Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Ilang kongresista, naniniwalang mas marami pang papabor sa impeachment complaint vs. VP Duterte kapag nasimulan na ang paglilitis

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Naniniwala ang mga mambabatas na mas darami pa ang mga Pinoy na sasangayon sa impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
00:09Ito ay sa harap ng lumabas ng bagong survey ng social weather stations. Narito ang ulat.
00:17Sangayon si House Impeachment Prosecutor at Batangas 2nd District Representative Jervie Luistro
00:22sa pananaw ng maraming Pilipino na mukhang sadya o manong dini-delay ng Senado ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
00:31Base sa pinakabagong survey ng social weather stations, nakasaad na 44% sa 1,200 respondents ang naniniwala rito,
00:4025% naman ang tutol habang 22% ang undecided at 9% ang walang masyadong kaalaman.
00:47Sabi ni Luistro, senyales lang ito na dapat na talagang masimulan ang impeachment trial sa lalong madaling panahon,
00:54alinsunod na rin sa konstitusyon.
00:56I believe that all Filipinos are waiting, expecting, and anticipating na this time around ay matutuloy na
01:05ang pinakahihintay nilang impeachment trial, no?
01:09Gayunman sa kaparehong survey, mas marami rin ang nagsabing tutol sila sa mismong impeachment complaint
01:15na nasa 42%, habang 32% ang sumusuporta rito at 18% ang undecided at 7% ang walang masyadong kaalaman.
01:25Gito Luistro, kapag nasimulan na ang trial, kumpiyansa siyang magbabago pa ang pananaw ng iba nating kababayan.
01:31We have ample and strong evidence supporting the 7 articles of impeachment.
01:39And we honestly believe once we are allowed to proceed to the presentation of evidence,
01:45a lot of Filipinos will be watching and will be basing their respective position on the evidence that they will be seeing during the trial.
01:54That is why it is very important that we proceed to trial.
01:58Ang iba pang kongresista na pabor sa impeachment, ganito rin ang pananaw.
02:03Malino na malinaw po na talaga nagkakaroon ng delay, nagkakaroon ng dribbling,
02:07kung ano-anong mga invented technicalities at invented issues ang ginagawa nila.
02:13Nakikita yan ng taong bayan kasi ano, ang taong bayan ay gising.
02:18Kapag nandyan na yung ebidensya, nananalig kami, umaasa kami na maiiba yung pananaw ng mga nagsasabi na yan na hindi nila gusto ang impeachment.
02:30Una nang iginiit ng Senate Impeachment Court na hindi sila nagpapabaya ukol sa isyo ng impeachment.
02:35Habang si Vice President Duterte muli namang iginiit na political persecution lang umano ang ginagawa sa kanya ngayon,
02:42bagay na itinanggi ng mga kongresista.
02:45Mela Les Moras para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.

Recommended