State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.
01:30Mula sa mundo, tuloy-tuloy sa pagdaosdos ang mala tsokolating lupa at malalaking bato sa sityo akupan sa Itogon, Benguet.
01:39Nasira na ang bahagi ng hanging bridge.
01:42Talagang nininirbius kami ah.
01:44Hindi kami nakatulog, lalo na nung nag-start yun.
01:49Mga hapon na, malapit ng dumilim.
01:54Kaya nga nag-anong kami, nag-backwit kami lahat.
01:57Muling nagka-landslide kaninang umaga dahil sa ulang dulot ng habagat.
02:01Sa pangambang baka madamay ang ilang pagbahay at paaralan, nag-clearing operation ng mga otoridad at residente.
02:07Hindi kasi makagamit ng bako dahil wala nang madaanan.
02:11Mahigpit ding minabantayan ang mga magtatakang dumaan sa mga tanong ng mga minahan.
02:15Minomonitor din ng ilang landslide-prone areas.
02:17Yung probinsya ng Abra at probinsya ng Apayao dahil nga sila yun nandoon sa extreme north ng Cordillera.
02:23At yan yung mga possibility mas malapit dun sa rain bonds ng ating Tropical Depression Bising.
02:32Sa La Union, halos zero visibility sa lakas ng ulan.
02:36Naunang isinailalim sa signal number one dahil sa Bagyong Bising ang labig-isang lugar sa Ilocos Norte.
02:46Sa bayan ng Pasukin, bantay sarado ang mga baybayin dahil sa taas at lakas ng mga alon.
02:52At dahil bawal munang mag-isda, hinangumula sa dagat ang mga bangka.
02:56Naka-ready naman na po lahat yung mga kailangang na paghandahan.
03:01Nag-preposition na po ng mga family food parks, particularly sa Corimao, sa Pasukin, and this morning sa Pagodpon.
03:11May pagbahan na rin sa Ilocos Sur.
03:13Sa Kandon City, binabantayan ang pagtaas ng mga ilog.
03:16Sa Batanes, panay ang pag-iikot ng mga polis para agad na makapag-abiso kung kailangan ng magpalikas.
03:25Binaha naman ang isang paaralan sa Taguluan, Misamis Oriental.
03:29Tulong-tulong muna sa paglilimas ng tubig ang mga estudyante at guro.
03:33Ayon sa schoolhead, bukod sa malakas na hangin,
03:35nagpapabaharin ang naging epekto sa kanilang drainage system ng konstruksyon doon ng karagdagang classroom.
03:41Sa ngayon, ilang stakeholders ang nagbigay ng lupang panambak para mapigilan ng pagbaha.
03:46Darlene Kay, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
03:56Lalong idiniin ang whistleblower na si Julie Dondon Patidongan,
04:00ang aktres na si Gretchen Barreto, sa pagkawalan ng mga sabongero.
04:05Idinitalian niya sa GMA Integrated News sa mga nasaksihan at narinig sa isang pulong
04:10na tinaguri ang alpha group na kinabibilangan daw ng aktres para raw ligpitin ang mga mandaraya sa sabong.
04:17Ang aligasyon ni Patidongan, tinawag ng kampo ni Barreto na belated embellishment o pahabol na dagdag sa kwento.
04:24Narito po ang aking report.
04:29Ibinahagi ni Julie Dondon Patidongan alias Totoy ang litratong ito.
04:33Nang kinuha niyang ninong at ninang ng kanyang anak,
04:37ang matagal niyang naging boss na si Charlie Atong Ang at aktres na si Gretchen Barreto.
04:41Ang pangalan ng anak ko, Don Chin Le. Doon ko kinuha yung Don sa akin, yung Chin, Gretchen, yung Le, Charlie.
04:52Yun kinuha ko yan. Kinuha ko sa pangalan nilang dalawa.
04:55Ninong din ang kasosyo umano ni Ang na si Engineer Celso Salazar.
05:00Sabi ni Patidongan, bahagi raw si Nabareto at Salazar ng alpha group o yung mga pinakamalalapit kay Ang.
05:06Nasaksihan daw niya mismo kung paanong nagdesisyon ng alpha group sa kapalaran ng mga sabongero.
05:12Kasama siya sa pumayag na walain yung mga sabongero.
05:18Ngayon, isa sa tumas ng kamayan.
05:20Si Gretchen Barreto.
05:22Tumas ang kamay, ano ibig sabihin nun?
05:23Isa siya sa pumayag na walain yung mga natsutsupi.
05:28Kasi sabi nga ni Mr. Atong Ang, pag hindi natin gawin yan, babagsak yung negosyo natin.
05:36At imposibleng matututul siya, ikatabi siya mismo lagi ni Mr. Atong Ang pag nag-meeting.
05:42Ibig sabihin, taasan ng kamayon.
05:45Paburan yan, tinitingnan kung sino ang agis o hindi.
05:48Meron ka pa bang ibang ebidensya kay Gretchen?
05:50Lagi kasama ni Mr. Atong Ang yan.
