Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 7/8/2025
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00May 2 million tonelada ng plastic waste ang nalilikha sa Pilipinas taon-taon, ayon po yan sa World Bank.
00:07At sa isigawang workshop ng Asia-Europe Foundation sa Johor, Malaysia,
00:11dumalok ang GMA Integrated News para alamin kung paano tinutungunan ng ilang bansa sa Asia ang problema sa plastic waste.
00:20Saksi, sinikawahin!
00:30Kung usapang forever lang naman, baka nangamatay na tayong lahat, pero ang mga plastic, nandyan pa rin.
00:37Sa dami ba naman ang pinoproduce na plastic sa buong mundo?
00:41Sa Pilipinas pa lang, 2.7 million tons na ang plastic waste na nililikha taon-taon.
00:47163 million na piraso naman ng mga sachet ang kinokonsume araw-araw sa bansa.
00:52Sa dami niyan, saan nga ba ito napupunta lahat?
00:56Sa Singapore, sa tahanan nagsisimula ang disiplina.
01:01Sinusunod ang segregation ng nabubulok at di nabubulok.
01:05Metikulosong inihihiwalay ang plastic.
01:08Ayon kay Philippine Ambassador to Singapore Medardo Makaraig,
01:11may magandang naidulot sa Singapore ang plastic recycling.
01:15Part of the pavement is made out of the recycled plastics, part of the road pavement actually.
01:21Parti raw ito para maging efektibo at kapaki-pakinaba ang kanilang circular economy.
01:26Reuse, recycle, para iwas basura.
01:30Ganyan din ang sistema sa Johor, Malaysia.
01:33Pinuntahan namin ang isa sa 900 schools na sistematikong nagre-recycle.
01:37Nakapuso nandito tayo sa isang eskwela, dito sa Johor, Malaysia,
01:44para bisitahin yung kanilang recycling room.
01:47Pagpasok natin dito sa kwarto na ito, makikita natin na may mga label yung mga recycling area nila.
01:55Depende sa kung anong klase ng basura.
01:58At ang pinaka-importante sa lahat, yung mga iniipo nila rito ng mas marami,
02:03ay yung iba't ibang klase ng plastic.
02:07Tuwing biyernes, dinadala ng mga estudyante ang nasegregate nilang basura sa bahay.
02:11Recycling can teach the student to be responsible of themselves, of the earth, and of the community around them.
02:19May kapalit na reward ang may pinakamaraming mga iipon na basura.
02:23Mula noong June noong nakarantaon, hanggang April 2025,
02:27nakaipon at naka-recycle na sila ng mahigit 11,100 kilogram na mga basura.
02:33Zero plastic din sila sa paaralan.
02:36Aluminum ang mga gamit sa kantin.
02:38Isang kumpanya ang kapartner nila na responsable para mag-recycle ng mga naipong basura, lalo na ng plastic.
02:44Lahat ng mga nire-recycle na plastic dito sa Johor, Malaysia,
02:48ay mga taga Johor din ang nakikinabang.
02:50Lahat ng mga naggagaling dun sa mga eskwelahan na nasa 909 na mga eskwelahan na katulong yung kumpanya
02:56ay nakikinabang dun sa mga nire-recycle na plastic.
03:00Isa sa mga produkto na nagagamit nila mula dun sa recycled plastic ay ang mga upuan na ito.
03:07Sa Pilipinas, ayon sa Greenpeace, posible naman ang circular economy.
03:11So it might mean we will have to adjust it based on the context,
03:16pero hindi siya imposible dahil yung circular economy,
03:20when you look at the concept, when you assess it,
03:24how it's supposed to be designed is regenerative siya.
03:27So it's supposed to be self-sustaining in a way
03:31and it's addressing resource management, not just waste management.
03:35Mayroon na nga raw gumagawa nito.
03:37Sa San Fernando, Pampanga na 2008 pa lang daw ay circular economy na.
03:43Lahat din nagsisimula sa tahanan.
03:46Mayroon silang no segregation, no collection policy.
03:4935 barangay nilang nagbabahay-bahay araw-araw para kunin ang mga naihiwalay ng basura.
03:55Saka dadalhin sa kanya-kanyang MRF o Materials Recovery Facility tulad ng sa barangay Malpitig.
04:01Hindi po natatambak yung basura namin kung nakikita nyo.
04:04Talagang sa household pa lang kung talagang sinesegregate nyo yung basura.
04:10Isa rin sa paraan nila ang pagpalitang plastic bottle sa dishwashing liquid.
04:14Banned na rin ang single-use plastic sa syudad.
04:17Alam ba ako consumer?
04:19Siyempre, ititrace namin yan sa mobil nili.
04:21So ang sila-sanction namin, pinepenalize namin, are the producers or yung kung sino talaga ang gumagamit ng packaging.
04:32Ang San Fernando raw ang may pinakamataas na waste diversion rate o yung pag-iwas ng pagtatapon ng basura sa mga landfill.
04:40At sa halip ay ma-recycle at magamit sa ibang bagay.
04:43Malaki raw ang naitulong ng kanilang Central Materials Recovery Facility.
04:47Itong lugar na ito ay dating dump site ng San Fernando pero kinonvert into CMRF o Central Materials Recovery Facility
04:55kung saan ang 35 barangay ng San Fernando inilalagak lahat ng kanilang basura, mapa-residual o plastic waste.
05:04At bilang bahagi na kanilang circular economy,
05:07ang mga naipong plastic kinukolekta ng isang kumpanya ng simento
05:10na nire-recycle para gawing refused diesel fuel ng kanilang mga equipment.
05:15Ang ibang basura gaya ng mga market waste tulad ng bulok na gulay o karne ginagawang compost o pataba sa lupa.
05:22Sa ilalim ng batas, dapat may MRF ang bawat barangay sa bansa.
05:27Pero sa datos ng COA, nasa 39% lang ng mga barangay ang mayroon nito.
05:32Pero sa 39% na yan, hindi pa lahat gumagana.
05:35Ayon sa Greenpeace, maganda ang base policy ng Pilipinas pagdating sa Waste Management
05:40o ang Ecological Waste Management Act at maging ang EPR law.
05:44Kaso, hindi raw na ma-maximize ng LGUs.
05:47Ang rami pang gawin para maabot natin yung tinatawag natin na circular economy goals that we have.
05:56But at the same time, it also means that there's opportunities to implement the right kind of solutions.
06:02Negosyo, pamahalaan at tayong indibidwal.
06:08Ang pinagsama-sama nating pagmamahal sa kalikasan,
06:11ang mag-aahon sa atin sa nakalulunod na problema sa plastik.
06:16Para sa GMA Integrated News, ako si Niko Wahe, ang inyong saksi.
06:22Mga kapuso, maging una sa saksi.
06:24Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.
06:32Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa GMA Integrated News.

Recommended