00:00Naka-alerto na rin ang Command Center ng DSWD para bantayan na maapektuhan mga lugar ng bagyong krising para agad na makapaghatid ng tulong.
00:10Iyan ang ulat ni Noel Tanakay.
00:13Handa na ang Disaster Response Command Center ng Department of Social Welfare Development para sa monitoring ng mga lugar na tatamaan ng bagyong krising.
00:22Kasi hindi naman bagyo lang ang binabantayan natin. Mayat na may mga lindol, may pumuputok pang vulkan.
00:28Meron rin tayong maliliit na mga sakuna katulad yung mga sunog.
00:32Dito manggagaling ang mga ulat o mga update ng mga regional offices ng ahensya kaugnay sa epekto ng krising dahil dito mas mapapabilis ang paghatid ng tulong sa mga masasalanta ng bagyo.
00:44Para ma-match namin yung pangangailangan ng isang evacuation center sa pinakamalapit na warehouse natin na may available na goods.
00:52Nandito ako ngayon sa loob ng Disaster Response Command Center ng DSWD.
00:57At kung makikita nyo sa akin likuran, hands on deck na ang mga tao dito, ang kalimang mga tauhan para i-monitor ang mga lugar na tatamaan ng bagyong krising.
01:07Ayon sa DSWD, 24 hours na ang kanilang operation dito.
01:12Walang uwian to hanggang sa dumaan ng bagyo.
01:15Pero sisiguraduhin rin nila na yung kanilang mga stockpile ay in place at handang umagapay sa mga local government units.
01:22Ayon sa DSWD, nakapreposisyon na ang mga family food packs at non-food items sa Region 1, Region 2 at Cordillera, administrative region.
01:33Ready to deploy na sa mga local government units kung kakailanganin ng augmentation ng kanilang ayuda.
01:40Nagdeklara na rin ng red alert ang DSWD upang ma-activate ang response cluster ng ahensya para ma-monitor ang sitwasyon ng mga lugar na tatamaan ng krising.
01:51Kasunod dito ng pagdeklara ng red alert status ng National Disaster Risk Reduction and Management Council bunsood ng pagtama ng bagyong krising sa bansa.
02:00Noel Talakay para sa Pablasang TV sa Bagong Pilipinas.