparada sa kalsada.
02:39Para makatulong sa pag-rescue, gumamit ng lubid ang mga tauhan ng Cebu City Disaster Risk Reduction and Management Office.
02:46Sa Barangay Pardo naman, kulay gray ang kulay ng baha.
02:49Ayon sa isang residente, posibleng galing ito sa isang quarry site.
02:52Nag-deploy rin ng mga tauhan ang mandawe CDRMO para sa paglikas sa mga binahang residente.
02:58Sa Barangay Ibabaw, estansya, mahigit 60 pamilya ang inilikas.
03:03Sa Talisay City naman, inanod ng baha ang ilang nakaparadang sasakyan sa kalsada ng Barangay Bulakaho.
03:10Stranded naman ang ilang motorista kahapon dahil sa paghuhunang lupa sa Barangay Lagtang.
03:16Nadaraanan na ito sa ngayon kasunod ng clearing operations.
03:19May higit labintatlo senador ang ipahayag na raw ng suporta kay Sen. Cheese Escudero para maging Sen. President sa 20th Congress.
03:30May unang balita si Maki Pulido.
03:32Higit isang linggo bago magbukas ang 20th Congress, halos tiyak ng mananatiling Sen. Cheese Escudero ayon kay Sen. Deputy Majority Floor Leader J. V. Ejercito.
03:46Sa tansya niya, labing-pito o labing-walo ng senador ang pumirma para suportahan si Escudero, lampas sa labing-tatlong kailangan para maging Sen. President.
03:56Kung pumirma ako, nasa 14, 15 na eh. Mas alam nila na SPG has the numbers, kaya mas matatagdagan pa yan.
04:03Inaayos na rin kung ano-anong komite ang mapupunta sa susuporta sa kanya.
04:07Pero prioridad ayon kay Ejercito kung sino man ang may hawak na ng pwesto.
04:11Sa 41 Senate committees, 6 ang pinamunuan ng limang senador na graduate na o natalo noong eleksyon.
04:26Tiyak na rin ko'y questionin ni Sen. Bato de la Rosa kung pwede bang itawid mula 19th Congress ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
04:35Balak niya itong gawin sa plenaryo ng Senado o kahit sa mismong impeachment court.
04:41The Senate of the 28th Congress is willing to be bound by what the Senate of the 19th Congress has started.
04:49We have to settle the issue of jurisdiction.
04:53Sa informal meetings daw ng ilang senador, sabi ni Sen. Joel Villanueva,
04:57na pag-usapang sa August 4 sisimula ng impeachment trial o isang linggo pagkatapos ng State of the Nation address ni Pangulong Marcos.
05:05Ito ang unang balita, Mackie Pulido para sa GMA Integrated News.
05:10Dahil sa malakas na ulan, umabot na sa mga kalsada ang tubig mula sa ilang spillway sa Negros Oriental.
05:20Sa barangay Pakuan sa Libertad, malakas na ragasan ang tubig ang naranasan ng mga residente.
05:26Isang baboy ang kanilang sinagip matapos tangayin ang baha nang masira ang kulungan nito.
05:31Kita rin ang malakas na agos ng tubig sa barangay Manghulayon.
05:34Stranded naman ang ilang guro sa isang kalsada sa barangay Fatima sa Pamplona dahil din sa pagragasan ng tubig galing sa spillway.
05:41Ayon sa pag-asa, habagat na pinalalakas ng bagyong krising ang nagdudulot ng pagulan sa Negros Oriental.
05:48Pinaalerto ang mga nakatira sa mga tabing ilog at mundok sa posibleng landslide.
05:52Truly life-changing ang journey ng island Ate ng Cebu, Shuvie Itrata, sa PBB Celebrity Collab Edition.
06:06Sabi ni Shuvie, magkakatotoo na ang matagal na niyang pangarap.
06:12Maraming maraming salamat po. Malapit na pong mapatayo ang aking dream house.
06:16Wow! Because of PBB, I truly feel like a winner and that's because of you guys.
06:23Aw, sinabi ni Shuvie sa media conference kahapon ng Kapuso Housemates ng PBB.
06:29Thankful si Shuvie sa supporters, pati sa kabikawilang guestings at endorsements.
06:34Magkakasama raw si Shuvie at si Kapuso third placer Charlie Fleming sa project na Master Cutter na pag-ibidahan ni Ding Dong Dantes.
06:43Magkakaroon din daw ng movie projects si Shuvie at Charlie.
06:48Wow! Kung samantalang si second big placer Will Ashley at Dustin Yu na parehong na link kay Kapamilya Housemate Bianca Devera.
