Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Inilabas ng PNP Forensic Group ang larawan ng mga buto ng mga tao na naiahon mula sa Taal Lake ngayong araw.
Ayon sa Justice Department, nakakuha ng bahagi ng tadyang o ribs ng tao.


State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Bago ngayong gabi, inilabas ng PNP Forensic Group ang larawan ng mga buto ng mga tao na naiahon mula sa Taal Lake ngayong araw.
00:09Ayon sa Justice Department, nakakuha ng bahagi ng tadyang o ribs ng tao. May report si Ian Cruz.
00:20Matapos ang apat na araw na walang nakukuhang kahinahinalang bagay, iniahon mula sa Taal Lake ang apat na sakong ito kanina.
00:26Pagdating sa pampang, agad inilipat ang mga sako sa sasakyan ng soko.
00:31Apat na sako yun actually, dalawang sakong buhangin na pampabigat at dalawang sakong containing the remains.
00:39Nung ribs ng tao nakita.
00:41Ipinakita ang nitrato ng labing limang piraso ng mga umanay skeletal remains na nakuha kanina.
00:47Nakuha ang mga ito sa lugar na itinuro ng mga source na kinumpirman ang whistleblower na si Julie Dondon Patidongan alias Totoy.
00:55Nabangkeras identified it.
00:56The area. Dito ho tinatapon.
01:00So nung doon bumunta ang diver, doon may nahanap.
01:03Yung nahanap today sa kwadrant na yun sa Taal Lake is a positive indication that he knew what he was talking about.
01:12Ayon sa PNP Forensic Group, 71 sample na ang kanilang nakukuha.
01:176 sa mga ito, hinihinalang mula sa tao.
01:19Talagang graveyard to eh.
01:21That's actually the graveyard within the lake.
01:24If you picture it in your mind, marami nakakalad dyan na remains sa lawa.
01:31Gamit ang underwater remotely operated vehicle, ipinakita ng Philippine Coast Guard kung gaano kaburak sa ilalim ng lawa.
01:39Kaya patuloy ang testing sa mga ROV para malaman ang tamang taas ng underwater drone mula sa lake bed para hindi nito mabulabog ang makapal na burak.
01:50Hindi lang ang kondisyon ng lawa ang hamon sa paghahanap, pati ang paminsan-minsang pag-alboroto ng bulkang Taal.
01:56Kanina, nagkaroon ng minor preatomagmatic eruption ang main crater ng bulkan na tumagal ng labindalawang minuto.
02:05Sabi ng FIVOLCS, ligtas naman sa buong lawa ng Taal.
02:09Ang ipinagbabawa lang ay ang pagpunta sa mismong volcano island.
02:13Kahapon, tatlong bangkay ang hinupay mula sa Public Cemetery ng Laurel, Batangas.
02:18Ayon kay Justice Secretary Remulia, ang mga pinahukay ay makatawang lumutang umuno sa Taal Lake noong 2020.
02:25Basis sa impormasyon nila, may tatlong nawala sa Lipa.
02:29Noong 2020, kabinang ang isang babae. Isa raw sa mga nahukay ang nakitang pusibling babae.
02:36Sabi ng si Pultorero, nang galing sa Dakulo Funeral Services, ang mga labing hinukay noon.
02:42Kwento ng manager ng punerarya, magkakaibang buwan pinakuha sa kanila ang mga katawan sa boundary ng Laurel, Calaca at Lemery, matapos iulat ang mga ito sa pulisya.
02:51Yun nga po sir, mga tapod lang po. Tapos may mga tama ng barel.
02:58Siyan po?
02:59Laging ulo.
03:00Tapos nakakali ang pa?
03:03Yung iba po, bulok na, wala po talaga. Tapos lagi po silang lahat yung nakabriplang.
03:09Nang wala raw kaanak na nag-claim sa mga katawan, nagpaalam na raw sila sa pulisya na ipaliping ang mga ito.
03:16Tumaging magpa-interview ang hepe ng pulisya dahil wala raw siya at otoridad na magsalita.
03:20Ang record naman ng Office of the Civil Registry ng Bayan na sira sa Baha, Bunsyon ng Bagyong Christine noong nakarang taon.
03:28Natunto namin ang sinasabing pinagkuhanan ng mga bangkay.
03:32Sabi ng isang residente, marami nang nakitang bangkay sa bangin.
03:36Mga tatlo-apat daw ang nakita niya noong 2021 hanggang 2022.
03:41Yung mga binabaril lang na parang nagpapintang mga adik.
03:45Tingin mo sa bungayro ba yun?
03:46Hindi po.
03:47Tinawag namang kasinungalingan ni dating NCR Police Chief Junel Estomo ang mga paratang sa kanya ni Pati Dongan.
03:55Nasangkot siya sa pagkawala ng mga sabungero.
03:57Dapat daw mag-public apology si Pati Dongan at bawiin daw dapat ito dahil kung hindi ay sasampahan niya ito ng reklamo.
04:05Inilabas ni Estomo ang sertifikasyon mula sa Pitmaster Foundation na nagsasabing hindi siya trustee o opisyal ng korporasyon at wala siyang kaugnayan sa business activities o operasyon nito.
04:20Ang Pitmaster Foundation ay charitable organization ng gaming company na Lucky 8 Star Quest na pagmamayari ni Atong Ang.
04:29Sagot naman ni Pati Dongan, bakit daw siya magpa-public apology gayong wala raw siyang kasalanan?
04:36Tanong pa niya sa ipinakitang sertifikasyon ni Estomo, bakit galing sa Pitmaster Foundation ang sertifikasyon?
04:42Dapat daw ay sa Lucky 8 ang gaming company na pagmamayari ni Ang.
04:47Hinihinga namin ang reaksyon dito si Ang.
04:49Ian Cruz, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
04:53Huwag magpahuli sa mga balitang dapat niyong malaman.
04:57Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube.

Recommended