Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • yesterday
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Kinumpirma ni Sen. Bamaquino na kumikiling sila ni Sen. Kiko Pangilinan na sumali sa Senate Majority Block.
00:08Pero mananatilian niya siyang independent.
00:11Saksi, si Maki Polido.
00:16Ilang linggo ng maugong na usap-usapan na sa halip na samahan sa minorya ng Senado
00:21ang kaalyadong si Sen. Arisa Ontiveros sa mayorya a anib sinasenador Kiko Pangilinan at Bamaquino.
00:27Sa kanyang programa sa radyo, pagkumpirma ni Aquino, kumikiling sila ni Pangilinan sa pag-anib sa mayorya.
00:34Ang dahilan, para makuha mga nais nilang kumite sa Senado.
00:38Senate Committee on Education ang kumite ang gustong makuha ni Aquino.
00:41Committee on Agriculture naman ang target anya ni Pangilinan.
00:44Sa Senado, otomatikong magiging miyembro ng mayorya ang mga bobotos sa mananalong Senate President
00:50kahit pagaling sila sa magkakaibang partido at kahit kontrapas sa administrasyon.
00:54Minorya naman ang tawag sa mga bobotos sa matatalo sa pagka-Senate President.
00:59Pero mabilis na sabi ni Aquino, kahit pa mapunta siya sa mayorya,
01:03mananatili siyang independent at kaalyado ng Liberal Party at Akbayan
01:07at hindi pa rin pro-Marcos o pro-Duterte.
01:10Sa ipinadalang text message, sabi naman ni Pangilinan,
01:13sa July 28 na lang siya magbibigay ng pahayag kung kailan mas malinaw na ang mga bagay.
01:18Pero sa isang Facebook post, sinabi ni Pangilinan na naiintindihan daw niya
01:23ang agam-agam sakaling makianib siya sa mga hindi nila kapareho ng prinsipyo.
01:28Sana raw ay maunawaan din siya na may ipinangako rin siya noong eleksyon
01:32para mapababang presyo ng pagkain at iba pang bilihin.
01:36Ito raw at hindi pang sariling interes ang basihan ng magiging pa siya
01:39kung sa minorya o sa mayorya siya aanib.
01:42Kung matatandaan, matapos ang eleksyon ay inalok ni Senadora Risa Ontiveros,
01:46si Napangilinan at Aquino na bumuo ng independent bloc.
01:51Pero sabi niya ngayon, walang samaan ng loob kahit hindi na ito mabuo.
01:55Bukas na rin siyang suportahan ang veterans bloc na binubuo ni dating
01:58Senate President Migs Subiri kung palalakasin itong oposisyon para sa 2028 elections.
02:05Otomatikong minorya sila kung mas konti ang botong makuha
02:08ng susuportahan nila sa pagka-Senate President na si Tito Soto.
02:12Ano man ang maging desisyon ng bawat isa sa amin,
02:15magtatrabaho kami, magkasama sa mga pare-parehong adbukasya namin.
02:21Plus, yung mga kapartido namin sa House of Representatives
02:25ay nagbubuo na inuwi ng isang multi-party caucus.
02:31Para sa GMA Integrated News, ako si Maki Pulido, ang inyong saksi.
02:37Mga kapuso, maging una sa saksi.
02:40Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.

Recommended