Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • yesterday
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Nilapitan ang barko ng China ang mga barko ng Pilipinas sa gitna ng maritime exercise kasama ang mga barko ng Amerika sa West Philippine Sea.
00:10Nag-radio challenge din ang mga barko ng China.
00:14Saksi, si Chino Gaston.
00:19Sabay naglayang sa dagat na sakop ng Zambales ang mga barko ng Philippine Navy, US Navy at Philippine Coast Guard.
00:25Kabilang dyan, ang BRP Miguel Malvar, ang pinakabagong frigate ng Philippine Navy na binili mula South Korea.
00:33US destroyer na USS Curtis Wilbur naman ang dala ng US Navy.
00:38BRP Cabra at BRP Suluan naman ang ipinadala ng PCG.
00:43Pero bago ang mga pagsasanay, may mga namatang hindi namang kasali.
00:47Isang Jangkai-class frigate na may bow number 551 at Jangdao Corvette na may bow number 646 ng Chinese Navy.
00:56Kasama nila ang isang barko ng Chinese Coast Guard na may bow number 4203.
01:01Ayon sa Philippine Navy, lumapit ng hanggang 3 hanggang 4 na nautical miles sa mga Chinese warship sa BRP Malvar.
01:07Pero mga barko ng PCG ang mas dinikitan.
01:10Nagsagawa pa ng radio challenge ang mga Chinese pero hindi na umulit pa.
01:14Yung activity natin with the Philippine Coast Guard is very important because every time na mag-operate ang Coast Guard natin,
01:24we always support yung law enforcement activities ng Coast Guard.
01:28So we are here to show that the coordination and interferability with the Philippine Navy and Philippine Coast Guard
01:35to include yung partner nations natin is enhanced and improved.
01:40Dakong alauna ng hapon, sinimulan ang Division Tactics Exercise,
01:44isang pagsasanay kung saan iba't ibang formation sa paglalayag ang ginawa ng mga barko.
01:50Sa lahat ng maneuvers, nasa gitna ng formation ang dalawang parola-class vessel ng PCG.
01:54Mula sa flight deck ng BRP Malvar, lumipad naman ang Agusta Westland Helicopter para mag-obserba mula sa ere at kumuha ng litrato.
02:04Sa pagkakataong ito, dalawang barko ng Philippine Coast Guard ang nakilahok sa multilateral cooperative activity
02:10kasama ang mga barko ng US at Philippine Navy.
02:14Ito'y bilang paghahanda sa mga misyon sa hinaharap kung saan maaring kinakailangan silang samahan ng mga barkong pandigma.
02:22Ito na ang pangwalong maritime multilateral cooperative activity kasama ang mga kaalyadong bansa.
02:29Para sa GMA Integrated News, sino gasto ng inyong saksi?
02:32Pusibling sa Agosto pa simula ng Senate Impeachment Court ang paglilitis ni Vice President Sara Duterte.
02:47Ayon po yan kay Sen. Judge Joel Villanueva.
02:51Saksi, si Tina Pangaliban Perez.
02:52Kahit magbubukas na ang Kongreso sa July 28,
02:59Pusibling magpalipas pa ng isang linggo o sa August 4 bago masimula ng impeachment trial
03:05laban kay Vice President Sara Duterte.
03:08Ayon yan kay Sen. Judge Joel Villanueva.
03:11Once we were able to organize ourselves, naayos na yung leadership,
03:17probably yung mga committees, maka-elect ka na rin ng mga chairperson.
03:22At least give it two days, session days, maka-take ng oath yung mga bagong senator judges.
03:30Kinontra rin ni Villanueva ang iit ng House Preservation Panel na no choice ang Senado
03:35kundi mag-ditis at mag-desisyon sa trial.
03:38Pwede anya nilang i-bismiss ang complaint, depende sa kung may humiling at makumbinsi sila.
03:43How would I vote? It depends on what I have heard already.
03:47It depends on what I have gotten as a senator judge.
03:54Kasi kung hindi pa ako ready mag-decide, then I will vote against it.
