Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Tila nanumbalik ang takot ng mga taga-Pililla, Rizal sa Bagyong Ondoy nang magkasunod na nanalasa ang Bagyong Carina at Enteng noong nakaraang taon. Hindi nakaligtas sa bagsik ng mga bagyo ang ating Kapuso Classrooms. Kaya bilang tulong sa mga mag-aaral, ipinaayos natin ang pitong silid-aralan sa Virgilio Melendres Memorial Elementary School.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00It's like the fear of the Rizal in the Bagyong Ondoy.
00:09It's been a long time for the Bagyong Karina at Enteng.
00:15It's not a long time for our classrooms.
00:20Kaya bilang tulong sa mga mag-aaral, ipinaayos natin ang pitong silid-aralan sa Virgilio Melendrez Memorial Elementary School.
00:33Sa biglang pumasok ang incoming kinder student na si Gray.
00:39Bukod sa magkakaroon daw siya ng mga bagong kaibigan, bago rin ang kanyang magiging silid-aralan.
00:46Pinasinayaan na kasi natin ang bagong Rehabilitated Kapuso Classrooms sa Virgilio Melendrez B. Memorial Elementary School sa Pililya sa Rizal.
00:57Tuwang-tuwa na siya na makapasok sa malaking school at magagamit niya pa yung GMA.
01:022010, nang unang magpatayo ang GMA Kapuso Foundation ng pitong Kapuso Classrooms sa naturang eskwelaan.
01:11Sinalanta kasi ito noon ng Bagyong Ondoy.
01:13Pero makalipas ng mahigit isang dekada, muli itong napinsala ng mga nagdaang bagyo.
01:21Nasira ang mga pader, pinasok ng baha ang mga silid-aralan at nabalot ng putik ang mga libro.
01:28Kaya muli natin itong pinaayos.
01:31Mas pinaganda, mas pinatibay pa natin ang mga silid-aralan.
01:35Pinuhusan natin yung koridor sa likod at the same time nilagyan natin ang kanal para yung tubig madivert siya.
01:45Hindi papunta sa classroom, papunta na siya palabas dito sa school.
01:50Bukod sa bagong silid, bago rin ang kanilang armchair, bago rin ang teacher's desk at may smart TV pa.
01:58Sana, ganahan sila mag-aaral. Kasi sa pamamagitan ng pag-aaral ng mabuti, dyan tayo aahon sa kahirapan.
02:07At kaagapay ninyo ang GMA Kapuso Foundation at ang mga donors at sponsors nito.
02:13Namahagi rin tayo ng bigas at pagkain para sa mga mag-aaral.
02:17Nakisaya rin ang GMA Kapuso Foundation Advocate na si Patricia Tumula.
02:22Masaya ako na maging parte nga ng mission na ito that supports the Advocacy for Education.
02:27At sa mga nais makiisa sa aming mga proyekto, maaari po kayo magdeposito sa aming mga bank account o magpadala sa Cebuana Luolier.
02:37Pwede rin online via Gcash, Shopee, Lazada at Globe Rewards.

Recommended