Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 7/6/2025
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sardinas ang ulam ng pamilya ni Jonathan ngayon.
00:06Kailangan kasing pagkasyahin ang minimum wage na kita niya.
00:10Tingin ko kulang sa mga magagawa yan kasi sobrang mahal din ng mga bilihin ngayon.
00:16At bukod dun, marami na rin, bukod dun sa pagkain, marami na rin tinaas.
00:20Ang gaya ng mga sa pagbayad sa kuryente.
00:23Noong 19th Congress, hindi pumasa ang panukalang legislated wage increase.
00:28Ngayong 20th Congress, naghahin ang magkakaibang panukalang daily wage increase ang ilang senador.
00:34Pinakamataas ang sinusulong ni Sen. JV Ejercito, 250 pesos.
00:38Sa inflation ngayon, sa pagtaas ng presyo ng bilihin.
00:42Kaya ako ginawang 250, alam ko naman na, syempre, tatawad pa yan.
00:46Whether it's 150, 100, 150 at least, malaking bagay po sa ating magagawa.
00:52Maaaring isang committee hearing na lang daw pagbukas ng 20th Congress at maisa sa batas ito sa loob ng isang taon.
00:59Sa kamera, may mga bersyon na rin ng panukalang batas gaya ng isang panukalang 200 peso wage increase.
01:05Para kay TUCP Partilist Representative Raymond Mendoza, hindi katanggap-tanggap ang 50 peso wage hike ngayon sa NCR.
01:13May hihulay rin panukala para sa 1,200 pesos na national living wage.
01:17Ano kaya ang pananaw ng minimum wage earners kung may pumasamang legislated wage hike?
01:22Pag tumataas yung sahod natin, sir, tumataas din yung bilihin.
01:27Para sa akin, sir, sa ngayon, sir, 1,000 dagdag nila.
01:311,000 yun, sir, sa tingin ko, walang magre-reklamo niyan.
01:35Kulang pa po yun, sir, para sa tulad kong pamilyado.
01:38Sa July 18, epektibo ang 50 pesos na wage hike o mahigit 1,000 piso sa isang buwan na inutos ng Metro Manila Regional Wage Board.
01:46Nauna ng sinabi ng National Wages and Productivity Commission na kailangan ding balansihin ang ipatutupad na dagdag sahod
01:53dahil sa pangambang maaari ding mauwi ito sa pagmahal ng bilihin at makaapekto sa bilang ng trabaho.
02:00Naghahain din si Sen. Wynn Gatchalian ng Ginhawa Act na layong ma-exempt sa income tax
02:05ang mga kumikita ng 400,000 pesos sa isang taon o nasa 33,300 pesos kada buwan.
02:11Sa train law kasi, tax exempt kapag 250,000 pesos kada taon ang sweldo ng empleyado.
02:17Napako na yung 250. Alam naman natin, every year may inflation, so in-adjust namin sa inflation at tinaasan pa namin.
02:25So it's just fair because ang inflation natin for the last 10 years ay napakataas.
02:31Sa panukala, itataas din sa 250,000 pesos ang tax fee na bonus mula 90,000 ngayon.
02:37At alisin ang tax sa service charge at iba pang bayad sa mga empleyado tulad ng night differential.
02:43Para sa GMA Integrated News, Mav Gonzalez, Nakatutok, 24 Horas.

Recommended