03:59Kahapon ay inihainan ng Senado ang tugon nito sa utos ng Korte Suprema
04:03na bigyan ito ng dagdag na informasyon at dokumento
04:07para makapag-desisyon kung pagbitigyan ng hiling na ipatikilang impeachment.
04:11Ayon sa tagapagsalita ng Impeachment Court, ang posisyon na ipinaabot ng Senado
04:16ay hindi ito magbibigay ng mga hinihinging informasyon dahil Kamara ang nakakaalam ng mga ito.
04:23Sabi ng tagapagsalita ng House Prosecution Panel, magsusumita ito ng sagot bago matapos ang 10 araw na deadline.
04:31Sabi naman ni Akbayan Partylist Representative Chell Jokno na inaasahan magiging bahagi ng House Prosecution Panel.
04:38Kailangan mabalanse natin yung kapangyarihan ng Supreme Court.
04:43Nakalagay kasi sa konstitusyon natin, pagkan mag-convene ang ating Senate bilang impeachment court,
04:50sila lang ang may kapangyarihan sa...
04:53Itiniindi ng mga kongresista ang SWS survey kung saan 66% ng respondents
04:59ay nagsabing dapat saguti ni Vice President Duterte ang mga alagasyon sa kanya.
05:04Yung 66% na figure, malaki yun. Malinaw. Overwhelming majority yan.
05:12Sa pamamagitan lang ng impeachment trial, masesettle ito.
05:17Para sa GMA Integrated News, ako si Tina Panganipan Perez, ang inyong saksi.
05:22Ayaw po kay Vice President Sara Duterte, tinawag na preposterous o kalukohan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte
05:31ang tila pag-uugnay sa kanya ama sa isyo ng mga nawawalang sa bongero.
05:36Saksi, si Marisol Abduramaan.
05:38Ito raw ang naging reaksyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte
05:54nang sabihin sa kanya ni Vice President Sara Duterte
05:57na tila iniuugnay sa dating Pangulo ang issues and missing sa bongero.
06:02Kasunod ng pahayag na ito ni Justice Secretary Crispin Remulia.
06:05May mga taong parehong ilbog sa pagpatay ng tao sa drug war at sa East Africa.
06:12As far as we can trace right now, but we will have to establish clearer links to each other.
06:21Ang negosyanteng si Atong Ang ang itinuturo ng whistleblower na si Pati Dongan
06:26na mastermind sa pagpatay sa mga sabongero.
06:29Si Ang ay dating kleyente ni Attorney Ruth Castelo,
06:32na tagapagsalita na ngayon ng Office of the Vice President.
06:34Pero paglilinaw ni Castelo, matagal na siyang walang koneksyon kay Ang.
06:39Charlie Atong Ang was my client in 2007 for the crime of plunder.
06:46And then we went on probation.
06:49We succeeded in seeking for probation.
06:52And he was given a two-year period.
06:54In 2009, I just got him.
06:57I released him from the Bikutan where he stayed.
07:00As soon as he was released from Bikutan in 2009, that was the end of our lawyer-client relationship.
07:07Nasa The Hakes at the Netherlands ngayon si DP Sara para dalawin ang amang nakalitain sa International Criminal Court sa Kasong Crimes Against Humanity.
07:15Ang vice, nagpasalamat sa mga senador na nagsusulong ng interim release para sa kanyang ama.
07:21Kasama niya doon, ang kaalyalong si Senadora Aini Marcos.
07:25Nitong lunes lang, inihain ni Marcos ang tinawag niya ang President Rodrigo Duterte Act.
07:30Panukalang batas ito na nagbabawal sa mga extraordinary rendition o ang sapritang paglipat sa isang tao mula sa Pilipinas,
07:37pupunta sa ibang bansa ng walang court order.
07:41Parosang pagpakakulong ng hanggang 20 taon at muntang hanggang 10 milyong piso ang itinagdang parusa sa panukala.
07:48Kaugnay sa impeachment, handa naman daw ang vice na harapin ang kaso.
07:52Matapos dumamba sa resulta ng SWS na 66% ang Pilipino ang nagsabi na dapat harapin ito ang impeachment
08:00para masagot ang mga ligasyon nabans sa kanya.
