00:00Samantala, ilang motorista humabol sa mga gasolinahan bago ang pagpatupad ng taas presyo sa produktong petrolyo.
00:06Si Christian Bascona sa Report Live. Christian?
00:12Yes, Diane, tama ka.
00:14Dapat maghanda ng mga motorista sa muling pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo simula ngayong araw, July 15, 2025.
00:22Kanina nga ay maraming mga motorista ang nagabang at pumunta na sa mga gasolinahan para magpakarga o maagang magpakarga simula kaninang madaling araw para hindi maabutan ng pagpatupad ng naturang taas presyo.
00:41Inanunsyon ng ilang kumpanya ng langis na ang dagdag presyo nitong lunes kasunod ng dalawang magkasunod na linggo ng rollback.
00:48Ayon sa mga hiwalay na abisong mula sa Flying V, Petron, Sea Oil at Shell, Pilipinas.
00:55Magtataas sila ng 70 centimos bawat litro ng kasolina, piso at 40 centimos naman sa diesel at 80 centimos naman sa kada litro ng kerosene.
01:04Samantala, parehong ang pagtaas naman ang ipapatupad ng clean fuel, petrogas at PTT Philippines maliban sa kerosene na hindi nila ibinibenta.
01:14Ang Chevron, Philippines o Caltex ay magpapatupad din ng pagtaas na 35 centimos sa gasolina, 70 centimos sa diesel at 50 centimos naman sa kada litro ng kerosene.
01:26Daun na na rin silang magtaas noong Webes, July 10, salagang 25 centimos o 25 centimos sa kada litro ng gasolina, 50 centimos sa diesel at 30 centimos naman sa kerosene.
01:38Ang pagbabagong nito ay efektivo simula alas 6 kaninang umaga maliban sa clean fuel na magpapatupad ng pagtaas na mamaya alas 4 ng hapon.
01:49Ayon sa Department of Energy o DOE, ang paggalaw ng presyo ng langis sa world market ang dahilan sa taas presyo sa Pilipinas.
01:57Inaasaan na rin nito ng mga retailer dahil sa malakas na demand at mas mababang produksyon ng langis sa Estados Unidos.
02:04Ito ay kabaliktara naman sa price rollback na naitalaan itong nakaraang linggo na nasa 70 centimos sa kada litro ng gasolina, 10 centimos naman sa diesel at 80 centimos sa kada litro ng kerosene.
02:19Alam mo na yan, hindi pa naman nasisiguro kung hanggang sa susunod na linggo ba magpapatuloy ang pagtaas ng presyo sa produktong petrolyo.
02:28Pero marami ng ginagawang hagbang ang pamahalaan sa pangungunan ng Department of Energy para lang sa ngayon ay maibsa naman kahit papaano ang sakit sa bulsa na dulod nito sa lahat ng mga motorista.
02:41Samantala, paalala lamang po sa lahat ng mga motorista na sa ang kalagayan ng panahon ngayon dito ay umaliwalas naman na sa mga oras na ito.
02:49Pero kailangan pa rin po natin magdala ng panangga sa ulan dahil di natin inaasahan ang pagbabago ng panahon sa anumang oras.