06:55Looking forward na magka-work silang tatlo.
06:58Inspired naman, maging better person sila.
07:01Dahil sa stories ng housemates, si fourth big placer naman na si AC Martinez ngayon.
07:07Gayun din si Vince Maristela.
07:08Sabi naman ni Michael Sager at Josh Ford, memorable ang naranasan nilang nominations at evictions dahil sa naramdaman nilang sari-saring emosyon.
07:18Si Ashley Ortega, overwhelmed din daw sa support ng love and love na natanggap matapos maging first Kapuso evictee.
07:24Present din sa media con si GMA Network Senior Vice President Attorney Annette Gozon Valdez at ipapang-official ng Sparkle GMA Artist Center.
07:32Si Kapuso big winner Mika Salamangka, naging emosyonal.
07:36Kaya ako maging emosyonal pero parang ngayon lang po nag-i-sync in din yung big winner po.
07:47Salamat po sa tiwala.
07:49Nakataas po ngayon ang wind signal number 2 sa Ilocos Norte dahil sa Bagyong Crissing.
08:02Kumustayin natin ang sitwasyon doon live mula sa unang balita ni J.P. Soriano.
08:08J.P.
08:08Igan mga kapuso, nag-uumpisa na pong maramdaman ang tuloy-tuloy na pag-uulan dito sa malaking bahagi ng Lawag City sa Ilocos Norte.
08:20At buong magdamag nga Igan ay naging makulimlim at pabugso-bugso ang ulan sa malaking bahagi ng provincia.
08:29At isa nga sa mga pinabantayan ng mga otoridad Igan sa tuwing may bagyo ay ang Pagsan River dahil noong July 2023 ay tumaas ang antas ng tubig ng ilog dahil sa bagyong egay.
08:41Dahilan para bahain ang maraming sityo at katabing barangay.
08:45Sa official social media page ng provincia Igan ng Ilocos Norte,
08:48e pinag-iingat din po ang mga tigarito dahil sa inalabas na red rainfall warning na indikasyon ng posibleng pagbaha sa flood-prone areas o yung mga madalas bahain.
08:59Bilang paghahanda at pag-iingat sa posibleng epekto ng bagyong kusing,
09:03inanunso na rin ng provincial government ng Ilocos Norte ang suspensyon ng trabaho at klase sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong sektor.
09:12Ito ay kasunod nga po ng pagsasailanin ng pag-asa ngayon sa provincia sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 2.
09:21At baga man na umuulan, e maayos pa naman ang lagay ng karamihan sa mga barangay dito na sa flood-prone areas,
09:27maging yung mga katabinismo ng ilog, pero ano man kung development ay handa po ang mga tigarito para sa isang posibleng preemptive evacuation.
09:37At yan muna ang latest J.P. Soriano para sa GMA Integrated News.
09:41Binaha ang ilang lugar sa Antique kasunod na malakas na ulang dulot ng hanging habagat.
09:47May mga residente naman ni-rescue ng bahain ang maraming lugar sa Negros Occidental.
09:53Live mula sa Bacolod City, may unang balita.
09:55Si Adrian Prietos ng GMA Regional TV.
09:59Adrian, mayong aga.
10:00Yes, Maris, mga puso, maying aga.
10:06Mahigit 200 ng mga individual ang nag-evacuate sa probinsya ng Antique dahil nga sa Baha.
10:11Ayon sa Antique PDRMO, dito naman sa probinsya ng Negros Occidental,
10:16ilang bahagi o ilang mga lugar ay apektado rin ng masamang panahon.
10:21Super Baha.
10:22Naranasan ang pagbahasan Tique dahil sa malakas na ulan kahapon hanggang kagabi.
10:30Sa videong ito, makikita ang mga sasakyan sa binabahang bahagi ng kalsada sa Barangay Poblasyon sa Bayan ng Sebaste.
10:38May nangyari ring landslide sa naturang bayan.
10:40May bahay ring nasira.
10:42Natagalan naman bago makadaan sa kalsada sa Santo Rosario sa Bayan ng Tibiao ang ilang sasakyan.
10:48Sa Barangay Bitas, Patnongo, naputol ang hanging bridge.
10:52Sa Barangay San Fernando, San Jose Antique, naramdaman ang malakas na hangin at matataas na alon.
10:59Ayon sa Antique PDRMO, mahigpit na minomonitor ang antasang tubig sa sampung mga ilog sa probinsya.
11:07Apektado rin nang walang tigil na ulan ang ilang bahagi ng Negros Occidental.