05:53Pinalagan ng kampo ni Barreto ang pagdawit sa kanya.
05:56We deny it. She denies it.
05:59Categoryly.
06:00Dahil?
06:02Because the fact of the matter is, wala siyang kinalaman doon, wala siyang ginawa, wala siyang sinabi that connects with the disappearance of the sapongeros.
06:13Kahit itinuturing ng suspect ng DOJ si Barreto, iginiit ng kanyang abugado na wala pa rin matibay na ebidensya laban sa aktres.
06:20Yung sinabi ni Secretary Remolia, naiintindihan ko, nang ibig niya lang niyang sabihin na tinuturin niyang suspect si Ms. Gretchen Barreto ay dahil siya'y pinalanganan ng whistleblower.
06:34I'm very confident na magkakaroon pa ng investigation.
06:39May sumubok daw mangikil para maalis ang pangalan ni Barreto sa listahan ng mga dawit sa kaso.
06:43Sinasabi na just pay off.
06:46Nakipag-usap ka na, makipag-usap, makipag-deal ka na.
06:51And you mentioned that you think that the whistleblower is part of this?
06:56I think, I think he must have been.
06:58Dahil?
06:58Dahil the person who made the proposition was also connected to the whistleblower.
07:07Wala pa raw formal na sabina o summons mula sa Department of Justice na natatanggap ang kampo ni Gretchen Barreto.
07:14Gayunpaman, tiniyak ng kampo niya.
07:16Nabukas sila sa investigasyon at handa makipagtulungan dahil wala raw silang tinatago.
07:20Giit pa ng abogado ni Barreto, mag-business partners lang ang aktres at si Ang.
07:26At posible raw na nadawit si Barreto dahil isa siyang investor at alpha member sa e-sabong operations.
07:31Bakit hindi yung mga ibang investors?
07:34Bakit yung mga ibang tao?
07:35Bakit si Ms. Gretchen?
07:37Kasi kilala siya.
07:38If there was really any involvement in the part of Ms. Barreto then,
07:42it would have surfaced noon-noon pa.
07:45Bakit ngayon lang?
07:46Bukod sa investors, idinadawit din ni Pati Dongan ang ilang polis na nasa payola raw ni Ang.
07:52Naitago pa ni Pati Dongan ang petty cash voucher na patunay umano ng mga binayad noon sa mga polis na lumigpit daw sa mga sabongero.
08:01Ang isang petty cash voucher na may halagang 200,000 pesos nakapangalan sa isang polis colonel.
08:072 million pesos naman daw para sa isang polis lieutenant colonel.
08:10At mahigit 2.6 million pesos daw para sa isang unit ng PNP.
08:14Intel lang kasi nakalagay doon.
08:16Pag sinabing Intel, yun na yung 500,000, yun na yung bayad sa mga pinatay nila.
08:23Yung overall naman na kinukuha ng isang colonel, yun ang monthly niya, 2 million.
08:30Ano kapalit doon? Ba't yung bibigyan ng 2 million?
08:32Ay, yun na yun. Sa trabaho, yung protection lahat na.
08:37Yun yung, kumbaga, mas malaki yung colonel dahil mga tao niya yung nandun.
08:41Isinumitin na ni Pati Dongan sa mga otoridad ang mga petty cash voucher.
08:46Sabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulia,
08:49labing limang polis na isinasangkot sa pagkawala ng mga sabongero ang inilagay na sa restricted duty.
08:55Aminado si Remulia na hindi madali ang pag-imbestiga sa kaso.
08:58Mabigat lang talaga itong laban dito kasi nga sobrang daming pera at sobrang daming koneksyon.
09:05Actually, there are 20 people in the alpha list.
09:08Ang tinatawag na alpha list, yun yung alpha group ng e-sabong.
09:14The alpha group is the main group that run the show at e-sabong.
09:20Binigyan na na security ng PNP si Pati Dongan.
09:23Andyan ng WPP, nakaalalay lang. But so far, the security is under General Torre.
09:28May impormasyon na ang DOJ kung saan sa Taal Lake posibleng tinapon ang mga nawala.
09:33Nagpapatulong pa rin sila sa Japanese government para sa kanilang remotely operated vehicles
09:38na pwedeng sumisid at lumikha ng mapa ng lakebed.
09:42Viral ang naranasang diskriminasyon ng isang PWD commuter.
09:47Dahil hindi halata ang kanyang kondisyon,
09:49pinaringgan siya ng kapwa-pasahero na huwag umupo sa priority seat.
09:54Ang babalaryan ng National Council on Disability Affairs sa report ni Von Aquino.
10:00Ito ang paninig ng mga pasahero kay Julian Takbad
10:11nang pumasok at umupo siya sa priority seat ng LRT Line 1.
10:15Sa social media post, ikinuwento ni Julian ang karanasan sa dalawang pasahero
10:19na nagtangkang magpatayo sa kanya.
10:22Naihilo raw siya kaya hindi tumayo at itinuro ang bakanteng upuan.
