Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 7/5/2025
Aired (July 5, 2025): Paano nga ba naiimpluwensyahan ng Autism Spectrum Disorder (ASD) ang kilos, damdamin, at pakikisalamuha ng isang tao? Alamin ang paliwanag ng mga eksperto. Panoorin ang video.

Category

😹
Fun
Transcript
00:00PINOY MD
00:30PINOY MD
01:00At gaano kahalaga ang pag-unawa at pasensya ng pamilya at iba pang nakapaligid sa mga mayroon nito?
01:06Abangan mamaya!
01:08Samantala, narito muna ang ating dermatologist na si Doc Jean para sagutin nga po ang ilang mausaping pangkalasugan na ipinadala ninyo sa ating Facebook question.
01:17Good morning, Doktora!
01:19Good morning, Connie! And of course, good morning po sa lahat ng ating mga kapuso.
01:24Eto na for our first question, Doktora Jean.
01:26Ayan, tanong ni Krishna Ramos, bakit daw kaya ilang beses siyang nakaka-ingrown?
01:31Masakit yan.
01:32E paano ba nagiging prone ang isang tao na magka-ingrown sa kuko?
01:37Alright, Krishna. Nagkakaroon ng ingrown kapag yung ating mga kuko ay tumubo papuntang balat.
01:45Doon sa flesh na tinatawag na nakapaligid sa kuko.
01:49Kung baga, naiipit yung tubo ng nails doon sa skin.
01:54And then, pag nagkaganya, namumula na, and minsan nagkakaroon ng pain, namamaga, at nagkakaroon ngayon ng secondary infection.
02:03So, ano nga ba yung mga nagko-cause niyan?
02:04Una-una, kapag improper trimming, grabe, kasi siguro magtanggal ng kuko mo, sinasagad-sagad mo.
02:12Tapos, pag sinagad mo, pag tumubo yung nails na yan, ngayon, tutubo siya, papaloob doon sa balat.
02:18Ouch!
02:19So, pwedeng mangyari yan.
02:20Pangalawa, pwede rin nangyayari yan kapag yung shoes mo naman, sobra namang sikip.
02:26Pag masikip yung shoes, nagkakaroon ng pamamaga doon sa flesh or doon sa skin.
02:31And then, pag tumubo yung nails mo doon, pwedeng maipit yun, magasgas yung skin na yun.
02:36And pwede rin naman ang injury. Kapag ikayhan mo na injury or nasaktan yung area na yun, pwede magkaroon ng pamamaga doon.
02:46Ano naman yung problema?
02:48Ha?
02:50Ano naman yung problema?
02:53Wala yun.
02:55Ang binatay ito sa video, mahinaho na pinakakalma ng kanyang ama.
03:00Di na, di na, di na. Wala na yun.
03:03Ano gusto mo?
03:04Ha?
03:06Alis tayo, di ba?
03:08Makikita rin sa video ang sirang laptop at electric fan. Nakagagawan din daw ng pinata.
03:16O, dito ka muna. Mainit, mainit.
03:18Pero imbis na magalit sa anak, ang ama, kalmado at mahaba ang pasensya.
03:28Ano ang kwento sa likod ng video na ito?
03:30Para sa mahal kong anak, nahikit pa sa sarili ko.
03:35Ang nakakaantig nilang istorya, abangan dito lang sa Pinoy MD.
03:39Ang mag-ama sa video, binisita namin sa kanilang tahanan sa Quezon City.
03:50Hello!
03:52Kamusta po?
03:54Pasok, pasok.
03:56Hi Kyle!
03:58Hi Kawai!
03:59Kawai, Kyle.
04:00Kawai, ayun o.
04:01GMA o.
04:02Kawai na.
04:02Ayun, come on.
04:03Ayun, si Kyle lo.
04:04Good drawing eh.
04:05Pasok, pasok.
04:06Tahimik at tila nahihiya na humarap sa amin ang labing walang taong gulang na si Kyle.
04:13Kumpara sa mga kaedad niya,
04:17si Kyle limitado ang galaw at mga aktibidad.
04:21Madalas, hirap siyang makihalubilo.
04:24Kaya maging ang kanyang pag-aaral at paglalaro apektado.
04:27Ano naman yung problema?
04:32Wala yun.
04:34Si Kyle kasi na-diagnose ng Autism Spectrum Disorder o ASD.
