Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Nasa the hego ulit si Vice President Sara Duterte para bisitahin ang kanyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
00:07Git po niya habang naroon ilang ebidensya laban sa dating Pangulo sa International Criminal Court
00:12ang nakuha muna sa pamamagitan ng pwersa, intimidation, or harassment.
00:19Saksi si Marisol Abduraman.
00:20Muna, sinasabi nila walang ebidensya pero meron sila ngayong witnesses na kaya naman nila palabayaran yung pagbabiyahin.
00:31Ito ang reaksyon ni Vice President Sara Duterte sa pagtulong ng gobyerno sa gustusin ng mga saksing haharap sa International Criminal Court
00:39laban sa amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
00:43Hinihinga namin ang reaksyon si Justice Secretary Jesus Crispin Remulia
00:46pero pagkaman dati na niyang nilinaw na ang ibibigay lamang ng gobyerno ay yung para sa siguridad ng mga saksi
00:52at hindi ang pagbiyahe patungo sa The Hague.
00:55Tinanong din ang Vice hinggil sa sinabi ni Justice Secretary Remulia na malaking hamon ang kaso.
01:00Sa dati ding sinabi ni Remulia tungkol sa mga ebidensya laban sa dating Pangulo,
01:04Kaya nga umabot sa ICC ito eh. Kasi dito, binura na lahat ng pwedeng burahin eh. Para hindi matuloy ang mga kaso.
01:12Ang komento dito ng Vice.
01:13Gawa-gawa talaga na ebidensya. At yung ibang ebidensya nila, meron din tayong ebidensya na kinuha yun
01:22by force or intimidation or harassment of any of us. So makikita din natin yun. Soon. Very soon.
01:34Hiningan namin ang pahayag ang Justice Department, kaugnay niyan.
01:37Nasa The Hague muli ang Vice para dalawin ang kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte na hanggang ngayon ay nakakulong pa rin sa ICC.
01:45Ayon mismo sa VP, ilang araw siyang mananatili roon.
01:49Si PRD, kanina no, ipa-expound kung ano yung skin and bones. Payat siya. At sobrang payat niya na hindi niyo pa siya nakita na ganito ka payat.
02:01Siguro nakita ko siyang ganito ka payat nung binata pa siya at sa photo.
02:06Hingil naman sa sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos na tigilan na ang pamumulitika, sabi ng Vice.
02:11Siguro tumingin siya sa salamin, no? Magsinasabi niya yung staff na ang pamumulitika kasi sila yung namumulitika.
02:19Ang ginagawa lang namin lahat ay sumasagot kami, di ba? Wala naman kami ginagawang atake.
02:24Sa amin lahat ay sagot at depensa. So sila ang tumigil.
02:30Muling iginiit ng Malacanang na wala silang kinalaman sa impeachment case laban sa Vice.
02:34Tugon naman ang palasyo sa balak ng defense team ng dating Pangulong na isumiti sa ICC ang report ng Senate Committee on Foreign Relations
02:43na nalabag kumano ang karapatan ng dating Pangulong nang siya ay arestuhin.
02:47Baka maging negatibo pa po sa kanila.
02:51Kung makikita po siguro ang pag-iimbestiga doon at makikita kung paano ito ginawa,
02:57siguro hindi naman po bulag ang ICC judges para makita kung ano ba talaga yung maaaring naging katotohanan dito.
03:02Para sa GMA Integrated News, Marisol Abduraman, ang inyong saksi.
03:10Tatlo ang naaresto sa ikinasang drug by bus sa Taytay Rizal.
03:14Sa hiwalay na operasyon sa Laguna, halos 30 milyong pisong halaga ng hindi-reistradong vape products ang nasabal.
03:22Saksi, si Dano Tinghungko.
03:24Sinalakay ng mga kawanin ng NBI at Department of Trade and Industry ang isang bahay na ginagawang bodega sa Binyan, Laguna.
03:35Dahil yan, sa mga reklamo sa NBI na substandard ang ginagawang vape products doon.
03:40Bukod dyan, hindi rehistrado sa DTI ang mga produkto.
03:43Tumatalima ako doon sa mga reklamo sa akin na maraming vape products unregistered, substandard na ibinibenta sa paligid.