08:03Ipinauubayan na raw ng OVP sa Korte Suprema ang usapin sa impeachment.
08:07Pero ayon sa takapagsalita ng OVP, mas mainam daw kung hindi na ito itutuloy.
08:13We'll be very lucky actually as a country because we'll save millions and millions of money on a trial that is technically defective from the beginning.
08:25Mas marami tayong kailangan na pagkagastahan kesa sa trial na matatechnical rin sa dulo.
08:31Ipanagmalaki naman ng OVP kanina ang mga accomplishments ng tanggapan.
08:35Kabilang ang libreng sakay na umaabot daw hanggang Tacloban City, lugar ni speaker at later representative Martin Romualdez.
08:42In Tacloban in particular, the Office of the Vice President really needs to provide the help because we have been consistently asked.
08:52Naghihingi ang mga tao sa Office of the Vice President.
08:55Sinabi rin ni Castelo na ang hindi pagbibigay ng pondo para sa mga proyekto ng OVP at ang hindi pagsuporta sa BISE ay the service sa bansa.
09:04Tugo nito ng OVP sa sinasabing spare pair lang ang BISE.
09:07We need a Vice President who is always ready to assume.
09:12The services that are now being delivered by the Vice President through her office is a way of preparing herself just in case anything happens from now until 2028.
09:23And keeping her out of the loop, whoever the Vice President is, keeping her out of the loop or not being able to provide funds for her projects and programs,
09:36not being able to support the Vice President is a great disservice to the country.
09:40Para sa GMA Integrated News, ako si Marisol Abduraman, ang inyong saksi.
09:46Scholar ng bayang patuloy na lumalaban.
09:57Ganyan po ang ipinakitang fighting spirit ng isang fresh graduate na sa kabila ng pagkakaroon ng brain tumor ay nagtapos ng suma cum laude sa UP Diliman.
10:08Narito ang kanyang kwentong success!
10:11Sa bawat hakbang niya patungo sa entablado, bitbit ni Crystal Joy Swin hindi lang ang pangarap, kundi lakas ng loob.
10:23Sa likod kasi ng matamis ng ngiti, may isa pa siyang laba na hindi basta-basta.
10:28Bagong graduate ng BS Geodetic Engineering sa University of the Philippines Diliman si Crystal Joy.
10:34Hindi lang nagtapos bilang suma cum laude, nagtagumpay rin sa personal na laban, ang buhay na may brain tumor.
10:43Noong November 2024, na-diagnose si Crystal ng isang uri ng tumor sa utak.
10:48Pago ang official diagnosis, isang taon siyang dumaranas ng matinding sakit ng ulo.
10:54Out of nowhere po, sumakit na yung buong mukha ko talaga na to.
10:58Tapos kasama po yung ngipin, naiyak na po talaga, nilalagnat na po ka sa sakit.
11:02Tapos po, yung mata ko, talagang nagkaroon na ng, nag-drop na po siya, bumagsak na.
11:09So may physical manifestation.
11:11Nilalabanan ng sakit habang tinatapos ang college degree.
11:15Malayo sa pamilya at kapos sa pera.
11:18Inako ni Crystal ang lahat mag-isa.
11:21Hanggang sa may mga dumating para damayan siya.
11:24Mula sa mga profesor, kaibigan sa church community at di kakilala.
11:29Sobrang overwhelmed po ako na ang dami pong mabubuting loob na kahit hindi ko po kakilala.
11:35Isa din po yun sa mga dahilan kung bakit sinikap ko po talaga na makapagtapos ng may honor, may Latin honors.
11:42Kasi nakita ko po yung supporta ng community sa akin.
11:46Yung community ko po kasi dito sa UPI, yung church po, sobrang nalapit po talaga ako kay God kasi naniniwala po ko na lahat po nung blessings na natatanggap ko galing po talaga sa kanya.
12:01Ang kanyang graduation speech, nagsilbing isang inspirasyon.
12:06Hindi pa siya naooperahan pero sa huling MRI, nakita raw na unti-unting lumiliit ang tumor.
12:13Sa ngayon, patuloy raw ang gamutan.
