00:00Samantala, mas dumami pa ang lokal na pamahalaang naglunsad ng Paleng QRPH Plus o paggamit po ng QR Code sa pamamalengke at transportasyon.
00:09Yan ang ulat ni Floyd Brands.
00:13Hindi na kailangan magdala ng cash sa susunod, kahit sa palengke o tricycle, dahil sa isang pindot na lang ay bayaran.
00:21Ayon sa DILG, nasa 180 na lokal na pamahalaan sa buong bansa ang opisyal ng bahagi ng Paleng QRPH program katuwang ang Banko Sentral ng Pilipinas para isulong ang mas ligtas, mas mabilis at mas inklusibo cashless transactions.
00:40Mula Luzon, Visayas, Mindanao hanggang NCR, patok na patok ang paggamit ng QR codes sa mga pampublikong pamilihan at transportasyon.
00:50Mismong si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang nag-ata sa proyektong ito bilang hakbang sa digital bayanihan para sa mas inklusibong kaunlaran sa grassroots level.
01:01Batay sa DILG BSP Joint Memorandum Circular No. 1, 2022, hinikayat ang lahat ng LGUs na magpatupad ng mga lokal na polisiya, ordinansya at inisiyatibo para maisakatuparan ang paggamit ng digital payments sa kanilang nasasakupan.
01:18Bahagi ito ng National Strategy for Financial Inclusion 2022 hanggang 2028 na layuning bigyan ng pantay na akses sa pondo, teknolohiya at kaalaman ang bawat Pilipino.
01:32Hindi lang ito teknolohiya, ito ay pagbabago sa takbo ng pamumuhay.
01:37Sa Paleng QRPH, nagkakaroon ng pagkakataon ang maliliit na negosyante na makapasok sa digital economy habang naiibsan din ang panganib ng hawak-hawak na pera.
01:47Pwede nang gamitin pambayad ang QRPH app sa piling pamilihan gaya ng sari-sari stores at mga public transport tulad ng tricycle.
01:57Patuloy naman ang DILG at BSP sa pag-alalay sa mga LGU para sa onboarding, financial security at system setup hanggang sa lahat ng sulok ng Pilipinas ay maging digital na rin ang galawan.
02:11Lloyd Brenz para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.