10:25Pero hindi rin naman daw ito inukupan ang mga nagpapatayo sa kanya.
10:30Si Julian, may congenital cataract noon.
10:33Person with disability o PWD siya dahil umabot sa 1,150 ang grado ng kanyang mata.
10:40Sinabi rin daw niya na isa siyang PWD pero sabi raw ng isang pasahero
10:44na kapag visual disability lang naman ay huwag nang umupo.
10:48Dito na niya ni record ang pangyayari.
10:49Ipinakita namin ang video ni Julian sa National Council on Disability Affairs o NCDA.
10:55Sabi nila, may paglabag sa batas ang mga pasahero ang nagparinig kay Julian.
11:00Doon sa mga nag-redicule, which is a violative of Republic Act 9442
11:07as amended by Republic Act 10754.
11:12And it's also a violative of our Magna Carta, yung Republic Act 7277 on vilification po.
11:18Kasi may public ridicule nga.
11:20Ang mapapatunayang lumabag, maaaring makulong ng 6 na buwan hanggang 2 taon
11:25at pagmultahin ng 50,000 hanggang 200,000 pesos.
11:29Ayon sa NCDA, ang mga disability ay nahati sa dalawang kategorya.
11:33Ang apparent o nakikita sa physical na anyo ng tao
11:36at non-apparent o yung hindi nakikita.
11:39Minsan po, hindi natin nakikita, especially yung apat,
11:43yung sa mental, psychosocial, you have also learning and intellectual.
11:49Nakikita man o hindi ang kapansana ng isang tao,
11:51paalala ng NCDA sa publiko,
11:53maging marespeto sa mga individual na gumagamit ang mga priority lanes,
11:57seat o anumang PWD facility.
11:59Pag nakita mo na may umuupo doon,
12:03there is always a presumption of regularity
12:05that that person is a person with disability.
12:08Now ngayon, kung non-apparent and then,
12:11non-apparent and really think na hindi siya person with disability,
12:14you can always ask the identification card
12:18or what type of disability.
12:19But make sure that you have the authority to ask.
12:22Kasi siyempre kung parang ang datingan ng pag-ask mo
12:26is pangungot siya and that's already violative.
12:28Ang mga PWD na makakaranas ng diskriminasyon at pangungutiya,
12:33maaaring humingi ng tulong sa Persons with Disability Affairs Office
12:37ng kanilang LGU at i-report ang insidente.
12:41Von Aquino nagbabalita para sa GMA Integrated News.
12:48Buksan mo sa pahinang tungkol sa akin.
12:52Aking susubukan kabahalan.
12:54Tapos na ang journey ni Michelle D bilang si Hara Cassandra
12:58pero updated pa rin siya sa Encantadia Chronicles Sangre.
13:02Napansin nga niyang tila ibang libro ang nabuklat ni Nunong Imau
13:05nang mag-flash sa screen ang mga eksena nila ni Rian Ramos
13:09sa pinagbidahan nilang episode sa Magpakailanman.
13:12Reunited naman sa outside world ang ex-PBB housemates.
13:20Sumakses ng araw sila dahil hindi na munggo ang kanilang pagkain.
13:25May separate meetup naman si na Dustin Yu at house guest slash BFF na si David Licauco.
13:32Habang ang Shukla at Dusty Duo, atake ang pagpapasaya sa It's Showtime.
13:37O-A! Apaka-O-A!
13:40Eto nga pala yung tinapakad ko, nandito na sila!
13:45Bukas ang big night ng PBB.
13:47Magkakaalaman na kung sino sa duo ni Nachares, Rawi, Azver, at Breka ang tatanghaling big winner.
13:54Ano kiniklaim mo? Nauna ka?
14:01Nauna kayo nagka-anak.
14:02Uy, ba't hindi ka pinakasalan?
14:05Mag-isip ka. Bakit hindi ka pinakasalan? Ako, pinakasalan.
14:08Usap-usapan sa social media ang galit na galit na patutsada ni Gladys Reyes
14:13at ang emosyonal na paglalahad ni Vina Morales.
14:16Ako si Thelma. Isa akong babae na nagtiwala sa pagmamahal ng kalif and partner niya.
14:29Hindi na niya sinasagot yung mga tawag ko.
14:31O, nalaman ko na lang, may nabunti siyang iba.
14:43Yan ang pinakasalan niya.
14:48Ang intriguing posts, halos paniwalaan na ng netizens, pati ng ibang artista.
14:54Kalma lang dahil in-character lang daw ang mga premiadong aktres sa upcoming serye na Cruz vs. Cruz.
15:01Veteran showbiz columnist na si Lolit Solis, pumanaw sa edad na 78.
15:09Ayon sa kanyang anak na si Sneezy, inatake sa puso ang ina habang nasa ospital.
15:14Bumuhos naman ang pakikiramay para kay Solis mula sa mga nakasama niya sa industriya.
15:19Athena Imperial nagbabalita para sa GMA Integrated News.
15:23Huwag magpahuli sa mga balitang dapat niyong malaman.
15:27Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube.