Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 7/7/2025
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Kahit may tapya sa presyo ng ilang produktong petrolyo ngayong araw,
00:04hirap pa rin daw ang ilang driver na pagkasyahin ng kanilang arawang kita.
00:08Mula sa Kayinta Rizal, may unang balita live si E.J. Gomez.
00:12E.J.
00:17Ivan, may pagbaba nga ulit sa presyo ng ilang produktong petrolyo ngayong linggo.
00:23Pero sabi ng ilang kapuso nating namamasada,
00:27kulang pa ito.
00:30Alas 4 ng madaling araw, nagsisimulang bumiyahe ang jeep ni driver na si Tatay Salvador.
00:37Sa Santa Lucia, sa Kayinta, siya nag-aabang ng mga pasahero at bumabiyahe hanggang ang uno.
00:42Stressful daw ang buhay tsyoper dahil sa traffic
00:44at lalo pa rin nadaragdagan ng stress tuwing tumataas ang presyo ng diesel.
00:50Simula ngayong araw 10 hanggang 15 centavos ang ibinaba sa presyo ng kada litro ng diesel.
00:55Ay dapat po, dagdagan pa nila ang pagbaba ng presyo
00:58dahil sobrang hirap po ngayon ng biyahe,
01:01ay talagang hindi pa po nasapat sa pamilya yung ginikita namin.
01:04Dati-dati po, nakaka-1K po.
01:07Ngayon, sa 500, eh medyo hirap na po talaga.
01:11Ang tricycle driver na si Tatay Aldo,
01:1325 taon nang namamasada.
01:16Di rin daw siya kontento sa 70 centavos
01:19na ibinabasa kada litro ng gasolina ngayong linggo.
01:22Nasa 350 pesos daw ang pinakamaliit na naiuuwi niyang kita sa pamilya
01:26sa buong maghapong pamamasada.
01:28Madalas daw na kinukulang ang budget para sa bigas,
01:32ulam, bayadin sa tubig, kuryente at upas sa bahay.
01:35Kapos po.
01:37Hindi po sumasapat ng husto ang kinikita namin.
01:42Talagang tiyagaan lang para kumita.
01:47Kaya nga po kami kahit madaling araw lumalabas
01:50para kumita ng maayos, eh.
01:52Madagdagan po ng kahit papano.
01:54Sa limang taong pamamasada naman daw
01:56ng taxi driver na si Tatay Ruel,
01:58ngayon daw ang pinakamatumal.
02:00Dahil dumami na ang kanilang kakumpetensyang TNVS,
02:03palala rin daw ng palala ang traffic.
02:07Umaabot daw sa 2,800 pesos ang kabuang kita niya kada araw.
02:11Kung ibabawas ang ginagastos sa gasolina
02:13na umaabot sa 1,100 pesos,
02:15boundary na 1,050 pesos,
02:18at pagkain na 100 pesos,
02:20550 pesos na lang ang naiuuwi niya sa kanyang pamilya.
02:25Ang laking pahirap sa amin, ma'am,
02:26kasi gawa nga nung ang laking binabawas
02:28ang kinikita namin, ma'am.
02:30Nihiling ko lang sana na baba lang yung gasolina
02:33para medyo umimproba ang aming kita.
02:42Ivan, inalala ng mga nakausap nating super,
02:45yung naging pagtaas na presyo ng diesel at gasolina
02:49noong mga nakaraang linggo na umabot sa mahigit 2 pesos.
02:54Tanong nila, kailan daw kaya bababa ng ganun kalakit?
02:57Very quickly lang, para doon sa mga kapuso po natin
03:00na magdadrive o babiyahe po dito sa Marcos Highway,
03:04marami na po ang sasakyan, medyo may traffic na
03:07at umuulan na po, lumakas na po ang ulan.
03:10Simula po yan kanina, umambun lang,
03:11pero ngayon ay basa na po ang kalsada,
03:14kaya magdala po kayo ng payo.
03:17Yan ang unang balita mula po dito sa Cainta Rizal.
03:20EJ Gomez para sa GMA Integrated News.
03:23Kapuso, huwag magpapahuli sa latest news and updates.
03:27Mag-iuna ka sa balita at mag-subscribe sa YouTube channel
03:30ng GMA Integrated News.

Recommended