00:00Abala sa pag-aksyon at walang oras sa pamumulitika si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:06Ito ang naging tugon ng Malacanang sa mga patutsada ni Vice President Sara Duterte laban sa administrasyon.
00:13Si Claes Alpardilla sa Setra na Balita Live.
00:19Angelique, hindi namumulitika kung hindi umaaksyon at hindi nagbabakasyon si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:28sagot yan ng Malacanang kay Vice President Sara Duterte.
00:35Sabi kasi ng pangalawang Pangulo, manalamin si Pangulong Marcos tuwing sinasambit ang kanyang panawagan na iwasan na ang pamumulitika.
00:47Kama naman po na ang bawat tao, lalong-lalo na po ang public servant, ay dapat na nanalamin at ina-assess niya yung sarili niya kung siya ba yung nagtrabaho,
00:58namumulitika o nagbabakasyon lang.
01:01Wala raw oras ang Pangulo sa pamumulitika kung hindi nakapokus sa paghahatid ng serbisyo.
01:08Patunay ang pamamahagi ng ambulansya sa mga lokal na pamahalaan ngayong araw.
01:12Nakaraang linggo, namigay ng laboratorio at makinarya sa mga magsasaka sa Nueva Ecija at nag-abot din ang tulong kabuhayan sa mga manging isda sa General Santos City.
01:24Tanong ng palasyo, eh si BP Duterte, nasaan kaya?
01:28Hindi po nag-aaksayan ang panahon ng ating Pangulo para tumulong sa taong bayan.
01:37Trabaho lamang po talaga ang nasa isip ng ating Pangulo.
01:40Sa ngayon po ba ay nasaan si BP Sara o si Pangulo, ah si BC Presidente nung yan ay sinabi niya?
01:47Nasaan po ba siya ngayon?
01:48Dahig, ang Pangulo po, aksyon, aksyon, hindi bakasyon.
01:57Hindi anya umaatake ang Presidente, taliwas sa pahayag ni BP Duterte, na sumasagot lamang sa mga banat ng administrasyon.
02:06Payo ng malakanyang, reviewhin ni Duterte ang kanyang mga sinasabi.
02:13Mas magandang ma-review po niya yung kanyang mga sinabi.
02:16Tandaan po natin, nung inilansad po yung 20 pesos na bigas, yung po ba ay pag-atake sa BC Presidente?
02:22Pero inatake niya po ang proyektong ito ng Pangulo na 20 pesos na bigas.
02:29At marami pa pong sinabi ang BC Presidente na hindi naman po issue.
02:36Tinututukan din ang administrasyon ang pagpapalago ng mas marami pang trabaho,
02:41gaya na lamang ng reintegration ng mga dating overseas Filipino workers
02:46at pagbibigay ng mga in-demand na skills ng TESDA sa mga manggagawa.
02:52At Angelique, mamayang alas dos ng hapon ay nakatakdang makipagpulong
02:56si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga bagong kawani at opisyal ng gobyerno
03:01layo nitong mga paigting ang ugnayan ng national government sa mga lokal na pamahalaan
03:07para mas maramdaman ng mga Pilipino ang kaunaran saan man sulok ng Pilipinas.
03:14Yan muna ang pinakahuling balita.
03:16Balik sa'yo, Angelique.
03:19Okay, maraming salamat sa'yo, Clayzel Pardilla.