11:12Sa Kabangkalan City, umabot sa tuhod ng baha sa tindahan na naging pahirap sa mga nagtitinda at mamimili.
11:18Ang kabaong na ito, pinagtulungang ilipat sa ligtas na lugar dahil pinasok ng baha ang bahay kung saan ito nakalamay.
11:27Hindi rin nakaligtas sa baha ang babuyan na ito sa Barangay Karadyuan sa Himamaylan City.
11:32Narescue ng mga taga Bureau of Fire Protection at Philippine Coast Guard ang ilang residente sa Barangay Kaliling Kawayan.
11:38Dalawang pong individual sa Barangay Payaw sa Bayan ng Binalbagan ang in-evacuate.
11:43Sa Barangay Manlukahok si Palay City, pansamantalang hindi nadaanan ang kalsadang ito dahil sa landslide.
11:50Ang may LGU ng Binalbagan, Kalatrava si Palay City at Telicicity nag-anunsyo na suspendido pa rin ang klase hanggang ngayong araw, July 18.
11:59Sa Tarisay City, naghahanda rin ang ilang residente, kaya pinutol na nila ang mga kahoy na parang mabubuwal na.
12:16Mga pungsos, suspendido naman ang F2F klase sa mga bayan ng Sibalom, Tobias Fornier, Belison at maging Valderrama sa probinsya ng Antike.
12:36Sa kasalukuyan, nagsasubcide na rin ang bahaayo naman sa Antike PDRMO.
12:40Mga pungsos, sa Iloilo City, mula preschool hanggang senior high school ay kanselado ang klase.
12:47Dito naman sa amin sa Bacolod City, walang pasok ang lahat ng antas.
12:51Sa mga coastal areas naman kagaya na kinatatayuan natin yan dito sa barangay Banago Bacolod City ay inabisuhan ng Philippine Coast Guard
12:58na iwasan muna ng maliliit na sakayang pandagat na magpalaot.
13:02Kung hindi naman, para nga sa kanilang kabuhayan, ay siguruduhin nakapagpalista ng pangalan at iba pang informasyon sa barangay o PCG substation.
13:12At yan muna ang latest mula rito sa Bacolod.
13:14Maris?
13:14Damogid nga, salamat. Ingat kayo dyan, Adrian Prietos ng GMA Regional TV.
13:19Kalusugan at pagkakaroon po ng trabaho ang mga nanguna sa mga personal na inaalalaan ng mga Pilipino basa sa resulta ng Pulse Asia Survey.
13:28Narito po ang aking unang balita.
13:30Sa panahon ngayon, ano nga ba ang urgent concern o seryosong inaalala ng mga Pilipino?
13:38Kalusugan.
13:39Hindi magkasakit kami lahat.
13:41Hindi tayong magkasakit, lalo na anak ko. Dalawa na lang kami magkasama. Anak ko, mahirap na kasi. Ang mga gamot ngayon, mamahal.
13:51Isa ring alalahan niyan ng mga Pinoy.
13:54Trabaho.
13:55Mita po ng pera.
13:56Makapagtapos po ng pag-aaral.
13:58Ang gusto ko, makapagtapos yung anak ko sa pag-aaral. Kahit pa paano, sa hirap ng panahon ngayon, makakuha siya ng magandang kinabukasan.
14:08Ang kanilang mga sagot sumasalamin sa resulta ng pinakabagong Pulse Asia Survey kaugnay sa Filipino's urgent personal and national concerns and the National Administration's performance ratings.
14:20Lumabas ka si Rito nitong June 2025 na mahigit sa kalahati ng mga adults sa bansa ay may dalawang pinaka-inaalala sa buhay.
14:28Ang kalusugan o pag-iwas sa mga sakit na nasa 64%.
14:32At pagkakaroon ng maayos na trabaho o mapagpukunan ng kabuhaya na nasa 53%.
14:39Sumunod dito ang pagkakaroon ng ipon.
14:43Makapagtapos ng pag-aaral o mapagtapos ng pag-aaral ang mga anak.
14:47At pagkakaroon ng makakain araw-araw.
14:50Paliwanag ng sociologist na si Brother Clifford Sorita.
14:52Ang kinakailangan daw kasi ayon sa mga pag-aaral, the first need daw ng isang tao is for the person to be able to primarily to survive.
15:03If a person daw exists at makakaagapay siya sa pang-araw-araw na buhay niya, at least meron siyang sense of hope na magkaroon siya ng a better life.
15:15The second level of the needs is what they call ngayon security needs.
15:19Sa tinatawag ng mga basic human needs na ito, maipaliliwanag daw kung bakit kalusugan ang pinakapangunahin sa ating alalahanin.
