Skip to playerSkip to main contentSkip to footer

Recommended

  • 2 days ago
May mga nahukay na bomba sa isang construction site sa UP Manila kahapon. Pinaniniwalaang ibinaon ‘yan sa lupa noon pang World War 2 kaya dinala sa Tarlac para i-detonate o pasabugin.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00May mga nahukay na bomba sa isang construction site sa UP, Manila kahapon.
00:07Pinaniniwala ang ibinaon yan sa lupa noon pang World War II.
00:11Kaya dinala sa tarlak para i-detonate o pasabugin.
00:15Nakatutok si Jomer apresto.
00:21Sa unang tingin, naakalain mong ordinaryong baka lang ang mga yan.
00:25Pero, vintage bomb raw yan, sabi ng mga tauhan ng District Explosive and Canine Unit ng MPD.
00:31Narecover ang mga ito sa isang construction site sa loob ng College of Medicine ng UP, Manila, pasado alas 3 ng hapon kahapon.
00:38Nasa tatlong talampakan lang raw ang lalim ng pagkakabaon dito ng matagpuan ng mga construction worker.
00:46Accordingly, naguho kayo sila para sa construction ng new septic tank ng UP College of Medicine building.
00:54Immediately, nagproceed po kami doon to recover or to conduct render safe procedure doon sa sinasabing mga vintage bomb.
01:04Mabilis namang narecover ang mga bomba dahil agad napalikas na mga tauhan ng universidad ang mga construction worker at nakordunan ang paligid nito.
01:12Bukod sa dalawang vintage bomb, mayroon ding nakuha na isang Japanese grenade.
01:16Sabi ng mga otoridad, kung napasobra ang paghukay dito, posibleng matrigger at sumabog ang mga bomba.
01:23Ang lawak ng casualty radius, posibleng umabot raw ng mahigit 16 meters o hanggang sa bahagi ng Taft Avenue.
01:30Delikado pa rin kasi hindi naman ibig sabihin na natatagpuan natin na in corroded condition siya, kalawang, wala na siyang explosive filler sa loob.
01:39Meron pa rin po yun. Marami kaming mga recoveries niyan, especially rito sa Intramuros area, dito sa Manila Bay.
01:48Alam niyo na, yung may history siya ng pinagdausan ng ano.
01:51Nakatakda namang dalhin sa tarla ka mga bomba kung saan i-dedetonate o pasasabugi na mga ito.
01:56Sabi ng MPD Deku, agad ipagbigay alam sa mga otoridad sa oras na may makita na kahinahinalang mga bagay tulad dito
02:02para maiwasan ang anumang insidente na posibleng magdulot ng panganib.
02:08Para sa GMA Integrated News, Jomer Apresto nakatutok 24 oras.

Recommended