04:41Si Kyle ay diagnosed since 4 or 5 years old with ASD.
04:47Kaya until now, lagi pa rin siyang dapat may kasama para mag-assist ng mga needs niya.
04:53Ang ASD isang kondisyon na may kaugnayan sa brain development at nakaka-apekto sa kilos.
05:03Pakikihalubilo at pakikipag-usap sa iba.
05:07Ang Autism Spectrum Disorder ay isang klase ng developmental disorder
05:12na kung saan ang bata ay may problema sa kanyang behavior,
05:19sa kanyang communication at saka sa kanyang social skills.
05:23Kwento ng amang si Val, dalawang taon noon si Kyle
05:28nang may mapansin silang mag-asawa sa kilos at gawin ng anak.
05:33Ina-expect ko kasi mga 1, 2, 2, magsasalita na kahit daddy or mommy.
05:37Pero nang pagating niya ng 3 years old,
05:40yung mga dapat niyang sabihin talagang zero kahit daddy, mommy, wala eh.
05:45So pag gusto niya ng milk, kukunin lang niya yung bottle,
05:49yung dede, iaabot sa'yo tapos ikaw na magtimpla.
05:53Kahit na mga unang buwan pa lang sa buhay ng isang bata,
05:59may mga milestones po kasi na dapat na naa-achieve na isang bata.
06:04Milestones, behavior, as simple as, di ba,
06:08pag 2 months, ngitian mo yung anak mo,
06:10nag-re-respond sa'yo, di ba?
06:12Tapos pagdating ng mga 8 months hanggang 12 months,
06:18mamamama na siya.
06:20Pag hindi mo yung nakikita sa anak mo,
06:23mabahala ka kasi yun yung nga mga early signs.
06:27Bukod dito, mahirap din daw siyang magbalanse.
06:31Parang lakad siya, hindi balanse,
06:33nagtitipto.
06:34Andun din yung wala siyang eye contact.
06:36Ang kauna-unahan na senyales ay,
06:41pag tinatawag, hindi naman siya binin ng dededma.
06:46Tapos pag kinakausap, hindi tumitingin sa mata.
06:50And then meron siyang mga mannerisms, no?
06:54Pwede sa kamay.
06:55Pag naglalakad siya, nakatipto siya.
06:58Tapos marami din siyang sensory issues,
07:02like nagtatakip siya ng tenga.
07:04Tapos ngiti siya ng ngiti.
07:06Wala naman nakakatawa.
07:09Dahil sa mga senyales,
07:11minabuti na nilang ipasuri si Kyle sa isang espesyalista.
07:14Dito na na-diagnose na mayroon nga siyang
07:16Autism Spectrum Disorder.
07:19After ng mga test,
07:21observation, assessment, and laboratory,
07:23na-confirm na nga na meron siyang autism.
07:26Wala akong makikita ang frustration sa akin,
07:28pero deep inside, gulong-gulo na isip ko.
07:30Nag-usap kaming mag-asawa.
07:32Siyempre, nadadaan na kami sa mga advice ng aming doktor,
07:37gaya ng occupational therapy, speech therapy, ABA.
07:44Hindi raw naging madali natanggapin ang sitwasyon ng kanyang anak,
07:48lalo't nag-iisang anak lamang si Kyle.
07:51Wala naman akong karapatang sumuko
07:53kasi wala namang aasahan iba si Kyle.
07:55Ako yung sandigan niya.
07:56Kami yung kanyang inaasahan.
07:58Hindi na, hindi na, hindi na.
07:59Wala na yun.
08:01Pero ang tanong,
08:02Tok, ano nga ba ang sanhin ng ganitong kondisyon?
08:05Ang kasagutan,
08:06abangan mamaya.
08:11Back to our Facebook question again,
08:13Doktora Jean.
08:14Ano ang tamang skincare
08:16para mawala yung mga pores and scars sa mukha?
08:19Tanong yan ni Marie Grace R.
08:21May mga skincare na tinatawag na exfoliating skincares, no?
08:25Or yung mga smoothening skincares.
08:27Yan yung mga vitamin A-derived chemicals like retinol, retinoic acid, retinaldehyde, no?
08:35Iba-ibang klase yan, no?
08:37Pwede rin mga glycolic, alpha hydroxy acids, no?
08:41Or mga mandelic.
