Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 7/10/2025
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00.
00:30Sa panayam ng GMA Integrated News,
00:32kinumpirma ni Julie Dondon Patidongan alias Totoy
00:35kung sino ang dating judge na sinabi niyang tagalakad na mga kaso
00:40ng negosyante at isabong tycoon atong ang.
00:44Si ex-judge na yan na chairman niya ng PISISO,
00:52siya talaga ang tagalakad.
00:54Si ex-judge, nabanggit mo chairman siya?
00:57Yes, chairman siya ng PISISO.
00:59Ang kasalukuyang PCSO chairman ay ang retiradong judge na si Felix Reyes
01:05na naglabas ng pahayag para mariing pabulaanan ang aligasyon ni Patidongan.
01:10Hinamon niya si Patidongan na tukuyin ang sinasabing kaso ni Ang
01:15o yung mga kinalaman sa mga nawawalang sabongero
01:18na sa pagkakaalam niya ay nakabimbin pa sa korte
01:22na inayos umano niya pabor kay Ang.
01:25Kung hindi raw mapapatunayan ni Patidongan
01:27ang akusasyong case fixing.
01:30Dapat daw manahimik ito.
01:32Pino na rin ni Reyes na lumabas ang aligasyon ni Patidongan
01:35isang araw matapos siyang maghain ng aplikasyon
01:38para maging sunod na ombudsman.
01:41Sabi ni Reyes,
01:42handa siya makipagtulungan sa anumang investigasyon
01:44na magbibigay linaw sa mga anyay walang basihang aligasyon ni Patidongan
01:49para di na rin mabahiran ang hudikatura at prosecution service.
01:54Mayo nung nakarang taon,
01:56nang italaga ni Pangulong Marcos si Reyes bilang Sherman ng PCSO.
01:59Bago yan,
02:00nagsilbi si Reyes bilang board member ng PCSO simula November 2022.
02:05Naging presiding judge o acting judge naman siya
02:07sa Regional Trial Courts ng Taguig, Lipa,
02:11Kalamba at Marikina mula 2006 hanggang 2021.
02:14Nagpaliwanag naman si Patidongan kung bakit niya tinukoy si Reyes.
02:19Judge, pasensya ka na na binanggit ko yung pangalan mo.
02:24Ito naman talaga ang totoo.
02:26Alam mo naman na ito si Mr. Atongang,
02:29buhay ko na ang gusto niyang mawala.
02:33Hindi lang buhay ko, buong pamilya ko gusto niyang ipapatay.
02:39Kaya ako, iniligtas ko lang yung sarili ko,
02:41pasensya na kayo na nasabi ko yung mga pangalan nyo dito.
02:47Sinusubukan pa rin ang GMA Integrated News sa mga kuha ang panik ni Ang.
02:51Ian Cruz, nagbabalita para sa GMA Integrated News.

Recommended