00:00Puspuso na ang paghahanda ng ilang powerlifters ng bansa para sa nakatakda nilang salihang World Junior and Sub-Junior Classic and Equipped Powerlifting Championship
00:13na magsisimula na sa susunod na buwan hanggang September sa Costa Rica.
00:18Yan ang ulat ni teammate Paulo Salamatin.
00:21Wala ng oras na sinasayang ang ilang mga miyembro ng Philippine Powerlifting Team para sa asam na muling makahakot ng medalya
00:31sa sasalihang 2025 IPF World Junior and Sub-Junior Powerlifting Championships mula August 25 hanggang September 5 sa San Jose, Costa Rica.
00:40Ilan sa mga sasali rito ay ang mga pambatong junior lifters ng bansa na sina Jessamay Tabuan, Jane Erasmo, Jason Galauran, Kyle Jan Kumpio at marami pang iba.
00:53At sa katatapos lang na Visayaslag ng 2025 Perlas ng Silangan Powerlifting League sa Tacloban City,
00:59ginawang warm-up competition ni Erasmo ang nasabing torneo na nagnanais na malampasan ang kanyang 2 silver at 1 bronze medal finish noong nakarang taon sa World Championships.
01:10Itong laban na ito, part po siya ng training ko actually.
01:15Tapos sabi kasi ng coach ko na hindi kami pipiga eh, pero nag-record ko, ay nag-record, I mean break ko pa yung PR ko.
01:25Maliban kay Erasmo, ito na ang ikatlong sunod na sasabak si Tabuan sa World Championships
01:31habang target din ni Nagalauran at Kumpio na malampasan ang kanilang podium finish noong mga nakaraang edisyon ng torneo.
01:38I get very excited na i-see the young ones as they grow up and tumatangkad,
01:46tapos nakakaroon ng mas fit na katawan, and then yung buhat, tumataas ng malaki.
01:54So right now, yung mga iba, nakikita mo agad yung potential for international competition.
01:59Sa ngayon magpapatuloy ang pag-ensayo ng mga Filipino lifters at pagsali sa mga ilang local tournaments,
02:06bago ang mismong laban sa Costa Rica.
02:09Paulo Salamatin para sa atletang Pilipino, para sa bagong Pilipinas.