08:42Of course,
08:43dapat yung mga smoothening creams na yan,
08:46mayroon talagang guided ka ng iyong dermatologist.
08:49Because these are irritating creams, no?
08:52May potential siya na maka-irritate.
08:54So, dapat masuri muna.
08:55Ano ba ang skin type mo?
08:57Sensitive ba?
08:58Oily ba?
08:58Combination ba?
08:59Lahat yun kinukonsider.
09:01Tapos pangalawa,
09:01ano ba yung soap na gagamitin mo kasabay nun?
09:04Kasi kung sobrang tapang na nung soap,
09:07eh pwedeng lalong mag-cause ito ng irritation.
09:09Mag-i-smoothen nga,
09:10mangingitim ka naman, no?
09:12So, of course,
09:13talagang dapat talagang masuri ka
09:15at mabigyan ka talaga ng
09:17parang kumbaga kit.
09:19Because you also need,
09:20pag magamit ka ng mga smoothening creams,
09:23dapat may mga moisturizers din, no?
09:25So, go to a dermatologist
09:27para talagang masuri yung iyong skin.
09:33Ang Miss Universe Philippines 2023
09:36na si Michelle Marquez D.
09:37ibinahagi din sa publiko
09:39na may mga kapatid siyang
09:41nasa autism spectrum.
09:44Naging daan din ito bilang
09:45advokasing Michelle
09:46na ipalaghanap ang awareness
09:48at pagtanggap sa mga taong mayroon nito.
09:52Noong nakaraang taon,
09:54mapalad kong na-interview si Michelle
09:56kung saan ibinahagi niya
09:58ang kanyang advokasiya.
09:59I've been an advocate for the autism community
10:02since, actually,
10:04it's a lifelong mission of mine.
10:05I have dalawa po yung kapatid ko
10:07na nasa autism spectrum.
10:09Dito po kasi sa Philippines,
10:10medyo may pagkukulang pa po
10:12sa association,
10:14the knowledge,
10:15the education,
10:16not just with what we know,
10:17but also in our laws,
10:19what we're able to provide
10:20our persons with disabilities.
10:22And kasama na din po doon
10:24yung mga individuals
10:25on the autism spectrum.
10:26So ako po,
10:27kaya po ako nagpalaki ng platform
10:29para I create that voice that's heard
10:32and that can be listened to.
10:35Palaisipan din daw kina Val
10:37kung mapaano nagkaroon ng autism
10:39ang anak na si Kyle.
10:41Nagtakataka ako kung saan namin na ako matong
10:43kasi lalo na ako,
10:45angkan kami ng mahiingay.
10:47Angkan kami ng mararami.
10:50At doon pa lang sa isa lang naging anak namin.
10:52Medyo di ko maubos maisip.
10:57Pero Doc,
10:58nasa lahi nga ba ang pagkakaroon ng autism?
11:01Ayon sa Developmental and Behavioral Pediatrician
11:04na si Doc Jocelyn Eusebio,
11:06may mga pag-aaral na pwedeng namamana
11:08ang naturang kondisyon.
11:10May mga pagsusuri na
11:12na meron talagang kinalaman din
11:14ang genetics.
11:16Kaya nga,
11:17pag tinanong ng nanay,
11:19Doc, may anak na kami.
11:20Pag nasundan po ito,
11:23mauulit pa po kaya.
11:26Base sa pagsusuri,
11:28pag meron ng kamag-anak
11:30o may anak na na may autism,
11:34mas mataas ng konting porsyento,
11:37around 5%,
11:39as compared to
11:40sa isang pamilya na wala talaga.
11:43So may kontribusyon ang lahi.
11:45Pero paglilinaw ni Doc,
11:48hindi raw sa lahat ng pagkakataon,
11:50ito ang dahilan.
11:52But it doesn't always follow.
11:54Marami sa kanila
11:55na walang family history.
12:00Hindi rin daw dapat sisihin
12:01ng mga magulang
12:02ang kanilang mga sarili.
12:04Na sabi ng mga parents is,
12:07siguro kasi doktora,
12:09meron akong ginawa,
12:11parang gusto ko siyang matanggal.
12:13O yan,
12:14isa yun.
12:15Or,
12:16lagi kasi kami nag-aaway ng asawa ko.
12:18Di ba?