15:47Katunayan, innate o natural na raw sa ating lahat yan.
15:52Kaya nga mayroon tayong matagal ng kasabihang health as well.
15:56Pambansang alalahanin pa rin naman ang inflation.
15:59Habang pumalawa sa kategoryang ito, ang sahod ng mga manggagawa.
16:03Isinagawa ang nationwide survey mula June 26 to 30, 2025 gamit ang face-to-face interview sa 1,200 na kinatawan, edad labing walong taong gulang pataas.
16:13Mayroon itong plus-minus 2.8% error margin at 95% confidence level.
16:19Ito ang unang balita. Mariz Umali para sa GMA Integrated News.
16:23Kumusayin naman natin ang mga biyahe ng bus.
16:27Ngayong may bagyong krising.
16:29Live mula sa Paranaque Integrated Terminal Exchange, PITX.
16:33Mayroon ang balita si Jomer Apresto.
16:35Jomer.
16:38Igan, good morning. Narito ako sa second floor ng PITX.
16:41Karamihan sa mga pasahero dito ay mga biyaheng Visayas at Mendanao.
16:45Ilan sa kanila ang nangangamba na mas-stranded dahil sa bagyo.
16:48Madaling araw pa lang, nagtungo na ang 30 years old na si Delvien sa Paranaque Integrated Terminal Exchange o PITX.
16:59Galing siya ng nasugbubatanggas at papunta ng masbate.
17:03Ang problema, hindi pa raw siya makabili ng tiket.
17:06Umaasa siya makabiyahe na siya mamayang alauna ng hapon.
17:09Wala po eh, inaanap pa po nila.
17:12Kung may biyahe, baka wala daw biyahe.
17:14Sa kabila ng banta ng bagyong krising, kailangan niya raw umuwi sa kanilang probinsya.
17:19Nakikita ko na ako sa mga post doon sa amin, bahana po.
17:23Kaya ano lang, may konting problema lang.
17:26Kung sakaling suspendido ang biyahe, posibleng dito na muna siya sa terminal magpalipas ng araw.
17:31Ang magkapatid naman na Susan at Jocelyn, papunta ng Surigao del Sur kasama ang anak at apo.
17:36Pinangangambahan din nilang mas-stranded dahil sa bagyo.
17:39Patay po yung manay ko, emergency lang.
17:42Hindi nga po namin alam kung anong sistema ng bus.
17:50Sabi naman ng pamunuan ng PITX, wala pa mga suspendidong biyahe sa ngayon at wala pa mga stranded na pasahero sa terminal.
17:56Agad naman daw sila mag-aanunsyo sa oras na may mga suspendidong biyahe.
18:00Igan, sabi ng PITX, nasa 15,000 na ang mga pasahero dito.
18:09Pero posibleng umabot pa yan sa 160,000 hanggang mamayang gabi.
18:14Ang binabanggit nila ay sa kabilayan ng banta ng bagyo.
18:18At yan ang unang balita. Ako po si Jomer Apresto para sa GMA Integrated News.
18:22Isang Rizal Memorial Coliseum sa Maynila sa mga pagdarausan ng mga laro para sa NCAA Season 101.
18:35Ay sa Philippine Sports Commission.
18:37Kinupirma rin ito ng NCAA Season 101 Management Committee pero hindi pa sinabi kung anong sports ang gagawin doon.
18:44Sabi ng PSC, may mga bagong events sa susunod na season.
18:48At kasama rin daw ang gymnastics, boxing at weightlifting bilang demonstration sports.
18:55Sabi ng PSC, noong 2005 pa huling ginamit ng NCAA ang Rizal Memorial Coliseum sa Season 81 ng Liga.
19:07Enjoy ang mga empleyado ng GMA Networks sa Kapuso Food Fair.
19:10All-day menu ang offer ng iba't-ibang food stalls.
19:14May lugaw, mga silog, inihaw at lechon.
19:18At name the drinks you want. Meron siyang hot and cold.
19:22Meron ding desserts and pastries.
19:25Kabila ang products ng Kapuso Actress Comedian na si Ayay Dalas Alas.
19:30Present din ang food stall ni Sparkle Star Raver Cruz.
19:34At ni Kapuso News personality, Nelson Canlas.
19:37Enjoy ang Kapuso employees, hindi lang sa dine-in pati sa pagbili ng mga pasalubong.
19:42Bahagi po yan ang 75th Anniversary Celebration ng GMA.
19:46Ito pong Kapuso Food Fair na day 2 na ngayong biyernes.