12:16Pero paniniwala ni Crystal, hindi lang ito dahil sa siyensya, kundi dahil sa Diyos.
12:21Sobrang naiyak din po ako nung timeline kasi parang hindi po ako makapaniwala na from kinakailangan na mag-surgery, tapos malaman na lumiliit yung tumor.
12:33Tapos napansin ko din po na babawasan din po yung sakit ng ulo.
12:38Pero isa din po kasi sa ginawa ko nun, lifestyle change din po talaga.
12:43Pero maaari pa rin siyang sumailalim sa radiation therapy.
12:47Para kay Crystal, ang pagtatapos ay simula ng isang mission.
12:50Hindi lang mag-disenyo ng mga solusyon sa mundo, kundi pagalingin ang mga sistema ang nangangailangan ng kabutihan.
12:58Para sa GMA Integrated News, ako si Jamie Santos, ang inyong saksi.
13:04Nadagdagan pa ang mga nasira sa Liwliwa Beach sa Zambales dahil po sa coastal erosion.
13:11Ang sa Mines and Geosciences Bureau, hindi dredging ang sanhinito dahil noon pa man daw ay hindi na dapat nagtayo ng maistruktura.
13:19Saksi, si Oscar Oida.
13:25Kung kahapon nagbabadya palang tumumba ng makuna namin ang nakataling istrukturan ito sa may barangay Liwliwa, San Felipe, Zambales.
13:34Kaninang umaga, tuluyan itong napatumba ng nangangalit na alon.
13:45Kasabay nito, ang tuluyang pagbagsak ng pag-asa ng resort manager na si Gladys.
13:52Dalawa na kasi sa minamando niyang resort sa lugar, ang na-wash out ng alon.
13:57Lalo ako po, may anak po akong grade 10, may grade 5, and nasa SPED, nasa bayan na nag-aaral.
14:03Kasi kami, tiga-baryo pa po kami. Malayo po ang baryo sa bayan.
14:07So yung panggastos namin araw-araw, dito lang namin yung kinukuha po.
14:12Kaya napakalaki yung nawala sa amin ngayon.
14:16Sa ngayon, umaasa lang daw sila sa kung anumang mayaabot sa kanila ng may-ari ng resort.
14:22Kanina, namataan namin ang mga tauha ng Mines and Geosciences Bureau at PNP Maritime Unit
14:28na nagsasagawa ng pag-aaral sa lugar at kung ligdas pa ba itong puntahan ng mga turista.
14:35Para din po sa, masabihan po ramin yung mga ibang mga pupunta na siguro sa part na dito,
14:45medyo hindi pa siya po pwedeng paliguan. Para doon na rin sa safety ng mga turista na dadada pupunta rito.
14:51Ang sinisisi ng ilang mga tag-resort sa nangyari ay ang anilay patuloy na isinasaguang dredging sa lugar.
14:58Nakunan nga ng GM Integrated News ang sinasabing dredging sa may Santo Tomas River.
15:03However, ayon sa mayor ng munisipalidad, malaking tulong ang dredging para maibsa ng pagbaha sa kanilang lugar,
15:11lalo't heavily silted na ang kanilang ilog.
15:14Ang bayan ng baha parati eh. Binabahan na kami dito yung river.
15:19Kasi if you will go to the upstream side, I think 20-30 meters higher yung riverbed than the land side.
15:28So, you see, lahat ng tubig sa bundok. Bago dadaan doon, dadaan mo na rito.
15:35Ayon naman sa Mines and Geosciences Bureau, hindi umano dredging ang sanhinang coastal erosyon sa lugar.
15:42Meron lang mong coastal erosyon, di ko dredging.
15:46So therefore, by situation analysis, hindi mo dredging ang big-on dredging niya.
15:52Sabi ng MGB, malaking bahagi ng baybayin sa ilang bayan sa Zambales ay bahagi noon ng dagat bago pumutok ang vulkang pinatubo noong 1991.
16:03Noong pumutok si Pinatubo, 7 billion cubic meters po ang iluwa ng vulkan.
16:10Ito nung pumunta yun, ano?