12:20Pangatlo,
12:21ako po'y umiinom,
12:22o di kaya naninigarilyo.
12:25O yan,
12:26walang katotohanan yun.
12:28Wala kang kasalanan dyan.
12:30Ang autism mangyayari
12:32kahit perfecto lahat.
12:35Pagbubuntis,
12:36panganak,
12:37pangangalaga.
12:39Ang mga magulang ni Kyle,
12:42hands-on pagdating sa kanyang
12:43mga pangangailangan.
12:45Hindi pwedeng si nanay lang,
12:47hindi pwedeng si daddy lang.
12:48Kung ano yung activity ko,
12:50kung ano yung negosyo ko,
12:51laging involved si Kyle.
12:52Lagi ko siyang kasama.
12:53Kaya para,
12:54you know,
12:54kahit na naghahanap buhay ako,
12:56at the same time,
12:57nag-aalaga.
12:58Ito na yung nagawa niya,
12:59ito yung bonding namin
13:01nung ano,
13:02nung Holy Week.
13:03Independence Day,
13:0512th,
13:06Thursday,
13:07Father's Day,
13:0822,
13:09Sunday,
13:10aling talaga ni Kyle,
13:11hanip ang memorya.
13:13Si Kyle,
13:14talentado sa pagdodrawing
13:16at pagpipinta.
13:18Bukod dyan,
13:19matalas din daw
13:20ang kanyang memorya.
13:22Kabisado nga raw niya
13:23ang mga espesyal na okasyon
13:24sa kalendaryo.
13:26May mga series of tests
13:28kaming ginagawa,
13:30no,
13:30para malaman natin
13:32kung ano yung kakayahan nila,
13:34no.
13:34May kakayahan silang
13:35makapagsalita,
13:37may kakayahan silang
13:39maka-perform na
13:41academic skills.
13:42Nagpipis yung si Kyle.
13:44May huli.
13:45Ang galing ni Kyle.
13:46Sige, ikot, ikot.
13:47Madalas din daw
13:48mag-bonding ang mag-ama
13:49tulad ng
13:50paminingwit ng isda
13:52at paggawa
13:53ng content online.
13:54Pero higit sa lahat,
14:01pinaka-proud daw
14:02ang buong pamilya
14:03sa pagiging
14:04achiever ni Kyle
14:05sa eskwela.
14:06Sa ngayon,
14:07grade 7 na si Kyle
14:08sa isang private school.
14:11Sa school,
14:11marami siyang
14:12achievements.
14:13Pag
14:13meron silang
14:16moving up,
14:18lagi siyang may
14:18mga special award.
14:19At kung nakaranas
14:23ng meltdown,
14:24patience
14:24is the key, Rao.
14:26At hanggat maaari,
14:28iniiwasan din nila
14:29ang mga bagay
14:30na nakaka-trigger
14:31kay Kyle.
14:32Napaka-moody.
14:33Kaya ako,
14:34bilang isang
14:35lagi niyang kasama,
14:36alam na-alam ko na
14:37yung technique
14:37para siya i-hahandle.
14:39Talagang pag wala
14:40sa mood,
14:40hindi ko pinipilit.
14:43Ayon kay Doc,
14:44para sa mga pamilyang
14:45nakapaligid sa isang
14:46batang may autism,
14:47mahalaga ang
14:48pag-unawa
14:48sa kondisyon.
14:50Para mas lubos
14:51na maunawaan
14:51ang kanilang behavior,
14:53nalupat ang iba
14:54sa kanila,
14:55limitado ang
14:55communication skills.
14:58Eh kasi,
14:58hindi nila makuha
14:59yung gusto nila,
15:01hindi nila masabi
15:02kung ano yung gusto nila,
15:04hindi naman din
15:04mahulaan
15:06ng mga tao
15:07sa paligid nila
15:08kung ano yung gusto nila.
15:09Unang-una,
15:10dapat nating
15:11maintindihan
15:12na yun ay
15:13isa talagang
15:14sa kanilang problema.
15:16So,
15:16iwasan natin na
15:17most of the time,
15:18lahat na lang
15:19ng gusto niya
15:20eh,
15:20inono natin.
15:22But at the same time
15:23naman,
15:24we have to be
15:24consistent,
15:25na pag no,
15:27no din.
