Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 7/7/2025
Iniimbestigahan ng kampo ni Makati Mayor Nancy Binay ang anila'y P8.9B na “midnight settlement” kaugnay sa Makati Subway System na pinasok umano ng kanyang kapatid na si dating Makati Mayor Abby Binay. Depensa naman ng dating mayora, hindi dehado kundi panalo pa nga ang Makati City LGU sa settlement agreement.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Inimbestigahan ng kampo ni Makati Mayor Nancy Binay ang anilay 8.9 billion pesos na midnight settlement
00:08kaugnay sa Makati subway system na pinasok-umanok ng kanyang kapatid na si dating Makati Mayor Abby Binay.
00:16Depensa naman ng dating mayora, hindi dehado kundi panalo pa nga ang Makati City LGU sa settlement agreement.
00:23Nakatutok si Sandra Aguinaldo.
00:25Isang linggo matapos magsimula ang kanyang termino bilang alkalde ng Makati,
00:33isiniwalat ng kampo ni Mayor Nancy Binay ang anilay 8.9 billion pesos na midnight settlement
00:40na pinasok ng nakarang administrasyon ng kanyang kapatid na si dating Mayor Abby Binay.
00:45Kaugnay ito sa konstruksyon ng Makati subway system na naunsyami matapos ideklara ng Supreme Court na pag-aari ng Taguig City
00:54ang bahagi ng pagtatayuan ito.
00:57Nadiscovery raw ng kapo ni Mayor Nancy na pumirma sa settlement agreement ang dating administrasyon
01:03at ang consortium ng Philippine Infradev Holdings.
01:07Iniimbestigahan na ang pangyayari at kung may dapat managot dito.
01:10Nito lang, June 23, pinirmahan po yung settlement agreement at sinumite sa Arbitral Tribunal.
01:17So, kung bibilangin po natin, seven days lang po na lang po ang natitira sa nakaraang administrasyon
01:27nung pinasok po itong settlement agreement, if there are persons responsible that should be made liable
01:37and then we will speak to it that those are made liable.
01:41Ang Makati subway system ay magkokonekta sana sa iba't ibang lokasyon sa Makati para mapabilis ang biyahe.
01:47Nang hindi ito matuloy, dumulog ang consortium sa Singapore International Arbitration Center
01:53at nauwi sa isang settlement agreement na aprobado ng City Council.
01:58Pero sabi na kasalukuyang pamunuan, walang pondo para rito.
02:03Nakikipagugnayan na raw sila sa Arbitration Center.
02:05May initial determination na po kami na itong kontrata is legally flawed.
02:12And not only that, yung kontrata is actually grossly disadvantageous po sa City Government of Makati.
02:20Nag-issue na po yung budget department ng City Government of Makati
02:25na wala namang na-appropriate po na funds para dito sa settlement agreement.
02:31Depensa naman ng dating mayora, hindi dehado kundi panalo pa nga.
02:35Ang Makati City LGU sa settlement agreement.
02:39Ang benepisya raw nito, mawawakasan ang legal uncertainty at makokontrol ng syudad
02:44ang pagsusulong ng subway project.
02:47Makati LGU raw ang magiging full owner ng Makati City Subway Inc.
02:52maging ang land assets nito.
02:54Babala pa niya, sakaling ituloy ng local government ang arbitration,
02:58magiging delikado at magastos umano ito.
03:01Sinusubukan pa ng GMA Integrated News na makuha ang panig
03:05ng Philippine InfraDev Holdings.
03:08Para sa GMA Integrated News,
03:10Sandra Aguinaldo nakatutok 24 oras.

Recommended