03:57So, inatasang ko ang ating mga divisions na to conduct massive operation against DTI.
04:08Halos 30 milyong piso ng halaga ng vape products ang nasabat sa ikinasang operasyon.
04:12Nag-positive yung operation ng Special Task Force.
04:17So, by cybercrime patrolling, nakapag-connect sila dito sa mga taon na ito.
04:25Nakapag-negotiate sila that they will buy 1 million worth of bait.
04:32So, nag-meet sila somewhere sa Montenlupa in a coffee shop with the mark money 1 million pesos.
04:40So, sabi nila, asa na yung mga vape products?
04:45Sinama sila ngayon sa Laguna.
04:47Doon po sa bait shop, meron silang legal na mga tinitindang item sila.
04:52But then, once na nag-inquire ka, nag-o-offer sila ng mga hindi-registered na bait.
04:58So, with that, natukoy natin kung saan ito ni store.
05:02That's why kahapon po, nag-conduct tayo ng buy bus.
05:06Ticoma mga inaresto na usisail kung sino ang may-ari ng negosyo na patuloy na iniimbisigahan ng NBI.
05:12Giving them the benefit of the doubt, yung mga outlet-outlet, hindi nila alam na bawal ito, na hindi registered, substandard.
05:21Siyempre, yung mga negosyante natin, kumukuha lang, may listahan nga ang DTI, yung mga registered products.
05:30Yung mga may lisensya, yung mga na-check nila kung standard ba yan.
05:34Paano ba malalaman kung legal o hindi ang date na binibili?
05:38Walang PS license mark and second, especially, wala pong tax stamps or the required fiscal marks from the BIR.
05:49And others po, flavor descriptors that unduly appeal to minors.
05:53And then another one would be yung improper 50% graphic health warning.
05:59Tatlo naman ang nasa kote sa ikinasang drug buy bus sa barangay San Juan Taytay, Rizal.
06:04Nasa bat sa mga sospek ang limang pakete o aabot sa 150 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga na mahigit isang milyong piso.
06:13Itinanggin ang isa sa mga naaresto na sangkot siya sa illegal drug trade.
06:17Umamin naman na gumagamit ng droga ang dalawa pang naaresto, pero hindi raw sila nagbebenta.
06:23Mahaharap ang mga sospek sa reklamang paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.
06:29Para sa GMA Integrated News, danating kung ko ang inyong saksi.
06:34Nasawi sa pagsabog sa paggawa ng baril sa Marikina City, umabot na sa dalawa.
06:41Ayon sa Marikina Police, base sa napanood nilang CCTV footage,
06:45sumabog ang isang container ng primer mixture nang ilipat ito ng isa sa mga empleyado
06:49mula sa katabing mesa papunta sa kanilang work table.
06:53Nasawi ang may hawak ng container, pati ang katabi niyang napuruhan sa dibdib.
06:58Nakaligtas ang kasamahan nila dahil may shield sa gitna ng work table.
07:01Nakalabas na siya sa ospital.
07:03Ang sabi ng EOD, possible mishandling of mixture due to high sensitivity, due to impact.
07:13Doon sa paglapag niya, napalakas yun kasi yung impact and sensitive yun.
07:19Base sa inisyal na investigasyon, sumunod sa safety protocols ang ARMS Corps.
07:23Ayon sa ARMS Corps, mahigpit ang kanilang ipinatutupad na safety standards
07:27dahil alam nilang delikado at sensitivo ang proseso.
07:30Dinisenyo raw ang maliit na kwarto para makontain ang pagsabog.
07:34Tutulungan daw nila mga biktima na regular employees ng kumpanya.
07:38Every one of them had children.
07:39I will make sure the children are taken care of to their grown-ups.
07:45At least. Minimum.
07:47Chinese Ambassador Huang Silian, ipinatawag ng Department of Foreign Affairs,
07:51kaugnay sa pagbabawal kay dating Sen. Francis Tolentino na makapasok sa mainland China, Hong Kong at Macau.
07:57Ayon sa DFA, bagamat legal na karapatan ng China ang magpataw ng mga sanksyon,
08:02ang pagpaparusa sa isang inihalal na opisyalda sa paggampan ng kanyang trabaho
08:07ay inconsistent o hindi naayon sa pamantayan ng mutual respect at dialogo.
08:13Pinakahalagahanan nila ng Pilipinas ang freedom of expression at tungkulin ng mga senador
08:18at iba pang opisyal na kwestyonin ang mga issue kaugnay sa national at public interest.
08:24Suportado naman ni Tolentino ang hakbang ng DFA.
08:27Iginiit naman ang Chinese Embassy na meron talagang pagbabayaran sa pananakit sa interes ng China
08:32at pinatawa ng parusa si Tolentino dahil sa inasal nito kaugnay ng mga issue na may kinalaman sa China.
08:39Para sa GMA Integrated News, ako si Maki Pulido, ang inyong saksi.
08:45Maygit 2 milyong tonelada ng plastic waste ang nalilikha sa Pilipinas taon-taon.
08:51Ayon po yan sa World Bank.
08:52At sa isigawang workshop ng Asia-Europe Foundation sa Johor, Malaysia,
08:56dumalong ang GMA Integrated News para alamin kung paano tinutungunan ng ilang bansa sa Asia
09:02ang problema sa plastic waste.
09:05Saksi! Sinikawahin!
09:07Kung usapang forever lang naman, baka nangamatay na tayong lahat.
09:19Pero ang mga plastic, nandyan pa rin.
09:22Sa dami ba naman ang pinoproduce na plastic sa buong mundo?
09:26Sa Pilipinas pa lang, 2.7 milyon tons na ang plastic waste na nililikha taon-taon.
09:31163 milyon na piraso naman ng mga sachet ang kinukonsume araw-araw sa bansa.
09:37Sa dami niyan, saan nga ba ito napupunta lahat?
09:42Sa Singapore, sa tahanan nagsisimula ang disiplina.
09:46Sinusunod ang segregation ng nabubulok at di nabubulok.
09:50Metikulosong inihihiwalay ang plastic.
09:53Ayon kay Philippine Ambassador to Singapore, Medardo Macaraig,
09:56may magandang naidulot sa Singapore ang plastic recycling.
10:00Part of the pavement is made out of the recycled plastics.
10:04Part of the road pavement actually.
10:06Party raw ito para maging efektibo at kapaki-pakinaba ang kanilang circular economy.
10:11Reuse, recycle, para iwas basura.
10:15Ganyan din ang sistema sa Johor, Malaysia.
10:18Pinuntahan namin ang isa sa 900 schools na sistematikong nagre-recycle.
10:22Mga puso, nandito tayo sa isang eskwela dito sa Johor, Malaysia,
10:29para bisitahin yung kanilang recycling room.
10:32Pagpasok natin dito sa kwarto na ito,
10:35makikita natin na may mga label yung mga recycling area nila.
10:40Depende sa kung anong klase ng basura.
10:42At ang pinaka-importante sa lahat, yung mga iniipo nila rito ng mas marami,
10:48ay yung iba't ibang klase ng plastic.
10:52Tuwing biyernes, dinadala ng mga estudyante ang nasegregate nilang basura sa bahay.
10:56Recycling can teach the student to be responsible of themselves,
11:00of the earth, and of the community around them.
11:04May kapalit na reward ang may pinakamaraming maiipo na basura.
11:08Mula noong June noong nakarantaon, hanggang April 2025,
11:12nakaipon at nakarecycle na sila ng mahigit 11,100 kilogram na mga basura.
11:18Zero plastic din sila sa paaralan.
11:21Aluminum ang mga gamit sa kantin.
11:23Isang kumpanya ang kapartner nila na responsable para mag-recycle ng mga naipong basura,
11:28lalo na ng plastic.
11:29Lahat ng mga nire-recycle na plastic dito sa Johor, Malaysia,
11:33ay mga tagad Johor din ang nakikinabang.
11:35Lahat ng mga naggagaling dun sa mga eskwelahan na nasa 909 na mga eskwelahan na katulong yung kumpanya,
11:42ay nakikinabang dun sa mga nire-recycle na plastic.
