Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 7/15/2025
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00PNP Forensic Group
00:30At 8 o'clock, Ibinaba na sa Taal Lake ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard ang Remotely Operated Vehicle o ROV.
00:39Matinkad na dilaw ang kulay ng ROV pero ilang talampakan pa lang, halos hindi na ito makita.
00:46Matapos ang ilang adjustment, tuluyan ang pumailalim ang ROV para simulan ang evaluation at assessment dive.
00:55Ayon sa PCG, gusto nilang matiyak kung gaano ka-efektibang ROV sa kondisyon ng Taal Lake na lubhang maburak.
01:03Dahil gumagamit ito ng maliliit na thrusters, madaling mabulabog ang burak na posibleng lalong magpalabo sa tubig.
01:10Nakatatlong dive ang ROV sa kabila ng pagsama ng panahon.
01:14Ang ROV na ito kayang sumisid hanggang sanlibong talampakan o singtas ng Eiffel Tower sa France
01:21at pwedeng tumagal ng ilang oras sa ilalim ng tubig.
01:26Inaasa ang makatutulong sa paghahanap sa mga nawawalang sabongero.
01:30Apat na team ng forensic group ng PNP ang nakabantay sa Taal Lake.
01:35Mananatili raw sila roon hanggat kailangan dahil sa kanila nililipat
01:38ang responsibilidad sa mga nare-recover na ebidensya sa oras na maiahon ng PCG.
01:44Kaya nga metodical yung ginagawa namin, systematic, at nakarecord po lahat, video,
01:51saka sinusulat o nare-record po lahat ng aming mga forensic team.
01:57Hawak na ng forensic group ng PNP sa Kamkrami ang mahigis 70 buto mula sa Taal Lake.
02:03Isa sa mga buto ay may habang walong pulgada.
02:05Sa itsura at istruktura, ipinapalagay ng PNP forensic group na buto ito mula sa balakang ng isang tao.
02:12Hip bone po. Bakit ko na sabi ng hip bone po?
02:15Kasi andun yung mga structures na qualified na hip bone, yung andun yung iliac crest niya,
02:21andun yung obturator, kurang may nag-indicate na sa partner siya talaga ng hip bone.
02:26Posible rin anyang mula sa isang tao lang ang na-turnover ng mga buto.
02:31Ang itsura niya, parang it can't appear that it belongs to one person kasi may dalawang hip bone,
02:37tapos andun yung sacral bone niya, tapos mayroon din yung lumbar bone.
02:42Not possible na isang.
02:44Mahaba pa ang proseso na pagdaraanan ng mga buto bago makuha na ng DNA profile.
02:50Sa ngayon ay pinatutuyo muna ito, lalo't matagal na nababad sa Taal Lake.
02:54Sa machine po na yan, i-extract yung DNA mula dun sa buto na nakuha nga po doon sa Taal Lake.
03:01At pag nakuha na yung DNA, dito naman po yan dadalhin sa laboratory na ito, nandyan po ang genetic analyzer.
03:08Yan po ang maglalabas ng iba't ibang informasyon na galing doon sa buto.
03:14Yan naman po ang informasyon na makukuha sa buto ay ikocrossmatch doon sa mga informasyon na nakuha naman sa mga kaanat ng biktima.
03:23Hamon din sa pagkuhan ng DNA, ang pagkatabad sa tubig na may sulfur dala sa pagputok ng vulkan.
03:29May chance naman po, makakakuha pa rin po kami.
03:33Regardless po, ang pangako po namin is we will do our best po para makapag-generate kami ng DNA profile.
03:40Tutalaan nila, buong katawan ay may mahuhugot na DNA.
03:44Hindi katulad ng fingerprint, dito lang po sa mga daliri o sa DNA.
03:50Lahat po yan yung pati ng katawan ng tao.
03:53Pati libag mo, pati...
03:54...sa skin.
03:57Sa ngayon, labing walong kaanak ng mga nawawalang sabongero ang nakuhanan ng DNA para ikumpara sa DNA sa mga buto.
04:05Emosyonal lang ilan sa kanila mula ng kuhanan ng DNA sample nitong biyernes hanggang kanina.
04:11Naisip ko po yung kung totoong ginawa, noong hirap na pinagdaanan ng anak ko.
04:16Sabi po namin sa isa't isa, isa lang na may magmatch sa amin, kahit hindi po ako, kahit hindi po siya.
04:22Basta isa lang po sa amin. Pustisya na po talaga yun eh. Kasi ibig sabihin po nun, lahat ng sinabi ni Totoy, totoo.
04:29Sa kamara, may inihain ng resolusyon para imbisigahan ang kaso ng mising sabongeros.
04:34Nakasaad din sa resolusyon ang pagbuhay sa Quadcom na binuo noong 19th Congress para pangunahan ang imbisigasyon.
04:42Para sa GMA Integrated News, ako sa Ian Cruz, ang inyong saksi.
04:48Mga kapuso, maging una sa saksi.
04:50Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.
04:59Mga kapuso, maging, balita.

Recommended