Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 5 days ago
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00PINDOT DITO PINDOT DOON
00:30Pagkago po ako sa CR, doon po ako naglalaro, tapos pag natatalo po ako, mainit po ang ulo ko.
00:35At may mga nagkakautang na.
00:37Kapag dumating na yung sahod, itataya ko pa rin siya eh, na parang kahit may kailangang bayaran, iririsk ko pa rin yung pera.
00:48Ang mga ganitong kwento ang gustong alisin ng ilang mambabatas.
00:51Kaya ang panukala nila, total ban o yung tuluyang pagbabawal ng pagsusugal online.
00:56Hindi na po ito basta regulation, total ban na po ito.
01:01Para tuluyan na natin matigil ang online gambling na umuubos ng pera ng ating mga kababayan mula sa iba't ibang sektor.
01:10And similar to how we banned Isabong, similar how we banned Pogo.
01:19Tinanong namin ang mga kapuso online, pabor ba kayong i-ban ang online gambling?
01:24Marami ang sumangayon sa ban.
01:26Sabi ng isa, too accessible o masyado na raw madaling i-access ang online gambling kahit nasa bahay lang.
01:32Sana raw ay hindi ito maging pangkaraniwan sa kulturang Pilipino.
01:36Sabi ng isa pa, patiro mga estudyante ay nakakapaglaro at maagang nasisira ang buhay.
01:42Kawawa naman daw ang mga magulang na nagpapakahirap na magpaaral.
01:45Pabor din ang isa pa sa online gambling ban.
01:48Sana raw ay timbangin ang gobyerno ang epekto nito sa mga Pilipino kumpara sa kitang nakukuha mula rito.
01:54Ayon sa isa pang netizen, ang online gambling ay maaaring magkaroon ng masamang epekto sa mental health ng isang tao,
02:01bukod pa sa pinansyal na katayuan niya sa buhay at relasyon sa ibang tao.
02:05May mga nagsabing sana raw ay tanggalin na rin ito sa mga online payment app.
02:09Pero sabi ng isang netizen, hindi kakayanin ang total ban dahil may mga dayuhang gambling website din
02:15at maaari raw makagawa ng paraan ng ilang Pinoy para makakuha pa rin ang akses sa mga ito.
02:21Ganoon din ang sentimiento ng isa pang netizen.
02:24Aniya, posibleng maging iligal na lang ang pamamaraan ng ilan at mas mahirap ikontrol.
02:29Kung legal daw, pwedeng i-regulate.
02:31Ang tatlong mamabatas ng akbayan party list, inihain ang House Bill 1351 o Contra-ISUGAL Act
02:37na layong limitahan ang akses sa online gambling.
02:40Bukod sa paghihigpit sa kung sino ang maaaring maglaro at pagkakaroon ng player protection,
02:45lilimitahan nito ang pagpromote ng online gambling
02:47at kikilalanin ang gambling disorder bilang isang public health condition.
02:52I appeal to the President, Mr. President, let's do something about this.
02:56Kung hindi po niya munang ilalabas ang outright ban katulad na ginawa niya po sa Pogo,
03:01pwede po niyang banggitin na I would like to instruct the different agencies of government
03:07to make a study on the social ills and the social effects of online gambling
03:15and at the same time we will await the report of Congress and the Senate
03:19on the investigations in aid of legislation against online gambling or regulating online gambling.
03:29Ayon sa palasyo, nakikinig ang Pangulo sa iba't ibang mungkahi.
03:33Gusto natin limitahan ang itong klaseng mga pagsasugal at mabawasan mga gumon sa sugal.
03:40At ito po ay para sa taong bayan at ang lahat ng pwedeng suggestion at maaaring batas
03:45para ito ay masawata, hindi na po yan tututulan ng ating Pangulo.
03:49Para sa GMA Integrated News, ako si Mav Gonzalez, ang inyong saksi.

Recommended