11:45Isa sa mga produkto na nagagamit nila mula dun sa recycled plastic,
11:49ay ang mga upuan na ito.
11:52Sa Pilipinas, ayon sa Greenpeace,
11:54posible naman ang circular economy.
11:56So it might mean na we will have to adjust it based on the context,
12:01pero hindi siya imposible dahil yung circular economy,
12:05when you look at the concept, when you assess it,
12:09how it's supposed to be designed is regenerative siya.
12:12So it's supposed to be self-sustaining in a way,
12:16and it's addressing resource management, not just waste management.
12:20Mayroon na nga raw gumagawa nito.
12:23Sa San Fernando, Pampanga, na 2008 pa lang daw,
12:26ay circular economy na.
12:27Lahat din, nagsisimula sa tahanan.
12:31Mayroon silang no-segregation, no-collection policy.
12:3435 barangay nila ang nagbabahay-bahay araw-araw
12:38para kunin ang mga naihiwalay ng basura,
12:40saka dadalhin sa kanya-kanyang MRF o Materials Recovery Facility,
12:45tulad ng sa barangay Malpitig.
12:46Hindi po natatambak yung basura namin kung nakikita nyo.
12:49Talagang sa household pa lang,
12:51kung talagang sinesegregate yung basura.
12:54Isa rin sa paraan nila ang pagpalit ang plastic bottles sa dishwashing liquid.
12:59Banned na rin ang single-use plastic sa syudad.
13:02Alam ba, consumer,
13:04syempre, ititrace namin yan saan mo? Binili.
13:07So ang sinasanksyon namin,
13:10pinepenalize namin,
13:12are the producers,
13:13or yung kung sino talaga ang gumagamit ng packaging.
13:17Ang San Fernando raw ang may pinakamataas na waste diversion rate
13:21o yung pag-iwas ng pagtatapon ng basura sa mga landfill
13:24at sa halip ay ma-recycle at magamit sa ibang bagay.
13:28Malaki raw ang naitulong ng kanilang Central Materials Recovery Facility.
13:32Itong lugar na ito ay dating dump site ng San Fernando
13:35pero kinonvert into CMRF o Central Materials Recovery Facility
13:40kung saan ang 35 barangay ng San Fernando
13:43inilalagak lahat ng kanilang basura,
13:46mapa-residual o plastic waste.
13:49At bilang bahagi na kanilang circular economy,
13:52ang mga naipong plastic,
13:53kinukolekta ng isang kumpanya ng simento
13:55na nire-recycle para gawing refused diesel fuel
13:58ng kanilang mga equipment.
14:00Ang ibang basura gaya ng mga market waste
14:02tulad ng bulok na gulay o karne,
14:05ginagawang compost o pataba sa lupa.
14:07Sa ilalim ng batas,
14:09dapat may MRF ang bawat barangay sa bansa
14:11pero sa datos ng COA,
14:13nasa 39% lang ng mga barangay ang mayroon nito.
14:17Pero sa 39% na yan,
14:18hindi pa lahat gumagana.
14:20Ayon sa Greenpeace,
14:21maganda ang base policy ng Pilipinas
14:23pagdating sa Waste Management
14:25o ang Ecological Waste Management Act
14:27at maging ang EPR law.
14:29Kaso, hindi raw na ma-maximize ng LGUs.
14:32Ang rami pang gawin
14:34para maabot natin yung
14:37tinatawag natin na circular economy goals
14:40that we have.
14:41But at the same time,
14:42it also means that there's opportunities
14:44to implement the right kind of solutions.
14:48Negosyo,
14:50pamahalaan,
14:51at tayong individual.
14:53Ang pinagsama-sama nating
14:54pagmamahal sa kalikasan
14:55ang mag-aahon sa atin
14:57sa nakalulunod
14:58na problema sa plastic.
15:00Para sa GMA Integrated News,
15:03ako si Niko Wahe,
15:04ang inyong saksi.
15:11Talagang ipinaglaban daw ni na
15:13Will Ashley at Ralph DeLeon
15:15ang kanilang pamamalagi
15:17sa love ng bahay ni Kuya.
