00:00All systems go na ang NCRPO para sa ika-apat na State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcus Jr.
00:08Sa program ng bagong Pilipinas ngayon, sinabi ni NCRPO spokesperson, Police Major Hazel Asilo, na nakalatag na ang security plan para sa SONA.
00:17Kabilang na dito ang mga simulation exercise o CIMEX.
00:21Layunin itong matiyak ang kaayusan sa mga lugar na dadagsain sa panahon ng SONA.
00:27Sa kabuoan na abot sa halos labing anim na libong pulis ay papakalat ng NCRPO para magbantay sa SONA.
00:35Partikular na tututukan ng PNP ang camera, border control points, freedom parks at iba pang lugar na inaasahang magkakaroon ng kilos protesta.
00:47Mahigpit po ang ginagawang koordinasyon ng NCRPO sa iba't ibang ahensya ng pamahalaan tulad ng Armed Forces of the Philippines,
00:55MMDA, local government units at maging sa mga intelligence community upang matiyak ang interoperability at free time communication sa araw ng SONA.
01:04Sa ilalim po ng Joint Operations Center Command, aktibong tinututukan ng information sharing, threat validation at deployment adjustments.