15:28Para kay Val,
15:29isang bagay lang daw
15:30ang hiling niya
15:30para sa anak,
15:31ang matuto siyang
15:33tumayo
15:34sa sarili niyang
15:34mga paa.
15:35hindi,
15:38hindi ko alam,
15:38kung sinumukunan sa amin,
15:40kumusyao ako,
15:42di ba yun ang masakit
15:43pag tumating na
15:45yung panahon na yun.
15:46Kaya,
15:47ako bilang
15:48ama ni Kyle
15:49at guy
15:50ng mga magulang,
15:52ang prayer talaga
15:52namin,
15:53makatawid sila.
15:55Makatawid sila
15:55bilang sa sitwasyon
15:56na ganito,
15:57maging independent
15:58sila.
15:58In fact,
16:01sa lahat sa kanila,
16:02yun ang primary goal natin.
16:05Yung sila po ay
16:06matutong
16:08kumain mag-isa,
16:10mag-base mag-isa,
16:12maligo mag-isa.
16:14Dagdag ni Doc,
16:15para sa mga kapuso,
16:16natin gustong ipakonsulta
16:17ang kanila mga anak
16:18sa mga espesyalista.
16:19Kung makitaan
16:20ang mga senyalis
16:21ng ASD,
16:22may ilang pampublikong
16:23ospital na nagbibigay
16:24ng libreng serbisyo.
16:27Marami na po talaga
16:28tayong government
16:29institutions naman,
16:30katulad ng
16:31National Children's Hospital,
16:34Philippine General Hospital,
16:37Philippine Children's Medical Center,
16:39and even yung mga private,
16:41meron silang tinatawag na
16:43service.
16:44Marami na hong
16:45local government units
16:47na nagbibigay talaga
16:49ng support.
16:52At para sa mga kapwa magulang
16:54na hindi napapagod mag-alaga
16:56sa mga anak na
16:57na-diagnose
16:57ng OTSM,
16:59sa mga magulang
17:00na may ganitong
17:01klaseng kundisyon,
17:04unang-una,
17:05huwag kayo mapapagod.
17:08Nakakapagod,
17:09pero hindi kayo
17:09pwedeng mapagod.
17:12Yung pasensya,
17:14yung pagmamahal,
17:16huwag na huwag
17:17mawawala.
17:18Una, tanggapin.
17:19Wala nang denial,
17:20tanggapin nyo na,
17:21nandyan na yan.
17:23Hanggat kaya,
17:24hindi naman daw
17:25mapapagod si Val
17:26at ang buong pamilya
17:27na umalalay kay Kyle.
17:29Kyle,
17:31si Daddy nandito lang
17:32lagi para sa'yo.
17:33Hindi ako susuko.
17:36Magkasama tayo
17:36habang buhay,
17:38kasama kita,
17:39kahit saan tayo,
17:40kahit anong mangyari,
17:41hindi kita iiwan.
17:45Hindi ang matang mapanghusga,
17:47kundi pusong may pangunawa
17:49ang kailangan ng mga taong
17:50may Autism Spectrum Disorder.
17:52Kahit may mga hamon
17:54sa kanilang pagkilos
17:55at pakikisalamuha,
17:56may kakayahan pa rin silang
17:58mamuhay ng maayos
17:59at may dignidad.
18:01Ang mahalaga,
18:02iparamdam sa kanila
18:03ang pagkalinga
18:04at buong suporta
18:05mula sa pamilya,
18:07kaibigan,
18:08at mga espesyalista.
18:10Hanggang sa susunod na Sabado,
18:16tutok lang kayo dito sa amin
18:17sa Pinoy MD.
18:186.30 in the morning,
18:20ha?
18:20It's a date.
18:21Ako po si Connie Sison,
18:22ang inyong kaagapay sa kalusugan.
18:24Nagpapaalala na siyempre,
18:25iisa lang ho ang ating katawan.
18:28Kaya dapat lamang natin
18:29itong pangalagaan.
18:30At ako naman yung dermatologist,
18:32si Dr. Ajino.
18:33At tandaan,
18:34unahin ang kalusugan
18:36at lagi pong tumutok dito
18:37sa programa kung saan kayo.
18:38At ang inyong kalusugan
18:40ang laging number one.
18:42Dito pa rin sa nag-iisang tahanan
18:43ng mga doktor ng bayan,
18:45ito po ang
18:46Pinoy MD.

Recommended