19:50Malakas na ulan at matinding baharin ang naranasan sa ilang propinsya sa Mindanao.
19:57Gumuho rin ang lupa sa ilang lugar doon.
20:00Narito ang unang balita.
20:01Dahil sa malakas na onlan sa Sambuanga City, umabot hanggang bewang ang bahas sa barangay San Jose Gusu.
20:10Gumamit ng rubber boat ang mga rescuer para ilikas ang ilang residente.
20:14Nasira naman ang ilang bahay sa coastal area dahil sa malakas na alon at hangin.
20:18Dalawang barko ang sumagsad sa dalampasingan ng barangay Maasin.
20:21Isang passenger vessel naman ang halos dumikit sa seawall sa RT Lim Boulevard.
20:25Kwento naman ni U-scooper Julius Sino Haiktin.
20:31Nabagsangan ng puno ang bubong ng kanilang bahay sa dapitan sa Buanga del Norte.
20:35Dulo daw ito ng malakas na ulan at hangin.
20:37Digtas naman ang kanyang pamilya.
20:41Sa Lebak, Sultan Kudarat, pinasok ng baha ang isang bahay sa barangay Purikay.
20:45Galing daw ang tubig sa umabaw na kanal.
20:48Ayon sa Lebak MDRMO, mahigit isang daang pamilya ang naapektuhan ng baha sa pitong barangay.
20:53Sa bayan ng Kalamansig, gumuhong lupa at kahoy ang humambalang sa isang kalsada sa barangay Sabanal dahil sa patuloy na pagulan.
21:04Ayon sa pag-asa, hanging habagat na nagpapaulan sa mga probinsya sa Mindanao.
21:08Ito ang balita, Bama Legre, para sa GMA Integrated News.
21:17Abisala and Cantanix ang pinuno ng Adamia na si Nunu Ibao.
21:21Aba, nag-ibigay na rin daw ng mga love advice.
21:25Wow!
21:26Paano ko ba malalaman kung siya na ang tamang tao para sa akin?
21:31Unang-una, nagbibigay sa'yo ng kapanatagan sa pag-iisip ang taong yun.
21:37Wow naman!
21:38Alam!
21:38Ang gandang advice, ha!
21:40Ilan lang yan sa mga payo na binigay ni Imao sa kanyang online exclusive segment na Sangre, Dear Nunu Imao.
21:48Kinagiliwin niya ng Encantadix na aabangan na ang segment tuwing Huebes.
21:53And speaking of Encantadix Chronicles, Sangre, may new power unlocked si Tera Bianca Umali.
22:01May healing power na rin siya.
22:03Bukod pa yan sa teleportation, kakaibang lakas at kakayahang makipag-usap sa mga hayo.
22:08Wow! No wonder to talk ang Encantadix sa TV at online.
22:11Samantala makapusokin yung pinuma ng American rapper and three-time Grammy winner na si Megan Thee Stallion
22:16na dating sila ng NBA player na si Klay Thompson.
22:20Ayon sa ilang US outlets, nireviliya ni Megan nang sabay silang maglakad ni Klay sa red carpet na isang event sa New York.
22:26Sabi ni Megan, masaya at nagpapasalamat siya sa relasyon nila ni Klay.
22:30Una lang napansin ng fans ang ugdaya ng dalawa nang mag-post ng pictures online.
22:36Si Megan na nasa background si Klay.
22:39At sumikat nga si Megan sa ilang collab songs kasama ang rapper na si Cardi B, superstar singer Beyoncé, at ilang pang rapper.
22:47Si Thompson naman ay nakilala sa husay niya sa paglalaro ng basketball at pagiging four-time NBA champion.
22:54Hi!
22:55Wala!
22:56Hi!
22:57Okay mga puso, it's a Jeju holiday para kina Sparkle Stars, Ruru Madid, at Jeff Moses.
23:04Kami lang sila sa campers na inibitahan para sa regional content trip ng isang fragrance brand sa Jeju Island, South Korea.
23:11Nakasama ni na Ruru at Jeff doon ang iba pang celebrity influencers at content creators mula sa iba't ibang panig ng Southeast Asia.
23:19Ilan sa kanilang activities ang archery, high intensity interval trainings, soccer at leather making.
23:26Mismong si Physical 100 Season 2 winner na si Amoti ang nag-train sa kanila sa four-day camp.
23:33Bukod sa adrenaline-filled activities, enjoy rin ang boys sa food at jamming session sa camp.
23:39Gusto mo bang mauna sa mga balita?
23:42Mag-subscribe na sa JMA Integrated News sa YouTube at tumutok sa unang balita.

Recommended