15:19At si Will may nilinaw
15:20tukos sa usap-usapang
15:21love triangle
15:22sa pagitan nila
15:24ni na Bianca De Vera
15:25at Dustin Yu.
15:27Narito,
15:28ang showbiz saksi
15:29ni Nelson Canlas.
15:40Ang akalang meeting lang daw
15:43homecoming party pala
15:44mula sa Sparkle Family
15:45para sa Big 4 Kapuso Housemates.
15:51Kasamang sumalubong
15:53ang Senior Vice President
15:54ng GMA Network
15:55na si Atty. Anette Gosson
15:57Valdez,
15:57iba pang executives
15:58at si Miss Universe Philippines
16:002023
16:01Michelle Marquez D.
16:04Bago yan,
16:05nagsama-sama kagabi
16:06sa bahay ni Kuya
16:07ang housemates
16:07at buong team
16:09ng Pinoy Big Brother
16:10Celebrity Collab Edition
16:11para sa isang
16:12fan-filled reunion.
16:16Layag na layag
16:17naman ang Will Ka
16:18sa kanilang TikTok challenge
16:20na mahigit
16:208 million views na
16:22and counting.
16:23Sa GMA Integrated News
16:24interviews,
16:25deretsyahang nilinaw
16:26ni Will Ashley
16:27ang tila love triangle
16:29na nabuo sa PBB House
16:30sa pagitan nila
16:32ni Bianca De Vera
16:33at Dustin Yu.
16:34To be honest,
16:35wala pong naging
16:36triangle talaga
16:37sa loob ng bahay.
16:38Alam po lahat
16:38ng mga housemates yan.
16:40Bakit kayo
16:40siyenship in a way?
16:42Siguro po kasi
16:43nagkaroon din po kami
16:44ng work together.
16:45Masaya ako
16:46sa naging
16:47story nila
16:48nilang dalawa
16:49at yun nga
16:50kagaya ng sinasabi ko
16:51sa mga housemates po
16:52yun saan
16:53talaga
16:53madala nila
16:53talaga
16:54sa labas po.
16:55Ayon pa kay Will,
16:56bukas at looking forward
16:58muli siyang makatrabaho
16:59si Bianca.
17:00Sa interview
17:01na ikwento rin niya
17:02ang ilang struggles
17:04sa loob ng bahay
17:05ni Kuya
17:05as an introvert.
17:07Kaya thankful siya
17:08sa housemates
17:09at fans
17:10dahil sila
17:11ang rason
17:11kaya
17:11itinuloy niya
17:12ang laban.
17:13It's giving
17:14Dark Horse Vibes
17:16ika nga
17:16ng ilang netizens
17:17ang Rawi duo
17:19ni na Will Ashley
17:20at Ralph DeLeon.
17:22Matapos silang
17:23itanghal
17:23na second big winners
17:25ng kauna-unahang
17:26PBB Celebrity
17:27Collab Edition.
17:28Meron man po
17:29akong ginagawang
17:30isang bagay.
17:31Gusto kong
17:31ibigay talaga
17:32yung 100% best ko.
17:34And yun yung
17:34something na
17:35naging proud talaga po
17:36kasi
17:37ang laking growth
17:38po nun para sa akin.
17:39I haven't been
17:40handed anything
17:41dito po sa
17:42line of work
17:43po namin ni Will.
17:44And I want it
17:45to be that way also
17:46kasi dun ko po talaga
17:47mapapatunayan
17:48na deserve ko po talaga
17:49yung mga binibigay
17:50po sa akin.
17:52Extra special din
17:53ang PBB journey
17:54ng kanyang kaduo
17:55na si Ralph
17:55na dati nang na-edict
17:57sa bahay ni Kuya
17:58pero nakabalik.
18:00Naging bukas din si Ralph
18:01sa ilang comments
18:02ng netizens.
18:03Ako,
18:04piniprepare ko na din po
18:05yung sarili ko
18:05for the worst case scenario
18:06which also natutunan ko po
18:08actually
18:08dun sa loob ng bahay
18:09na hindi po talaga
18:11maganda yung palagi
18:13mangyayari.
18:14Para sa GMA Integrated News
18:16Nelson Canlas
18:17ang inyong saksi.

Recommended