16:11Either tangulan ang mga lantang slopes ng vulkan o pumunta ng dagat.
16:18Matter of fact, we have the shoreline 1 kilometer to the east ng ating shoreline ngayon.
16:25So ang abante sa San Felipe and San Narciso is 1 kilometer from the 1977 shoreline.
16:32Kaya nga raw itinuturi nga unclassified land ang naturang lugar.
16:37Ang ating mga resorts dyan are standing on unclassified public land.
16:44Akresyon po yan, so walang titulo yan.
16:47Dapat hindi yan nilagyan ng pindihin kasi sa ating building ko.
16:52Eh dapat titulo ka bago ka pagpatikyan ng building,
16:57permit, saka ng electrical and water issues at the material instrumento.
17:03Ang mga diyan are, hindi bigyan pa na siya titigin.
17:07Para sa GMA Integrated News, ako si Oscar Oydang, inyong saksi!
17:11Kinumpirma ni Sen. Bamaquino na kumikiling sila ni Sen. Kiko Pangilinan na sumali sa Senate Majority Block.
17:20Pero mananatilian niya siyang independent.
17:23Saksi, si Maki Polido.
17:25Ilang linggo ng maugong na usap-usapan na sa halip na samahan sa minorya ng Senado,
17:33ang kaalyadong si Sen. Arisa Ontiveros.
17:36Sa mayorya a anib si na Sen. Kiko Pangilinan at Bamaquino.
17:40Sa kanyang programa sa radyo, pagkumpirma ni Aquino,
17:43kumikiling sila ni Pangilinan sa pag-anib sa mayorya.
17:46Ang dahilan, para makuha mga nais nilang kumite sa Senado,
17:50Senate Committee on Education ang kumite ang gustong makuha ni Aquino,
17:53Committee on Agriculture naman ang target anya ni Pangilinan.
17:57Sa Senado, otomatikong magiging miyembro ng mayorya ang mga buboto sa mananalong Senate President,
18:02kahit pagaling sila sa magkakaibang partido at kahit kontra pa sa administrasyon.
18:07Minorya naman ang tawag sa mga buboto sa matatalo sa pagka-Senate President.
18:11Pero mabilis na sabi niya Aquino, kahit pa mapunta siya sa mayorya,
18:15mananatili siyang independent at kaalyado ng Liberal Party at Akbayan
18:19at hindi pa rin pro-Marcos o pro-Duterte.
18:22Sa ipinadalang text message, sabi naman ni Pangilinan,
18:26sa July 28 na lang siya magbibigay ng pahayag kung kailan mas malinaw na ang mga bagay.
18:31Pero sa isang Facebook post, sinabi ni Pangilinan na naiintindihan daw niya
18:35ang agam-agam sakaling makianib siya sa mga hindi nila kapareho ng prinsipyo.
18:40Sana raw ay maunawaan din siya na may ipinangako rin siya noong eleksyon
18:44para mapababa ang presyo ng pagkain at iba pang bilihin.
18:47Ito raw at hindi pang sariling interes ang basihan ng magiging pa siya kung sa minorya o sa mayorya siya a anid.
18:55Kung matatandaan, matapos ang eleksyon ay inalok ni Sen. Arisa Ontiveros,
18:59sinapangilinan at Aquino na bumuo ng independent bloc.
19:03Pero sabi niya ngayon, walang samaan ng loob kahit hindi na ito mabuo.
19:07Bukas na rin siyang suportahan ang veterans bloc na binubuo ni dating Sen. President Migs Subiri
19:12kung palalakasin itong oposisyon para sa 2028 elections.
19:17Otomatikong minorya sila kung mas konti ang botong makuha ng susuportahan nila
19:21sa pagka-Senate President na si Tito Soto.
19:24Ano man ang maging desisyon ng bawat isa sa amin,
19:27magdatrabaho kami, magkasama sa mga pare-parehong adbukasya namin,
19:33plus yung mga kapartido namin sa House of Representatives
19:37ay nagbubuo na inuwi ng isang multi-party caucus.
19:44Para sa GMA Integrated News, ako si Maki Pulido, ang inyong saksi.

Recommended