Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 7/10/2025
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Si Sisid sa mas malalim na bahagi ng Taal Lake ang technical divers
00:04sa patuloy na paghanap sa mga labi ng mga nawawalang sabongero.
00:08Live mula sa Laurel, Batangas, may inong balita si Chino Gaston.
00:11Chino!
00:16Igan, ngayong umaga, sisimulan ng mga technical divers ng Philippine Coast Guard
00:22ang mas malalim na pagsisid sa isang parte ng Taal Lake,
00:26katapat ng bayan ng Laurel, Batangas.
00:28Ito na ang pangalawang araw ng paghahanap ng PCG sa mga labi ng mga missing sabongero
00:34kung saan kahapon, isang sako nga ng mga buto ang nahanap malapit sa pampang ng lawa.
00:40Isang sako ng puno ng buto ang nahanap ng mga taga Coast Guard kahapon sa search area sa lawa
00:46na itinuro ng whistleblower na si Alias Totoy.
00:49Nangingitim na ang mga nasabing buto na hindi patiya kung galing sa tao.
00:53Dinala na sa PNP Scene of the Crime Operatives ng Batangas Provincial Police Office
00:57sa mga buto para masuri.
00:59Sa paunang survey dive kahapon, tinignan na mga diver ang kondisyon ng lawa,
01:03ang lalim at ang maburak na lakebed.
01:06Sa taya ng PCG, aabot sa 30 hanggang 50 meters ang lalim ng search area
01:11na kinakailangan ang paggamit ng mixed gases para ligtas na masisid.
01:15Wala pang takdang haba ng panahon ang gagawing paghahanap sa lawa.
01:19Ayon sa DOJ, pinakamalaking lead nila ang impormasyon na itinapon sa Taal Lake
01:24ang mga labi ng nawawalang sabongero.
01:27Magpapatuloy raw ang paghahanap hanggang matiyak kung talagang naroon o kung wala roon ang mga labi.
01:33Humihingi na o humingi na ng tulong ang DOJ sa Japanese government
01:36para sa mga remotely operated vehicles o ROV na makakapaglikha ng mapa ng lakebed.
01:43Igan, ayon sa DOJ, bagamat importante na mahanap nga ang mga labi ng mga nawawalang sabongero,
01:49hindi naman daw ito hadlang para makonvict ang mga suspects sa mga murder cases
01:54hanggat merong ibang ebidensya magpapatunay na may taong namatay at may taong pumatay dito.
02:00At yan ang latest mula rito sa Laurel Batangas. Balik sa inyo, Igan.
02:03Chino, kamo sa lagay ng panahon dyan ngayon?
02:09Well, sa ngayon, Igan, medyo makulimlim ang panahon.
02:13Sinasabi na nga ng mga taga-Philippine Coast Guard na medyo challenge
02:17yung maalon na karagatan o yung maalon na lawa
02:20at maging yung pag-uulan na maaring o palaging nagaganap tuwing hapon sa mga panahon ito.
02:29Ano balita doon sa nakuhang buto, doon sa may sako dyan?
02:33Ito ba'y malapit doon sa area na sisisirin o malayo-layo?
02:42Sa intindi natin, Igan, pasok siya doon sa search area na na siya nahanap ng mga divers ng Philippine Coast Guard.
02:51Pero ang ating pagkakaintindi din, hindi ito sa malalim na parte ng lawa.
02:56Sa video nga na ipinadala ng Department of Justice, makikita na parang hatak-hatak lang yung sako malapit sa dalampasiga.
03:04So ang tingin nga, ayaw pa nga, hindi nga inanunsyo una ng DOJ na may nahanap na mga buto
03:10dahil ayon sa mga sources natin sa PCG at maging sa DOJ ay kailangan mo nang makumpirma kung tao nga ba ang pinagmulan ng mga nakitang mga labi.
03:21Okay, yung mga residente civilian dyan, pinapayaga bang manood sa operasyon o nakakurdon?
03:26May ikpid ba siguridad, sino?
03:28Alam mo, hindi pa natin napupuntahan yung mismong search site.
03:35Kung titignan nyo sa aking likuran, kita natin yung vulkan.
03:39Medyo malayo pa po dyan, bandang kanan.
03:43Ay doon yung search area at ang intindi natin, nakakurdon ito,
03:46hindi pwedeng lapitan ng mga civilian at maging mga tauhan o personnel ng media.
03:51So ang sinabi, kailangan ikurdon para hindi makontaminate yung lugar
03:55at hindi rin malagay sa panganib yung mga sumisisid na divers doon sa baba.
03:59Maraming salamat, Chino Gaston. Ingat!

Recommended