Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • yesterday
Ilang bahagi ng Malabon, binaha dahil pag-ulan at high tide; panibagong pader sa nasirang riverwall sa Navotas, naitayo na

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Samantala, alamin natin ngayon ang update sa sitwasyon sa ibang bahagi ng Kamanava na binaha.
00:07Hindi lamang dahil sa pagulan, kundi dahil na rin sa high tide.
00:10Hihatid sa atin yan sa Sentra ng Balita ni J.M. Pineda Live.
00:18Angelique, kung para nga kanina madaling araw hanggang kaninang umaga na malakas ang ulan,
00:22eh ngayon dito sa Metro Manila, medyo bumuti na yung panahon.
00:25Pero ilang parte pa nga rin ng Metro Manila ang may baha.
00:28Partikular na nga dito sa Malabon.
00:34Wala pa ang liwanag ng magsimulang bumuos ang ulan sa Metro Manila at pagsikat nga ng araw,
00:40nagmistulang ilog ang mga kalsadang ito sa Malabon.
00:43Hanggang bago mag-alas otso, hirap pa rin na daanan ng mga sasakyan ang lugar dahil sa taas ng baha.
00:49Kita rin sa CCTV ng Malabon Central Command na kahit ang mga malalaking truck ay nahihirap ang lumusong.
00:55Kasama na nga rin dyan ang mga tricycle at mga motorsiklo.
00:57Ayon sa Malabon LGU, umupa agad ang ilang baha sa syudad.
01:01Ang dahilan ng daw kasi nito ay ang magdamag na pagulan at pagsamay din ang high tide na umabot sa 1.4.
01:08Sa ngayon, tatlong lugar na lang ang may tubig baha.
01:10Kabilang na nga dyan ang Estrella, Hulong Duat at Sea Arellano.
01:14Nagbigay naman ng libring sakay ang Malabon LGU para sa mga na-stranded o naipit na masayro sa lugar.
01:20Inaasahan naman sa mga susunod na araw ay aabot sa 1.8 meters ang mga high tide sa lugar.
01:26Sa Nabotos naman, Angelique, naghahanda na rin para sa mga posibilidad na pagbaha.
01:31Lalo pa at aabot sa halos dalawang metro ang high tide sa lugar sa mga susunod na araw.
01:35Yung mga paaring pasukan ko ng tubig, nilalagyan na ko yan ang sandbag ng engineering.
01:44Meron na tayong mga preempted na paglalagay po ng sandbagging o sandbags doon sa mga paaring panggalingan ng tubig.
01:55Nakarequest na ko tayo sa DSWDNCR ng 1,000 food packs.
02:00Nakipagpulog na rin ang CDRMO ng Nabotos sa mga barangay para pakiusapan ang mga residente na iwasan ang magtapo ng basura.
02:10Isa daw kasi ito sa mga inaanod kapag tumaas na ang tubig sa ilog.
02:14Nakikipagugnayan rin ang lokal na pamahalan sa DEPED para sa mga posibilidad ng class suspension kung sakaling tumaas ang tubig ngayong linggo.
02:21DEPED, advice na ko sila ng possible suspension or cancellation of classes, pati ko yung availability ng mga classrooms kung sakaling mag-i-back to it tayo ng ating mga kumabayan.
02:33Sa ngayon nga, nagkakaroon na rin ang panibagong harang ilog ng barangay San Jose kung saan nasira ito noong nakaralinggo.
02:45Angelic, sa ngayon nga, kung makikita nyo sa aking higurad, papakita ko lang itong bahay na ito sa gilid.
02:50Kung makikita ninyo, sa lugar na ito, medyo mataas yung baha.
02:55Kaya na mapagpinasok mo yung mismong bahay na iyon, ay paniguradong hanggang tuhod yung baha o hanggang sa may binti mo yung baha.
03:03Pero dito sa pinakakalsada, kung makikita nyo naman, halos lagpas na lang ng sakong yung baha dito.
03:10At nadadaanan na rin naman ang mga motorista kahit na yung mga maliliit na sasakyan, especially yung mga motorsiklo.
03:16Sabi ng mga residente na nakatira dito, matagal daw talaga yung baha kapag umulan, lalo na pag sinabayan na rin ng high tide.
03:24Yan muna ang latest. Balik sa iyo, Angelic.
03:26Yes, JM, apapano na, katulad ng bahay na tinuro mo, meron bang naitutulong yung local government, yung barangay sa kanila?
03:35O wala nang solusyon yung pagbaha na yan na pasok sa bahay?
03:40Ang dito.
03:41Okay, mukhang may problema ang audio natin kay JM. Maraming salamat sa iyo, JM Pineda.

Recommended